KABANATA 21

794 29 1
                                    


Tahimik na kumakain si Lance kasama ni Allen ng kanilang breakfast nang dumating ang kanyang mommy.

"Anak, pwede bang ikaw muna ang bumili ng grocery natin" sabi ng mommy ni Lance sa kanya.

"Ha? Bakit naman po ako? Ayoko!"

"Ngayon lang naman, isasama kasi namin ng daddy mo si manang sa pupuntahan namin kaya walang mag grogrocery satin" paliwanag ng ina niya.

"Yung ibang maids nalang po natin ang utusan niyo. Wag lang ako"

"Lance, ikaw na. Wala ka naman gagawin ngayon diba, please ngayon lang naman" pakiusap ng mommy niya.

"Mom naman kakagaling lang namin kahapon sa mall kaya magpapahinga ako ngayon!"

"Sige po tita kami nalang po ang bibili, sasamahan ko nalang din po si Lance para makapag grocery" sabi ni Allen.

"Ayoko Allen!" inis na sabi ni Lance sabay taas ng kilay niya.

"Oh ayan naman pala, may kasama ka na. Sige na aalis na kami hingin mo nalang sa kuya mo yung pera" paalis na sana ang kanyang mommy pero bumalik pa ito.

"Thank you Allen dahil sasamahan mo si Lance. Mag ingat kayong dalawa ha" humalik muna ang kanyang mommy kay Lance at umalis.

Hinintay muna niya makalabas ang kanyang mommy bago magsalita.

"Allen naman! Bakit ka pumayag, alam mo ba na tinatamad ako ngayon at wala ako sa mood para gumala" sabay kunot ng noo nito. Matalim din ang binabatong tingin niya kay Allen.

"Wala ka parin ba sa mood mo kung ako na yung kasama mo? Ayaw mo nun may gwapo ka ng kasama mag grocery" sabay pa cute ni Allen kay Lance.

"Who cares? Kung ayoko, a-y-o-k-o! walang makakapilit sakin na umalis ng bahay" mataray na sabi ni Lance. Mukhang nagulat naman ang binata sa sinabi niya.

Naguguluhan kung bakit ganon ang naging ugali ni Lance.

"Mukhang wala ka nga ata sa mood ngayon ah" sabay ngiti ni Allen.

"Kaya ka inutusan ng mommy mo dahil wala naman kasi tayong gagawin ngayon o kung gusto mo may gawin nalang tayong iba?" tumingin siya kay Lance ng nakakaloko at kumagat sa labi.

"Anong ibig mong sabihin?" tinaasan siya ng kilay nito.

"Hmmm, alam mo na yung ginagawa nating dalawa kapag nasa kwarto tayo" ngumuso pa ang binata sabay kagat ng labi na nakita ni Lance.

"Ikaw nalang, go fuck yourself!" sigaw ni Lance at umalis sa lamesa.

Nagulat naman si Allen sa kinilos ni Lance. Dahil para kasing ibang tao ang kausap niya.

Sinundan naman niya si Lance kung saan man ito patungo.

"Lance, teka lang ayos ka lang ba?" tanong ni Allen. Hinawakan niya ang kamay ni Lance.

"Tingnan mo nga, mukha ba kong may sakit? Bitawan mo nga ako" mataray na sabi ni Lance at dumistansiya kay Allen.

"Ano bang nangyayari sayo? Parang kahapon lang ayos naman tayo ah" sabi ni Allen. Tiningnan lang siya ni Lance at ngumisi.

"May nagawa ba akong ikinasama ng loob mo. At kung bakit ka nag kakaganyan ngayon" mahinahong sabi ni Allen.

"Meron ba? Teka lang isipin ko muna" ani Lance at hinawakan ang ulo saka kunwaring nagiisip ng malalim.

"Wala naman pala" sabi ni Lance. Tinalikuran niya si Allen at naglakad palayo sa binata.

Nagtataka pa din si Allen sa mga kinikilos ni Lance. Hindi niya maintindihan ang paguugali nito ngayon. Kaya napakamot nalang siya ng ulo.

Ang Lihim Ni LanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon