Tatlong yugto

68 5 0
                                    

Alas kwarto palang ng madaling araw ay dilat na ako. Hindi ako mapakali sa harapan ng aking tukador. Kanina pa ako naghahanap ng magandang susuotin para mamaya sa kasal ng Gobernador Luis. Gusto ko na isa ako sa magandang dilag na dadalo roon.

Sumapit na ang liwanag at rinig ko na ang ingay sa baba nila Ina at ate Franches. Sinuot ko ngayon ay ang pinaka magandang saya na binili pa ni Ama sa Europa nang minsan na dumayo sila roon para sa pagbili ng isang kagamitan na kailangan namin dito sa bahay.

"Señorita, Ikaw ba ay naka gayak na?" tanong ni Manang Mamita sa labas ng pinto.

"Opo, lalabas na rin po ako." sigaw ko mula rito.

"Ikaw nalamang ang hinihintay Señorita." Kinuha ko ang abaniko na binili ko sa palengke. Sinuklay ko pa ng ilang beses ang aking mahabang buhok bago tumulak palabas ng aking silid.

"Pasensya na po Manang." Ani ko at humarap na sakanya.

"Napaka gandang dilag mo naman talaga Señorita." ngumiti ako ng matamis at bahagyang nahiya sa kanyang papuri sa akin.

"Halika na at paniguradong hindi na makapag hintay ang iyong Ama." nagmadali kaming bumaba at nakita ko na panay ang pag-ikot at lakad ni Ate Franches suot ang kanyang makulay na baro't saya. Huminto lang ito ng makita niya akong lumapit kay Ama para yumakap.

"Maraming salamat ama sa pagsama sa akin sa kasal ng Gobernador." masaya kong saad bago binalingan ang Ina ko at ate.

"Dapat dito kana lang sa bahay." Ani ni Ate Franches bago ako inirapan.

"Baka magbago pa isip mo Florentino, maaaring dumito nalang si Marife." Ani naman ni Ina na ngayon ay inaayos ang damit ni Ate.

"Hindi na, tingnan mo naman si Marife, siya ang pinaka magandang dilag na dadalo doon, panigurado ako." Ani ni Ama sabay halakhak. Binalingan ko ng tanaw ang aking Ina na masama ang tingin sa akin.

Hindi ko batid ang kanilang tinuturuan. Nais kong ayusan din ako ni Ina gaya ng pagkalinga niya kay Ate Franches pero bakit parang ang aking kapatid nalang ang nasa isip niya pati pagtingin ay naka Ate Franches ang tanaw. Kailan ba ito babaling sa akin at ako naman ang makaramdam ng pagmamahal ng isang Ina.

Lumapit ako kay Ina habang sinusuklay ang buhok ni Ate.

"Maari niyo rin po ba ako suklayan Ina?" malambing kong sabi.

"Kay Manang Mamita ka magpasuklay, nakita mo namang sinusuklayan ko ang aking anak." sagot nito sa akin at nagpatuloy muli sa pag ayos ng buhok ni Ate. Tinitigan ko ang aking kapatid na palihim na nagagalak.

Tagos sa aking puso ang kanyang sinabi na ang tanging anak lang niya ay si Ate Franches, anak niya rin ako baka nakakalimutan niya. Imbis na isatinig ay tumalikod ako at tinawag si Mamita. Kagaya nga ng sabi ni Ina kay Mamita nalang ko nalang pinaayos ang buhok.

"Paniguradong magugustuhan mo ang okasyon na iyon." masayang saad ni Ama sa akin. Nasa loob kami ngayon ng aming kasela. Katabi ko si Manang Mamita habang katapat namin si Ate at Ina. Nasa bungad naman si Ama.

"Panigurado po iyon Ama." sagot ko at sinulyapan ang aking Ate na panay ang ayos sakanyang kasuotan

"Maganda kana ate." matamis ang ngiti kong saad.

"Mas maganda sa'yo." aniya, bago ako tumango sakanya.

Halos wala pang kalahating oras ng makarating kami sa simbahan ng St. James church. Isang puno ng mga kalesang magaganda at mga taong naka suot ng makukulay na ayon sa mga nakasabit na palamuti sa paligid ng simabahan. Ibang iba ito sa nakaraang araw na puro mga tindahan ang nandito. Ngayon ay kalesa lamang ang makikita mo at mga taong naglalakad at ang iba naman ay kausap ang kani-kanilang pamilya.

Ang Una at Huling Tagpuan COMPLETEDWhere stories live. Discover now