Labing apat na yugto

45 4 2
                                    


"Kumain kana." aniya habang sinasalansan ang mga ibang gamit.

Naupo na ako sa nilatag niyang sapin. Pinagmamasdan ang bawat kilos niya. Alam kong narinig niya ako kanina pero hindi niya manlang iyon pinansin. Tagos sa puso ang pambalewala niya sakin.

"Sumabay kana sa akin." halos habulin ko na ang hininga ko. Hindi ko na magawang mahiya maihayag ko lang ang damdamin ko.

"Sige." maikling sagot nito at umupo na rin sa sapin. Hindi na bumalik si Marco. Batid kong ayaw niyang makaistorbo sa amin lalo pa at ngayon nalang ulit kami nagkita.

Ngayon na nga lang muli nagkita, ganito pa ang nangyari.

Iniabot niya sa akin ang paborito niyang ipakain sakin. Ang papaya at singkamas. Nagdala din siya ng isang balot ng pandedal.

"Galit kaba sa akin?" tanong ko matapos ko abutin ang papayang nabalatan niya.

Yumuko ako habang hinihintay ang kanyang sagot. Nakita ko ang kanyang  paghinto sa pagbalat ng prutas.

Kaya mabilis akong nag-angat ng tingin para makita ang kanyang itsura.

Isang mariin at seryosong mga mata ang nakita ko. Hindi manlang ito natinag dahil nakatingin na rin ako sakanya. Bagkus ako pa ang huling bumigay sa mga titig niya.

"Kaya mo bang pawiin ang aking paninibugho?" Kumunot ang noo ko.

Hindi nagbago ang ekspresyon ng kanyang mukha, seryoso pa rin ito at mariin ang titig sa akin. Kumalabog ang dibdib ko.

"Kanino ka naman na-ninibugho?" halos pabulong at nauutal ko pang tanong.

Ngunit wala pang ilang segundo ng naaalala ko ang sinabi ni Marco kanina, naninibugho nga si Heneral Agustino. Ngunit kanino? Imposibleng...

"Si Marco, siya agad ang una mong binati, samantalang ako ay pangalawa lang na dapat ay una." Galit nitong saad pero kita ko pa rin ang bawat paghinga nito ng mabilis. Senyales na nagpipigil ito.

Mas lalong sumibol ang kaba sa dibdib ko. Ang Heneral Agustino ay naninibugho sa isang kutsero? paano nangyaring isang Heneral ang makakaramdam ng selos at inggit sa iisang simpleng kutsero. Samantalang siya ay halos lahat ay nasa kanya na.

"Heneral ako, pero ngayon ko lamang naramdaman na mainggit o manibugho sa ganitong bagay. Gusto kong ako ang una mong babatiin. Kung maaari nga ay sakin lang ang mga salita mo, binibining Marife." seryoso nitong saad at tila ba sanay siya sa ganong mga lintanya.

Kung sabagay maraming babae na ang dumaan sakanya. Kaya madali lang sakanya ang mga ganitong tagpo.

Halos matulala ako at hindi ko manlang nasagot ang huli niyang sinabi. Nagpatuloy siyang muli sakanyang ginagawa. Samantalang ako ay hindi na alam ang gagawin at sasabihin.

"Paumanhin, hindi ko nais na makaramdam ka ng ganito." sabi ko ng ako ay makabawi.

Tumingin siya sa akin at tumango bago lumapit sa akin ng bahagya.

Hinayaan ko siyang ganon ang gawin. "Marami akong dapat ipaliwanag sa'yo." panimula niya.

Bakit hindi mawala wala ang kabog ng aking dibdib. Mas lalong tumitindi kapag siya na ang nagsasalita.

"Naiintindihan ko." sagot ko. Kahit hindi, ang hirap.. Gusto kong malaman ang lahat, gusto ko sa mismong bibig niya manggaling ang paliwanag na matagal ko nang hinihintay.

"Pinili kong huwag sabibin sapagkat alam kong sa pagkakataon na malaman mo ay kaligayan ng ate Franches mo ang piliin mo." mabilis akong napatingin sakanya.

Ang Una at Huling Tagpuan COMPLETEDजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें