Labing siyam na yugto

23 3 0
                                    

"Ayos lang ako anak. Pasensya kana sa iyong tiya Mariela." aniya at umupong muli habang nakahawak sakanya sentido.

"Bakit ganon ama." panimula ko at tumabi sakanyang tabi.

Napabaling siya sa akin at hinihintay ang kasunod na sasabihin ko.

"Hindi ba at sinulatan ni Jose Rizal ang mga kababaihan ng Malolos. Noong Pebrero 22." mas lalo siyang umayos ng upo at mariin ang titig sa akin.

"Ang sulat na iyon ay para sakanilang katapangan na ihayag ang kanilang kagustuhan na maging malaya." Bumuntong hininga siya at napayuko.


"Maging malaya sa lahat ng bagay, sana ay naging isa rin ako sakanila. Ang kababaihan ng Malolos ay hindi natakot. Gusto nila mag-aral, gusto nilang kumawala at nais nilang maging mulat pa sa lahat ng bagay kagaya ng mga lalaki."


"Alam ko anak--"


"Dahil kung ano ang kaya ng kalalakihan ay kaya rin ng mga babae. Kung natatandaan niyo na ang mga babae rin ang isa sa mga tumulong sa himagsikan noong rebulusyon. Kaya nagtataka ako, bakit ako? maaari rin akong maging malaya at maihayag ang nasa isip kung gugustuhin ko hindi ba?" sa pagkakataong ito ay napatitig na sa akin si ama.


"Kung si ate Franches ang naging malaya na, pwede rin ako hindi ba?" tanong ko sa aking ama na ngayon ay parang hindi makapaniwala sa mga sinasabi ko.


"Nais kong maihayag ang nasa puso at isip ko. Gusto ko rin maging matapang gaya ng mga kababaihan sa Malolos. Nais kong ipaglaban ang karapatan naming mga babae..Karapatan na maging malaya at magkaroon ng sariling desisyon." saad ko nang hindi tinitingnan si ama.

"Hindi ko akalain na ganyan pala ang ang tumatakbo sa iyong isipan. Hindi ko batid na masyado ng malalim ang iyong naiisip sa mga bagay na ito." mangha pa din niyang saad habang titig na titig sa akin.


"Ngayon lamang ako naglakas ng loob ama. Kung sa tingin mo ay nakakabastos ang aking mga sinabi, huwag ninyo na po ako isama mamaya." sabi ko.

Dahil pupunta rin dito mamaya si Agustino, ayaw kong madatnan niyang wala ako dito.



"Mas binigyan mo pa nga ako ng rason para ikaw ay aking isama." nakangiti niyang sagot sa akin.


Napatingin ako rito at pinagmasdan ang mga mata niyang sinisigaw na siya ay galak.



"Pinahanga mo ako sa iyong mga salita. Pinahanga mo ako anak." lumapit siya sa akin at niyakap.


Lumipas ang ilang oras at ngayon naman ay nag-aayos nako ng aking sarili.


Isasama talaga ako ni ama. Hindi ko na nagawa pang tumanggi. Sapagkat minsan lamang niya ako isama sakanyang lakad.


Nanghihinayang man ako na hindi ko makikita si Agustino ngayon ay wala akong magagawa.

Hihingi nalang ako ng pasensya sakanya kapag nagkita kaming muli. Pero nakokonsensya pa rin ako. Kaya nga lang naman siya pupunta sa bahay dahil sa akin, tapos wala pala ako.

Aabisuhan ko nalamang si Mamita na pasimpleng kausapin si Agustino o di kaya ay abangan na niya sa labas para hindi na makapasok pa ng bahay.


Kinuha ko na ang kulay dilaw kong abaniko at mabilis na lumabas.


Nadatnan ko si ama na naghihintay na sa akin sa sala. Kasama na rin si ina at ate Franches na pasimpleng nakamasid sa amin.

Una ay akala ko kasama sila pero hindi. Pasimple akong lumapit kay Mamita.


"Mamaya lang ay darating si Heneral Agustino, nais kong ipaalam mo sakanyang wala ako dito at agad mo siyang paalisin para hindi na siya makita pa nila ina." bulong ko.


Ang Una at Huling Tagpuan COMPLETEDWhere stories live. Discover now