Walong yugto

43 6 1
                                    

Mabilis kong itinago ang papel na galing kay Heneral Lopez. Hindi ko mawari ang aking pakiramdam sa sulat na iyon. Kinakabahan na natutuwa dahil makikipag kita siya sa akin.

Para kanina lang ay iniisip ko na baka hindi mapansin ni Lopez ang aking nararamdaman para sakanya, pero ngayon palang ay may sagot na.

Hindi ko na namalayan pa ang oras at nakatulog na rin ako kakaisip kung paano ako magpapaalam bukas.

Alas singko palang nang umaga ay gising na ako. Naghahanda na si Mamita ng agahan. Dahil magaan ang pakiramdam ko dito ay sakanya ko nalang sasabihin na may kikitain ako.

Tahimik ko siya nilapitan bago hinawakan ang kanyang braso.

"Susmaryosep, ako'y iyong ginulat." aniya nang napaatras pa sa akin.

"Paumanhin. May nais lamang po akong sabihin sainyo." bulong ko. Kumunot naman ang kanyang noo sa paraan ng aking pananalita.

"Bakit kailangan mo pang bumulong Señorita?" nagtataka nitong tanong.

"Baka kasi may makarinig, lalo na sola ate at ina." sagot ko.

Hinila ko siya sa raging parte ng aming kusina bago magsalita.

"Mamita, may kikitain ako-"

"Ano??" gulat niyang tanong. Agad ko siyang hinawakan ng mabuti sapagkat baka lalong lumakas ang kanyang boses.

"Mamita, wala pong pwedeng makaalam nito. Nais ko sanang magpaalam ka na pupunta ka sa pamilihan at may nakalimutang bilhin. Isama mo ako sa iyong paglabas ng bahay." sabi ko habang iniisip ang bawat detalyeng gagawin ko sa pagtakas.

"Sandali Señorita, sino ba ang iyong kikitain?" ang kanyang tinig ay puno nang pangamba. Ngumiti muna ako bago sumagot.

"Si Heneral Lopez Mamita, siya ang katagpuan ko." bulong ko na may halong kilig.

Mas lalong kumunot ang kanyang noo sa sinabi ko. "Walang Heneral Lopez akong kilala Señorita Marife.." mas lalo siyang naguluhan.

Hindi niya kilala si Heneral Lopez? eh samantalang nakakausap niya iyon. Hindi niya yata kilala sa pangalan.

"Kilala mo iyon Mamita, siya yung palagi nating nakikita sa pamilihan, yung minsan nang naghatid sa atin dito sa bahay galing pamilihan." mabilis kong paliwanag. Nakita ko ang gulat sakanyang mata.

Nakilala na niya? Sabi ko na nga ba hindi niya ito kilala sa pangalan atsa mukha lang.

"Ngunit Señorita, hindi Lopez ang kanya--"

"Oh bakit tila yata maaga nagising ang aking anak?" boses ni ama.

Umayos agad ako ng tayo at humarap sakanya.

"Magandang u-umaga ama." saad ko bago siya nilapitan. para halikan sa pisngi.

"Magandang Umaga Señor." bati ni Mamita.

Bumitaw ako kay ama at pasimpleng tiningnan si Mamita.

"Luto na ba ang ating agahan?" tanong ni ama habang umiinom ng tubig.

"Opo Señor, ngunit gusto ko lamang pong mag paalam, may nakalimutan po akong bilhin sa pamilihan. Maaari po bang maisama ko si Señorita Marife?" nag-aalangang tanong ni Mamita. Halos mapunit ang aking pisngi sa matinding saya na aking naramdaman.

Nang bumaling sa akin si ama ay napawi agad iyon pero sa aking puso ay nagsusumamo ng kagalakan.

"Kung iyon ang nais ng aking anak, sige." Ani ni ama dahilan para yakapin siya ng mahigpit.

"Maraming salamat ama." sabi bago nilapitan si Mamita na may malaking ngiti sa labi.

"Mag-iingat kayo, lalo kana Marife." si ama na pasimpleng nakangiti sa akin.

Ang Una at Huling Tagpuan COMPLETEDWhere stories live. Discover now