Dalawang yugto

82 4 0
                                    

Hindi ko maalis sa isip ko ang lalaking heneral na iyon. Heneral Lopez...napaka gandang pangalan. Bagay sa kanyang malamyos na mukha. Ito ang unang labas ko sa buwang ito at hindi ko napagsisihan ang pagsama kay Manang Mamita.

Nandito akong muli sa aking silid upang sumulat sa aking pangalawang talaarawan kung saan ko isusulat ang araw na ito hanggang sa wakas.

Septyembre 15, 1901

Unang liham para sa aking paglabas.

Hindi ko inaasahan na ang araw na ito ay magiging masaya. Kahit papaano ay naibsan ang aking sama ng loob kay Ama dahil ako'y kanyang pinayagan. Nasilayan kong muli ang bayan na aking sinilangan ang bayan na puno ng saya. Plaridel Bulacan. Naghahangad pa ako na mauulit ito. Nawa'y makita kong muli ang lalaking Lopez..

- Marife Marquez.

Isinara ko na ang bago kong talaarawan. At binuksan ang bintana ng aking kwarto. Palubog na ang araw, palitaw na rin ang buwan. Kita na ang mga gasera sa mga mumunting bahay na nakapaligid sa amin. Kakaunti nalang din ang mga taong naglalakad dahil ilang minuto nalang ay papatak na ang curfew at lilibot na ang mga guardia civil na nagbabantay sa baryo.

Habang malalim ang aking iniisip bigla nalang kumatok si Manang Mamita.

"Señorita kayo'y bumaba na upang makakain na. Ikaw nalamang ang hinihintay sa hapag kainan." aniya.

Isinara kong muli ang bintana at bumaba na upang makapag hapunan. Sa gitna ng pagkain nagsalita si ama.

"Marife, batid kong galak ka dahil muli kang nakalabas." sasagot pa lamang ako ay sumingit na ang aking Ate.

"Pinayagan ninyong lumabas si Marife ama?" gulat nitong tanong sabay baling ng tingin sa akin.

"Oo hija, kasama naman niyan si Mamita, lubos kong pinagkakatiwalaan siya na hindi mapapabayaan si Marife sa labas." ngumiti ako sa aking ama.

"Maraming salamat ama sa inyong tiwala." masaya kong sabi. Binalingan ko si Ina at Ate Franches na tahimik at masama ang tingin sa akin.

"Yon na sana ang Una at ang Huli." lintanya ni Ina. Bumuntong hininga nalang ako at pinilit na intindihin sila.

Nasa hustong edad na ako upang pagbawalan nila. Sapagkat si Ate Franches ay dalawang taon lamang ang tanda nito sa akin. Pero malaya siyang gawin ang gusto. Samantalang ako ay ikinukulong nila sa bahay na ito.

Natapos ang hapunan ng hindi ako kinibo ni Ina at ate. Niyakap ko si ama bago ako tuluyang pumasok sa aking silid.

"Magandang Gabi ama." at isinara ko na ang pintuan ko.

Nakasindi na ang lampara sa aking silid, handa na akong matulog at kalimutan ang tinuran sa akin ng dalawang babaeng mahalaga sa akin.

Ako'y hihiga na ng bumukas ang pintuan ko ng wala manlang isang katok.

"Ano ang iyong kailangan Ate Franches." tanong ko rito na ngayon ay nakatingin lang sa bintanang nakasara na.

"Kapag pinayagan kang muli ni ama na lumabas ay sabihan mo ako. Pero sana ay hindi na 'yon maulit pa. Sapagkat alam mong mahigpit na pinagbabawal na ikaw ay lumabas ng ating tahanan." aniya na para bang galit ito. kumunot ang aking noo sakanyang tinuturan. Hindi ba dapat ay masaya siya para sa akin, dahil sa wakas ay nakalabas na muli ako. Bakit parang ayaw niya yata na ako ay nakakalabas.

"Alam kong hindi ako maaring lumabas, ngunit hindi ko batid ang dahilan kung bakit ba ganito kayo nila ama sa akin."

"Ako ba'y iyong sinusubok ng 'yong tanong?" sabay tingin niya sa akin.

Ang Una at Huling Tagpuan COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon