Labing tatlong yugto

46 5 2
                                    


Sa pagiging abala ko sa pagbuburda at pagsasanay sa pagluluto at panggagantsilyo ay hindi ko na namalayan ang araw.

Disyembre 30, 1901 ganon kabilis lumipas ang araw sinadya kong abalahin ang sarili sa mga bagay na maaari kong pagkalibangan. Sapagkat nais kong makalimot. Iyon lang ang nasa isip ko noong araw na pumunta ako sa silid ni ate Franches.

Ginawa kong magsinungaling para lang hindi na lumala pa. Hinayaan kong masaktan sa panloob at sa panlabas. Kapag nakikita ako ni ate Franches ay pinakumukha niyang dapat ko talagang siyang kainggitan.

Si ama ay nanatiling tahimik at walang pagkilos sa mga sumunod na araw noon. Hindi ko alam ang buong kwento, ngunit isang araw habang nagsasaing ako ay narinig ko ang boses ni Mamita kausap si ama.

"Alam mo ang lahat ngunit nanatili ka pa ring pipi!" mariin ang pagkakasabi ni Mamita.

Hindi ko tuloy alam kung si ama nga ba talaga ang kanyang kausap. Ayon sakanyang tinig ay imposibleng si ama ang kanyang kausap. Dahil isang lapastanganan na pagtaasan ang iyong amo.

"Hindi pa ito ang tamang panahon para isiwalat lahat ng kanilang tinatagong baho." boses iyon ni ama. Tumaas ang aking kilay at dahan dahan na tinahak kung saan nanggagaling ang boses na iyon.

Kaso ay bigla namang lumabas si Mamita at bahagya pang napahinto.

"Saan ang iyong punta?" tanong niya ng siya ay makabawi sa pagkabigla.

"Tatawagin ko lamang kayo." palusot ko.

Ilang araw akong binagabag ng tagpong iyon. Hindi ko talaga maintindihan ang kanilang mga lihim. Siguro nga ay masyado iyong pribado para ipaalam pa sa akin.

Buwan at araw ng pagkamatay ng isang Bayani ng ating bansa na si "Dr. Jose Protacio Rizal Mercado Y. Alonzo Realonda" Disyembre, 30

Ganon din naman dalawang taon na rin ang nakalipas nang namatay si Gregorio del Pilar ang batang Heneral na pinagkatiwalaan ng pangulong si Emilio Aguinaldo kilala si Gregorio bilang Goyo.

Ngayong taon din ay nahuli si Pangulong Aguinaldo sa pamumuno ni Heneral Frederick Funston.

Magulo pa rin ang lahat para sa akin, hindi man ako nakakalabas ng bahay ay alam ko ang ibang ganap sa labas. Lalo pa sa mga buhay politiko.

Dito din sa Bulacan ginanap ang Unang Republika ng Pilipinas. Pinangunahan ni Pangulong Aguinaldo noong Enero 21, 1898 sa harap mismo ng simbahan ng Barasoain Church at nagbukas ito noong Setyembre 15, 1898.

Pinulong ni Pangulong Aguinaldo ang Kongresong Panghimagsikan sa Malolos Bulacan. Habang tinutugtog ang Matcha Filipina Nacional. At ang mga miyembro nito ay pawang mga ilustrado.

Andres Bonifacio. Si Andres Bonifacio ang
dapat magiging unang pangulo ng Pilipinas. Dahil siya ang ama ng rebolusyon. Tawag rin sakanya ay "Supremo" Iyon ay isa sa mga nagiging usapan noon pa.


at ang katagang ito ay galing sakanya.
"Kataas-taasan Kagalanggalang na Katipunan ng mga Anak ng Bayan." (KKK)

Umihip ang malakas na hangin galing sa aking dungawan. Habang pinipilit na iwaksi ang isip sa mga nangyari sa bayan. Marami na rin kaguluhan ang nangyari dito sa aming bayan ng Plaridel.

Dalawang buwan na ngunit ni anino ni Heneral Agustino ay hindi ko nakita. Alam kong mahirap para sakanya ang huling kita namin.

Bago matapos ang buwan ng oktubre ay may natanggap akong liham galing sakanya. Ngunit hanggang ngayon ay hindi ko iyon binabasa pa.


Ang Una at Huling Tagpuan COMPLETEDWhere stories live. Discover now