KABANATA 02

8.7K 138 5
                                    


LANCE POV

"Baby halika nga dito" lumapit ito at niyakap ako ng mahigpit mula sa likuran.

"Bakit ba ano ba kailangan mo?" naiirita kong tanong. Pilit tumatakas sa mahigpit niyang yakap.

"Kiss mo ko sa lips. Matagal" nakanguso nitong sabi. Nanlaki naman ang mata ko saka umiwas ng tingin sa kanya. Kung hindi ako iiwas baka bumigay ako sa mga tingin nito.

"Ayoko nga baby" pigil ko. Inalis ko naman ang pagkakayakap niya sa katawan ko.

"Please, sige na" pagmamakaawa nito. Naglungkot lungkutan pa siya na alam niyang hindi ko kayang tanggihan.

"Sige na nga. Oh ito na kiss ko..." sabay nguso palapit sa kanya.

Bigla nalang ako nagising sa Mahimbing kong pagkakatulog ng may yumuyugyog sakin. "Hmm. Ano ba" napahilamos ako ng mukha.

"Sir Lance, sir lance gising na po" tawag sakin ng boses.

Ano ba yan, akala ko pa naman totoo na sayang panaginip lang pala sabi ko sa isipan.

"Oh! ikaw pala yan Allen" sabi ko ng mapansin ang taong nakaupo sa gilid ng kama. Siya pala ang gumising sakin.

"Goodmorning po sir. Pinapatawag na po kayo ng mga magulang niyo sa dining area, nakahanda na po ang breakfast ninyo " aya nito sakin. Kapansin pansin ang masigla nitong pagsasalita kumpara kahapon.

Anong nakain ng lalaking ito?

"Morning din" sagot ko at inayos ang gusot kong damit. "Nakita mo ba yung ginagawa ko kanina bago mo ko gisingin" deritso kong tanong sa kanya.

"Opo sir. Nakanguso kayo, parang may hinahalikan nga po kayo" sagot niya sabay ngiti sakin.

"Haha ano ba yan nakakahiya naman sayo Allen. Nakita mo pang ganon ang itsura ko" yumuko ako. Pakiramdam ko kasi namumula ang pisngi ko sa hiya. Bwisit na panaginip yun.

"Ok lang po sakin. Ang cute nyo nga po eh" napatingin ako sa sinabi niya.
Natulala ako sa kanya dahil sa narinig ko na cute raw ako. Biglang bumilis yung tibok ng puso ko.

"Sir Lance, namumula po ang pisngi niyo, masama ba pakiramdam niyo?" pukaw nito sakin. Hinawakan ko naman ang magkabila kong pisngi.

Namumula daw ako?

Hindi pwede!

"Ah hindi" umiling ako "Baka siguro nagugutom lang ako. Bumaba na nga tayo, masamang pinagiintay ang pagkain" sabay kamot sa batok ko.

"Tara na po sir. Baka inaantay na nila tayo" sabi naman ni Allen. Buti naman hindi na siya nagtanong kung ano yung napanaginipan ko. Kainis na panaginip yan eh.

"Ok, susunod na ko" mabilis kong sagot. Dumiretso muna ko sa cr at nagayos ng konti saka sumunod sa kanya.

Pagdating sa dining area ay naabutan namin ni Allen na nakaupo na sa harap ng lamesa sina mom, dad kasama si manang Ester at si Abdul na nakaupo sa harapan nila.

"Sabayan niyo na kami kumain" sabi ni mom. Mukhang kasisimula lang nilang kumain.

Hindi pa ko nakakasagot ay agad naman na nagsalita si dad. Kaya napatingin ako sa kanya.

"Anak, may paguusapan tayo tungkol sa university na papasukan mo at may makakasama ka din pumasok dun" walang hingahang sabi nito. Umupo naman ako malapit sa tabi ni mom.

"Ano po yun dad may kasama akong papasok sa university na napili niyo. Sino po?" pagtataka ko. Kumuha ako ng bacon at itlog sa harap ko. Inabot naman sakin ni manang ang kanin.

Ang Lihim Ni LanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon