KABANATA 07

4.1K 58 1
                                    


LANCE POV

Isang masamang panaginip ang gumising sa aking mahimbing na pagkakatulog. Galing sa mapait at masakit na nakaraan na matagal ko ng kinalimutan. Sana hindi ko na mapanaginipan pa ang mga alaalang iyon. Ayoko ng maalala yung mga panahon na nasaktan ako at labis na pinahirapan.

Kung may pagkakataon na bumalik ako dun ay mas nanaisin ko nalang na mamatay kaysa bumalik sa lugar na yun. Para kasi akong sinasaksak ng paulit ulit sa tuwing maaalala ko ang mga tagpong iyon. At para akong sinasakal ng hangin mula sa nakaraan.

Pinunasan ko ang aking luha sa mukha. Niyakap ko ang aking mga tuhod. Dinama ko ang init ng sariling katawan at binagsak ulit ang sarili sa malambot na kama.

Buti nalang biyernes ngayon kaya di ko kailangan gumising ng maaga.

Ala-una pa naman ang pasok ko kaya mahaba pa ang maitutulog ko ulit. Bawi na din para sa maaga kong pag gising simula pa nung lunes.

"Hey! Bae" sabi ni Abdul. Nakasilip ito sa pinto. Napaayos ako ng sarili ng pumasok ito sa aking kwarto at tumabi sa aking pagkakahiga at niyakap nito.

"Bakit? Ano to chumachansing ka lang sa akin eh" sabi ko. Naiilang ako sa ginagawa niya.

"Hindi ah naglalambing lang ako sayo" tumama pa ang mainit na hininga nito sa pisngi ko. Ang bango.

Inalis ko yung kamay niya sa pagkakayakap sa akin tapos tumayo.

"Saan ka pupunta?" tanong nito.

"Kakain na nagugutom na ako" sagot ko kay Abdul.

"Ba't di na lang ako ang kainin mo?" ngumisi ito ng nakakaloko.

"Sira! Ikaw ah tigil tigilan mo lang ako" sabay alis, makakalabas na sana ako ng kwarto kaso hinatak niya ako pabalik at niyakap ulit mula sa likuran ng mahigpit.

"Wag ka muna umalis Bae, dito ka lang. Biro ko lang naman sayo yun" pangungulit nito.

Naramdaman ko nalang ang alaga niya na tumutusok sa pwetan ko pero hindi pa ito matigas, parang gusto kong umalis pero ayaw ng katawan ko. Ewan ko ba.

"Abdul, natutusok ako" nahihiya kong sabi. Pakiramdam ko namumula na ang pisngi ko.

Umalis siya sa pagkakayakap at iniharap ako sa kanya.

"Pasensya na, ayokong nasasaktan ka" ngumiti ito. Ang gwapo. Umiwas ako ng tingin sa mukha niya at tumingin sa sahig.

"Baliw, di naman ako nasaktan, natusok lang ng ano mo" sabay ngiti sa kanya.

"Yan ngumiti ka din" sabi niya sabay kiliti sa tagiliran ko.

"Ano ba wag mo ko kilitiin" ani ko habang tumatawa ng malakas.

"Ito pa para masaya kitang nakikita"

"Tumigil ka na Abdul!" tuloy parin ako sa pagtawa di ko na namalayan na nakahiga na pala kami ulit sa kama at nakapatong siya sa akin.

Huminto ito sa pagkiliti sa akin nilapit niya ang kanyang mukha dahan-dahan palapit sa mukha ko, hanggang malapit na sa labi ko hahalikan na niya sana ako.

Nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto, kitang kita ko ang mukha ng taong balak sanang pumasok. Masaya siya ng papasok na pero napalitan ng lungkot ang mukha nito ng makita niya kami sa ganong posisyon. Mabilis niyang sinara ang pinto at kumalabog iyon.

"Tekaaaaa Allen!" sigaw ko para pigilan siya.

ALLEN POV

Masaya ko sanang aayain kumain si Lance para mag-almusal, pero bakit makikita ko silang ganon at mukhang masaya pa siyang kasama si Abdul kaysa sa akin. Nakakalungkot lang makita na masaya si Lance sa piling ng iba at ang masakit pa wala akong magawa. Siguro ito na ang tamang panahon para kumilos naman ako para sa sarili kong kaligayahan.

Ang Lihim Ni LanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon