Apat na yugto

67 5 0
                                    

Hindi ko na alam ang aking ikikilos dahil sa mga oras na ito ay hinarangan niya ang aking daraanan.

"Bakit ka narito sa likod?" seryoso nitong tanong. Luminga pa siya upang tingnan ang mga naroroon. Kaunti lamang kami dito at nang makita nila ang isang Heneral na ito ay nagsialisan sila.

Humakbang ako ng isang beses para makalayo sakanya ngunit bigla siyang bumaling sa akin at pinagmasdan ang aking paahan.

"Batid kong hindi ka sanay sa matataong lugar.." panimula niya habang inaayos ang kanyang kasuotan.

"Wala naman na sila, nagsialisan na po ang lahat." mahina kong saad habang pinipilit na iayos ang aking tindig.

Nakita ko pang pinagmasdan niya ang dalawang magkasintahan na nagmamadaling lumakad palayo.

"Paumanhin Heneral Lopez.. ako po ay babalik na sa aking Mamita." saad ko at yumuko tandang pagbibigay galang.

"Bakit tila pakiramdam ko ay umiiwas ka?" nahimigan ko ang kanyang pagtataka.

Humarap ako sakanya at pinilit na tingnan siya ng maayos.

"Nagkakamali po kayo, nais ko lamang na umupo na." pagdadahilan ko. Kahit pa ayaw ko munang bumalik doon ay kailangan para makaiwas sakanya.

"Babalik na po ako.." ulit ko at nagmadali nang lumakad papunta sa pwesto ni Mamita.

"Oh bakit bumalik ka agad Señorita?" mabilis akong binalingan nito at huminto muna sa kanyang kausap.

"Nangawit na po ako." Ani ko at tumawa ng mahina.

"Ayos ka lang ba dito Señorita?" tanong nito at hinawakan ang aking kamay.

Ngumiti ako rito at ipinakitang ayos lang ako.

"Nais mo bang kumain? O di kaya ay inumin?" tanong pa nito. Umiling nalang ako at sinabing makipag kwentuhan na siya at ayos lang ako dito.

Habang inilibot ko ang aking paningin ay nahagip na aking mata ng lalaking aking pilit na iwinawaksi sa aking isipan.

Malamig ang kanyang mata na nakatuon sa akin habang ang kanyang kamay ay nakapamulsa lumapit sakanya ang kutserong madalas kong makitang kasama niya.

Hindi ko naman maialis ang tingin ko at pinagmasdan ang kanilang kilos. Nakita ko ang pagbuka ng kanyang labi at tila importante ata ang kanilang usapan dahil mas lumapit pa ang kutsero. Ngunit ng mas tinuon ko ang aking mata sakanila at doon ko lamang napagtanto na hindi niya manlang binalingan ng tingin ang kanyang kutsero at habang nakikipag usap siya ay sakin lang nakapirmi ang kanyang tingin.

Mabilis akong nag iwas at binuksan ang aking abaniko. Pinilit kong alisin ang namumuong kaba at balisa sa aking katawan. Hindi ito maaaring magtuloy. Hindi ko siya lubos na kilala ni matitigan ay hindi umaabot sa kahit ilang sandali. Ganon ko iniiwasan na huwag sakanya magkaroon ng kahit anong ugnayan.

Nakakailang kita ko pa lang sakanya at imposibleng ganito na agad kalalim ang aking pagtingin kay Heneral Lopez.

Inaamin kong unang kita ko palamang sakanya ay nagustuhan ko na siya. Sa paraan palang nang kanyang pagtindig at pananalita ay nakuha ko na mahulog sakanya. Sa paraan ng bawat sulyap at pag galaw ng kanyang pilik mata ay sobrang nagbibigay ng kaba sa aking dibdib. Isama ko pa ang kanyang mapupulang labi at ang kutis niyang tila galing siya sa marangyang pamilya.

Ibinalik ko ang tingin ko sa kung saan sila nakapwesto ngunit wala na sila roon. Inilibot ko pa ang aking paningin at bigo akong mahanap siya.

"Batid kong puno ng galak ang iyong kalooban mahal kong anak." saad ni ama ng sawakas ay nakarating na kami sa aming tahanan.

Ang Una at Huling Tagpuan COMPLETEDWhere stories live. Discover now