SPECIAL CHAPTER : RJ II

572 18 2
                                    


Tumayo ako at sinundan yung tatlong lalaking kaaalis lang kanina sa loob ng library. Nakasunod lang ako sa kanila at tinitingnan kung saan sila papunta. Nagtatago lang ako kapag nahihinto sila sa paglakad. Umakyat sila sa CON Building.

Sino naman kaya ang pupuntahan nila doon?

Umakyat din ako at dahan dahang naglakad paakyat ng hagdan. Nang makaakyat na ko bigla silang nawala sa paningin ko.

"Nasaan na kaya sila" sabi ko sa sarili. Para kasi silang bula na biglang nawala.

Walang masyadong studyante dito sa third floor ng building nato. Sumilip ako sa isa sa mga room, napahinto ako ng may magsalita sa likuran ko.

"Kami ba ang hinahanap mo" nakangising sabi nung Kim. Habang nasa likod niya yung dalawang lalaki.

Umiling lang ako at napaatras sa kinatatayuan ko.

"Wag ka ng magkaila. Kanina ka pa namin napapansin na sumusunod at nakikinig sa usapan namin sa loob ng library"

"Hindi! Nagkakamali kayo. May pinuntahan lang talaga ako dito" depensa ko.

"Ano namang pinag-usapan niyong dalawa" tanong ni Kim sa kasama niya. Dun na ko nakakuha ng tiyempo para umalis sa harap nila.

Tumakbo ako at sinundan naman nila.

Takbo lang ang ginawa ko hanggang sa makarating sa library.

"LUKE!" sigaw ko sa kaibigan ng makapasok ako ng library. Ayos lang naman sumigaw kasi kami lang ang nagbabantay sa loob at wala namang studyante sa oras nato.

"Oh! Anong nangyari parang hinabol ka ng sampung kabayo ah" sabi niya.

"Oo may humahabol nga sakin. Kapag may naghanap sakin na tatlong lalaki sabihin mo wala" hingal kong sabi sa kanya at tumakbo sa storage room.

Iniwan kong nakabukas ang pinto para may masilip ako. Maya-maya lang dumating na nga sila at nilapitan si Luke. Ang tagal nilang nakipagusap sa kaibigan ko. Umalis din sila pagkatapos.

Nakita ko namang papunta dito si Luke habang hinihingal pa din ako.

"Umalis na sila. Ano bang problema? Bakit ka nila hinahanap" sabi niya pagkapasok sa loob ng storage room at sinara ang pinto.

"Wala naman" umiwas ako ng tingin sa kanya. Hindi ko sinabi na may nalaman ako tungkol sa kanila.

"Mababait naman yung mga yun kaibigan kaya yun ni Bright dahil kila Allen at Lance" sabi niya.

"Ha? Kilala mo sila" tumango lang siya at nagtanong naman ako tungkol sa kanila. Lahat ng tanong ko ay nasagot naman niya.

"Bakit para atang gusto mo silang makilala"

"Syempre isa ako sa mga student council, kaya kailangan kong makilala ang bawat studyanteng nagaaral dito sa loob ng unibersidad" paliwanag ko pero palusot ko lang talaga yun.

"Ganon ba. Sige tapusin na natin yung mga sinabi satin para bukas di na tayo bumalik dito" di ko na pinansin yung huling sinabi niya.

Kaibigan pala ni Lance yung Kim na yun. So ibig sabihin siya nga ang tinutukoy nung dalawa. Kailangan kong makausap si Lance. Basta kailangan niyang malaman na nasa paligid niya lang ang dahilan kung bakit may nangyari noon sa kanyang masama.

Hapon na din nun nang pauwi na ko. Papunta ako sa kotse ng may humarang sakin. Iniangat ko naman ang aking ulo para makita ang mukha ng taong nakaharang sa dinadaanan ko.

Napaatras ako.

Si Kim. Nakangiti siya sakin. Nakangiti siya pero hindi masaya, nakangiti siya na parang may binabalak na masama.

Ang Lihim Ni LanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon