Labing anim na yugto

22 3 1
                                    

Pawiin ko man ay hindi pa rin naiibsan ang mga luhang tuloy lang sa pag daloy.

Tumalikod ako at nagsimulang maglakad palayo sa lugar. Kasunod ko si Mamita na hawak ang aking kamay.

Pumasok ako sa kalesa at doon nag-iiyak. Pumasok sa isipan ko ang matagal na nilang plano na ipakasal si ate Franches kay Heneral Agustino. Ngayon ay parang bumabalik sa akin kung paano sila kadesperada na makuha ang loob ng ama ni Agustino. Kung paano nila mapapayag na maipagkasundo ang dalawa.

Bumuhos muli ang luha ko ng maalala ang sinabi ni Agustino noong Lopez palang ang kilala ko sakanya. Hindi papakasal ang isang Heneral Agustino sa babaeng hindi naman niya iniibig.

Ngunit anong nangyari ngayon? bakit parang ngayon ay papayag na siya. Sinabi niyang mahal niya ako. Alam kong hindi niya iyon sasabihin ng walang sapat na impormasyon sakanyang sarili.

Inalala ko ang mga araw na palagi kaming magkasama. Kung paano siya naging mailap nung una at ngayon ay naging bulgar sakanyang nararamdaman.


"Huwag kana ng tumangis Señorita, baka mahalata ng iyong ama ang mata mo." mahinahon niyang saad. Habang patuloy pa rin ang aking pagtangis.



"Ito ang unang beses na maramdaman ko ang ganitong sakit." nanginginig ang boses ko.


"Dahil siya ang una mong pag-ibig." tumango ako at hinayaan ang sariling ilabas ang sakit sa aking puso.


Lumipas ang ilang minuto at kahit papano ay kumalma na ako. Pinagmasdan ako ni Mamita habang nag-aayos ako ng aking sarili.


"Halika na at bumalik na tayo sa loob." anyaya niya ng makitang ayos na ako.


Lumabas kami ng kalesa na tahimik at walang kumikibo hanggang sa mabalik kami sa aming pwesto.


Pinili namin na sa dulo maupo, malayo sa mga matataas at tanyag na tao sa aming bayan. Nandon din kasi sila ama at abala sa pakikipag kwentuhan.


"Ikukuha kita ng maiinom nang sa ganon ay mas gumaan ang pakiramdam mo." Ani Mamita. Tanging tango lamang ang aking naisagot.


Inilibot ko ang aking mata sa mga taong nandito, mga panauhin na may kanya kanyang mundo, mga tauhan na nagsisilbi sa mga bisita.


Hindi ko alam kung bakit don ako napatingin. Kung saan nandon pa rin si ate Franches sa lamesa ng mga Lopez.


Naramdaman ko na naman ang kirot ng puso ko, lalo ng makita ko ang pagtawa ng aking kapatid sa mga kamag-anak ni Heneral Agustino.


Nag-iiwas na sana ako ng tingin nang makita ko ang malalim at malamlam na titig ni Agustino sa akin. Ngunit hindi rin nagtagal dahil pakiramdam ko ang maiiyak na naman ako.


Mabuti at dumating agad si Mamita. "Inumin mo 'yan, at kinuha rin kita ng kakanin upang magkaron ka manlang ng laman ang tyan mo." kinuha ko ang  maligamgam na tubig at uminom.


"Nasan ang iyo Mamita?" tanong ko.



"Ayos lamang ako, ikaw ang may mas kailangan kumain."


Umiling ako.


"Kanina pa tayo nasa lakaran at hindi kapa kumakain ng kahit na ano, o uminom manlang." iniabot ko sakanya ang kalahati ng kakanin.



"Napaka buti mo talaga Marife." ngumiti siya at kinuha ang kakanin sa aking kamay.


Lumipas ang ilang oras ay walang lumapit sa akin na Agustino. Akala ko nang makita niya ako kanina ay gagawa siya ng paraan para makalapit sa akin. Ngunit ngayong pauwi na kami ay wala talaga kaya mas lalong naghari sa aking puso ang pait at sakit.



Ang Una at Huling Tagpuan COMPLETEDWhere stories live. Discover now