KABANATA 06

5.2K 66 5
                                    


LANCE POV

Gumising ako ng maaga, kumain tapos naggayak di ko na hinintay yung dalawa para sabayan sila. Pagkatapos ay bumalik ako sa loob ng kwarto, lalabas nalang ako kapag aalis na. Gusto ko lang kasi mapagisa at ang tumatakbo sa isipan ko ngayon ay kung anong mangyayari sa college life ko na sana walang mangyaring masama. Ayaw ko lang naman mangyari sa akin ulit yung nangyari noon nung nasa ibang bansa ako.

At hanggang kailan ko itatago kina Allen at Abdul
na may napili na ko sa kanilang dalawa.

"Anak, nakakain ka na ba? Aalis na kayo" sabi ni mom sa labas ng pinto habang kumakatok.

Agad kong binuksan ang pinto "Opo nakakain na po ako dahil maaga po akong nagising" sagot ko sa kanya.

"Ganon ba. Oh, ito ang baon mo galingan mo sa school" hinaplos nito ang buhok ko.

"Mom naman first day palang po"

"Ok anak, sige na inaantay ka na nila sa labas at mag ingat ka sa school"

"Bye po Mom, I love you" sabi ko sabay kiss sa pisngi nito.

"I love you too anak"

Nakalabas na ko ng bahay at nakita ko yung magkapatid na naghihintay sa akin sa labas ng kotse na maghahatid samin papunta sa university.

Sinalubong nila ako pero hindi ko sila tinignan, deritso lang ako sa paglakad hanggang sa makarating sa kotse.

"Ayan na pala si Lance" ngiting ngiti na sabi ni Allen.

"Goodmorning bae" sabi naman ni Abdul.

Dedma lang ako sa kanila na pumasok sa loob ng sasakyan di ko pinansin yung dalawa.

Haba lang ng hair ko nag mamaganda ka na naman Lance. Char!

Umupo ako sa tabi ng driver para di ko sila makatabing dalawa. Alam ko naman kasi ang mangyayari at baka kulitin lang ako ni Abdul. Kaya dito nalang ako naupo at naglagay ng earphone sa tenga hanggang sa marating namin ang school.

ABDUL POV

Di man lang ako pinansin ni bae Lance badtrip ata siya ngayon.

Ano kaya nangyari dun?

Basta gagawin ko siyang good mood hanggat hindi pa natatapos ang araw na ito.

Nandito na kami sa loob ng campus syempre pinapila kami lahat at pinapasok sa loob ng gymnasium, pagkatapos makapasok lahat ng studyante at makaupo. Nagintay muna kami saglit saka may umakyat na lalaki sa taas ng stage para mag welcome speech samin. Sa tingin ko ito ang may-ari nitong unibersidad dahil sa itsura pa lang nito. Sa tantya ko mga nasa mid 40's na ang edad nito pero mukhang bata pa.

May magandang pangangatawan at maamo ang mukha nito na hindi nawawala ang ngiti sa labi habang nagsasalita siya.

"WELCOME FIRST YEAR STUDENTS HERE AT EAST WING UNIVERSITY. naway maging masaya ang pagpasok at simula ng school year niyo dito blah blah blah" nagpalakpakan lahat ng mga studyante ng matapos ang welcome speech ng lalaki sa harap.

Ano ngang pangalan nung nagsalita? Hindi ko kasi narinig.

Pagkatapos ay dumiretso na kaming tatlo sa bulletin board para hanapin ang pangalan namin at kung saan ang room.

"Nahanap mo na ba Bae kung saan tayo?" tanong ko kay Lance.

"Ah oo ito BSeD 1C tayo sa Room 4" sagot nito.

"Tara! puntahan na natin baka malate pa tayo nito" sabi naman ni Allen.

"Yung Room 4 sa 3rd floor na gusali na iyon" tinuro ni Lance yung building na medyo malayo sa kinatatayuan namin.

Ang Lihim Ni LanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon