Dalawampu't dalawang yugto

30 6 0
                                    

Ako ang huling pumasok sa aming tahanan. Masyado silang abala sa pagtatalo ukol sa nangyayari sa bayan.

Hindi ko na rin nagawa pang sumunod sa opisina ni ama para malaman kung ano ang pag-uusapan nila ni Mamita.

Nawala na ako ng gana na gumawa pa ng paraan para alamin ang bagay na iyon.

Sa tagal kong naghintay at nangulila pero ganito lang, nagkikita sila ni Mamita ng hindi ko alam? sa loob ng apat na buwan sa bawat hinagpis at tangis ko ay ito ang nakapaloob sa mga lintanya ni Mamita sa akin.

Humiga nalang ako sa aking silid at doon tumangis, ang hirap lang ng ganito. Nais ko siyang mahawakan at marinig ang tinig ngunit pinagkait pa ito sa akin.

Nasanay ako na nandyan siya, nasanay ako na sa bawat pag dungaw ko sa aking bintana ay mukha niya ang aking nasisilayan.

Sa gitna na aking pagmumuni ay may kumatok sa aking silid. Dahan dahan akong bumangon at nagtungo sa pintuan.

"Señorita.." pambungad ni Mamita.

Binuksan ko ang pintuan at hinayaan siyang pumasok. Sinara ko nalang iyon ng siya ay nakapasok na.

Nakatayo lamang siya sa harap ko, naglakad ako pabalik sa aking higaan at naupong nakatulala.

"Patawad.." panimula nito.

Mabilis na nagtubig ang mata ko, iyon palang ay alam ko na kung paraan saan iyon.

Hindi ako kumibo at hinintay ang sunod niyang sasabihin.

"Patawad kung naglihim ako, patawad kung hindi ko sinabing nagkakausap kami ni Heneral Agustino." narinig ko ang kalungkutan sakanyang boses.

"Bakit po?" tanong ko, pero hindi ko manlang siyang binalingan.

Narinig ko ang yabag niya na palapit sa akin.

Huminga ako ng malalim at kinakabahan sa mga maririnig sakanya. Hindi ko kasi naisip na magkakaganito..

"Dalawang buwan palang noon ng magsimula ang mga rebelde, nakita ko siyang nakatanaw sa iyong dungawan.." aniya, huminto siya dahilan para tingnan ko siya.

Nakapikit siya at parang nahihirapan.

"Nung una ay akala ko guni-guni ko lamang, pero ng lapitan niya ako ay doon ko nasiguradong siya nga iyon.."

"Bakit? bakit hindi ninyo sinabi sa akin?" iyak ko.

"Dahil iyon ang bilin niya. Ayaw niyang malaman mong nasa paligid mo lang siya. Ayaw niyang malaman mo dahil alam niyang gagawa ka ng paraan para makita siya."

"Hindi ko maintindihan, ayaw niyang makita ko siya.. Hindi ba niya ako Mahal?" tanong ko.

Kahit pa nabasa ko ang sulat niya ay nakukuha ko pa ring magduda, lalo pa sa ginawa niya.

"Kung sa Mahal lang ay mas higit kang iniibig ni Agustino, Marife. Hindi niya iyon gagawin kung wala ka lamang para sakanya. Gusto niyang nasa mabuti kang kalagayan kahit pa..." huminto siya at tinitigan ako habang umiiyak.

"Kahit pa ano?" halos mahina ko ng sabi.

"Kahit pa hindi na siya Heneral." doon ako napatulala at tumigil ang luhang umaagos sa mata ko.

Tama ba ako ng naririnig, o mali ako..

Paanong hindi na siya Heneral kung wala siya dito ngayon at nandon siya sa kabilang bayan para sugpuin ang mga rebelde.

"Ayaw ko sanang sabibin ngunit ayaw kong pati ito ay ilihim ko. Natanggal siya bilang Heneral noong nagpakita siya sa akin. Dalawang buwan na siyang nakatanaw sa iyong dungawan Marife, dalawang buwan na siyang natanggal bilang Heneral."

Ang Una at Huling Tagpuan COMPLETEDWhere stories live. Discover now