KABANATA 28

834 36 9
                                    


_________________________________________

PLEASE DON'T FORGET TO VOTE , COMMENT AND FOLLOW AFTER READING

NOTE: PAKIBASA PO NG MAIGI AT ALALAHANIN NG MABUTI DAHIL MAHALAGA ITO PARA SA MGA SUSUNOD PANG MGA CHAPTERS NA MABABASA NIYO. AT KUNG MAY HINDI KAYO MAINTINDIHAN IBIG SABIHIN DI NIYO BINASA NG MAIGI PATI YUNG MGA PAST CHAPTERS. Thank you.

_________________________________________

Bigla nalang bumukas ang pinto ng aming kwarto at nagsalita ang taong nakasilip samin ngayon.

Tumingin ako sa kanya at gulat na gulat ang reaksyon niya sa mukha ng makita ako.

"Allen............"

Mabilis kong tinakpan ang hubad na katawan ni Lance saka sunod kong kinuha ang unan at nilagay sa aking harapan.

Tumayo ako at naglakad patungo sa pinto, palapit sa taong ngayon ko lang nakita. Sa tagal ko na dito sa mansion siya ay parang bagong bago sa aking paningin.

"S-Sino ka? Bakit ka nandito, di ka ba marunong kumatok? At saka bakit kilala mo ko?" sunod-sunod kong tanong sa kanya.

Di siya sumagot nakatingin lang siya sa akin, hindi sa aking mata o sa mukha kundi sa aking matipunong katawan na mukhang sinusuri niya.

"Hoy kinakausap kita" pukaw ko sa kanya. Napansin kong tinakpan niya ang kanyang bibig at parang may pinunasan.

"Ah ganon ba, ano nga yung sinasabi mo" tumingin na siya sakin.

"Sino ka ba? Bakit mo ko kilala?" tanong ko ulit.

"Di na mahalaga yun, gusto ko lang sana makausap si Lance pero mukhang pagod na siya o dapat ko bang sabihin na dahil pinagod mo siya" tumingin siya sakin ng malagkit.

Magsasalita na sana ako kaso mabilis siyang nagsalita ulit.

"Sige na bumalik ka na sa kama niyo magpahinga ka na, alam kong pagod ka din" sabi niya ng may kakaibang tono.

"Teka lang. Alam ba nila Mr. Santos na may ibang tao dito sa loob ng mansyon" pigil ko sa kanya.

"Correction, I'm not someone else here"

"Eh sino ka nga? Bakit ayaw mong magpakilala sakin?"

Tinalikuran niya lang ako at naglakad papalayo. Sinilip ko pa siya hanggang sa makababa ng hagdan.

Sino kaya yong taong yun? Hindi man lang siya nagpakilala sakin at ang nakakapagtaka ngayon ko lang siya nakita at alam niya pa ang pangalan ko.

Sino ba siya?

Imbes na isipin kung sino yung tao na kausap ko lang kanina bumalik nalang ako sa kama para makapagpahinga. Kaso pagbalik ko wala si Lance sa higaan, naisip ko baka pumunta lang ng c.r.

Kaya di ko na siya naintay pa na makabalik sa kama. Ipinikit ko na ang mga mata dahil antok na ko sa pagod.

LANCE POV

Nagising ako hindi dahil sa may gumising sakin, nagising ako dahil sa tigas at lamig ng hinihigaan ko.

Bakit ako nandito?

Now I'm lying on the cold hard ground. Lol!

Nalaglag pala ako sa kama at nakatulog sa sahig.

Ang Lihim Ni LanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon