Dalawangpung isang yugto

24 5 0
                                    

"May rebelde may rebelde!" Isang sigaw ang gumising sa aming gabi.

Halos alas diyez na ng gabi at tulog na ang lahat ng tao. Isang sigaw ang aming narinig dahilan para magising kami.

Bumangon ako at agad akong tinawag ni Mamita para bumaba. Nadatnan ko sila sa sala na nagdadasal. Tumabi ako kay Mamita at kahit pa gulong gulo ako ay lumuhod nalamang ako at nagsimula na rin manalangin.

Kapag tapos ay naupo kami. Nag-uusap si ina at ama.

"Ano ang nangyayari?" ramdam ko ang takot kay ina.

Malayo sa tita Mariela na matapang at walang kinakatakutan.

"Sa aking palagay ay nandito na ang rebeldeng sinasabi na nakapasok." si ama.

Nakayuko lang ako at parang hindi ko na alam kung ano paba ang dapat kong maramdaman.

"Kung ganon, kapag nalaman ni Heneral Agustino na nasa sa ating lugar ang rebelde ay babalik siya dito at makikita ko siya. Hindi niya hahayaan na may mangyaring masama sa atin lalo na sakin." singit ni ate Franches.

Mas lalo lamang ako napayuko. Ito na naman ang ganitong pakiramdam.

Ako rin ba, maaaring magsalita?

"Doon ang kanyang misyon, marami na rin ang mga guardia sibil na tumutugis sa dalawang rebelde na naligaw dito." Nag-angat ako ng tingin at pinagmasdan si ama.

Kung magsalita siya ay parang hindi siya nangangamba..

Nang napatingin siya sa akin ay nag-iwas ako ng tingin.

"Mukhang magtatagal ang labanan.." sabi ni ama pero sa akin ang titig.

"Paano ninyo nasabi?" tanong ko.

Naramdaman ko ang paghawak ni Mamita sa aking kamay.

"Ayon sa aking narinig. Masyado daw marami ang rebelde at nauubos na ang mga sibilyan natin doon." sagot ni ama.

Hindi na ako muling nagsalita at ilang minuto lamang ay isang malakas na putok ng baril ang aming narinig. Napayuko nalang kaming lahat at kitang kita ko ang panginginig ng kamay ko at ni Mamita.

"Huwag kayong tatayo." mahinahon pa ring sabi ni ama.

Ganon ang ginawa namin, naka ilang sunod na putok ang aming narinig. Totoong nandito sa aming lugar ang rebelde. Paanong nakapasok ang mga ito kung ang sabi nila ay malakas ang seguridad ng bayan na ito.

Lalo akong nangamba sa mga susunod pang mangyayari.

Hindi na ako bumalik pa sa aking silid at nagsama-sama na kami sa iisang silid. Takot ang bawat isa na may mapahawak. Mas mabuti yung sama-sama.

Kinaumagahan ang may mga nasa labas pa rin, hindi alintana sa dulot ng rebelde. Bahagya kong binuksan ang dungawan at dinig ko ang mga iyak sa labas.

"Ernest! asawa ko." iyak ng babae.

"Siya siguro ang binaril, yung narinig natin kagabi." nagulat ako sa boses ni Mamita.

Mabilis kong sinara ang dungawan at humarap sakanya.

"Huwag mo na ulit bubuksan 'yan." bilin ni Mamita.

"Opo." sagot ko.

Dumaan ang mga araw at nasanay nalang kami sa mga pagputok sa paligid. Halos dalawang buwan na, dalawang buwan na ang nakalipas at wala pa rin balita sakanya.

Ayaw kong mawalan ng pag-asa. Ayaw kong isipin na maaaring baliin niya ang pangakong binitawan niya. Pero kilala ko si Agustino, hindi niya bibitawan ang isang salita kung hindi iyong totoo. Naniniwala akong babalik siya ng buo at walang kulang.

Ang Una at Huling Tagpuan COMPLETEDWhere stories live. Discover now