KABANATA 29

857 26 5
                                    


Naramdaman kong hinawakan ni Allen ang balikat ko. Napansin niya siguro ang pagtigil ko.

"Babe, ayos ka lang ba?" tanong niya.

Tumingin naman ako sa kanya at tumango habang nakangiti.

"Di na kita masasamahan sa baba"

"Okay lang babe" sabi ko.

"Shower lang ako ah" sabi pa niya.

Lumabas na ko ng kwarto at bumaba ng hagdan. Kumukulo na kasi ang tiyan ko sa gutom, kung sana di ako nag-inarte kanina edi sana tapos na akong kumain ngayon.

Isang maid lang ang naabutan ko sa dining area na bumati sakin. Pinaghandaan niya din ako ng pagkain.

"Thank you po" sabi ko ng maayos niya ang pagkain ko.

Binilisan kong kumain para pagkatapos aakyat nalang ako sa taas para makapagbihis ng uniporme at makapunta na nang university. Ayoko kasi harapin si Tito Joaquin, wala akong oras para kausapin siya.

Kaso nang paakyat na ko ng hagdan sakto namang pababa din siya kaya nagkaroon siya ng pagkakataon para makausap ako.

"Christian, can we talk" sabi ni Tito Joaquin.

"For what" walang gana kong tanong

"About you" napatingin ako sa kanya.

"Ako po? Anong meron?" di siya sumagot hinatak niya ko palabas ng mansion at pumunta sa garden.

Nang makarating kami dun saka niya lang ako binitawan.

"Sabihin niyo na po kung anong sasabihin niyo. I just had a little time"

"Gusto ko lang sabihin sayo na patawarin mo ko" malungkot niyang tono.

"Matagal ko na po kayong pinatawad, kahit di kayo naniwala sakin noon nung nagsumbong ako sa inyo tungkol sa dalawa niyong anak"

"Sana pala naniwala ako sayo ng nagsabi ka sakin, akala ko kasi di nila kayang gawin sayo ang bagay na yon"

"Alam niyo po bang maraming namamatay sa maling akala pero nagawa na po nila. Nagawa ng mga anak mo na pagsamantalahan ako kaya para saan pa at humihingi ka ng tawad ngayon" nangingilid na ang luha ko sa galit.

"Kung hindi niyo lang po kamukha si Daddy siguro matagal ko na po kayong di ginalang" dagdag ko at akmang aalis na pero hinarangan niya ko.

Hinawakan niya ang magkabila kong braso.

"Let me correct my mistake before. I will help you" nakatingin siya ng deritso sa mata ko at alam kong totoong totoo ang mga salitang binitawan niya.

"B-Bakit po Tito" pagtataka ko.

"Because you are important to me dahil pamangkin kita. Dapat lang pagbayaran ng mga stepsons ko ang ginawa nila sayo" nagulat ako sa sinabi niya.

"Stepsons? Anak-anakan?" sumingkit ang mata ko.

So hindi niya tunay na anak yung dalawang yun?

"Oo. Di ko talaga sila tunay na mga anak. Hindi sila galing sakin dahil anak sila ng Tita Irene mo sa unang asawa niya. Kaya nandito ako dahil pinalayas nila ako sa tinitirhan namin dahil patay na ang Tita mo kaya sinolo na nila ang bahay. Dahil di naman talaga sakin yun" paliwanag niya.

Mga kamag-anak nga talaga sila ni satanas. Yung dalawang mokong na yun. Wala silang utang na loob kay Tito.

"Bakit ngayon niyo lang po sinabi sakin?"

Ang Lihim Ni LanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon