CHAPTER 29

2.3K 114 35
                                    

Keiji's POV

Bumaling pakaliwa ang ulo ko dahil sa lakas ng suntok sa akin ng Daddy ko. Nalasahan ko ang dugo mula sa labi ko at nakaramdam rin ako ng kaunting kirot.

Wala nang bago. Ganito naman palagi eh. Sanay na rin ako.

"Malapit na mag isang buwan pero hindi mo pa rin ginagawa yung dapat mong gawin?! Kukupad kupad ka na lang ba talaga parati?!" singhal niya.

Hindi ako sumagot at nanatiling tahimik.

Simula pa noon, ganito na palagi. May ipapagawa siya at kailangang magawa ko agad yon, ora mismo. Gusto niyang madaliin lahat ng bagay na pinapagawa niya.

Right now, my mission is to kill Hazielle.

Kung bakit? Hindi ko alam. Malaki ang galit ni Dad sa tatlong yon. At nang malaman niyang kaklase namin ang tatlong magkakapatid, agad niya akong ipinatawag para sa isang misyon. Ang mission na patayin ang isa sa magkakapatid.

He saw me as the perfect one to do the mission. Ang sabi niya, kapag napatay ko ang isa sa magkakapatid, mas mapapadali ang plano niya. Yun lang ang alam ko.

Pero ngayon, hindi ko na alam kung matutuloy ko pa ba ang misyong 'to na sinimulan ko. Dahil ngayon, alam ko sa sarili kong mahihirapan akong gawin na patayin siya.

I just can't...

"I'm giving you 1 more month, Keiji Raiko Vidales! 1 more month. But this time, I'm gonna make that mission easy for you." Napakunot ang noo ko sa sinabi niya.

Easy? Papatay na naman ako, easy?

I never wanted this life. I never wanted to kill but I need to.

"Easy?" Nakakunot ang noong tanong ko.

Tumango siya. " Yes. Kill anyone from the three. Wala akong paki kung sino basta dapat, kahit isa sa kanila mawala sa mundong 'to."

Hindi ako nagsalita. Nakatiim ang bagang na sinalubong ko ang tingin niya.

"Don't tell me, it is still hard for you?" dagdag niya.

"Killing ain't easy as counting 1,2,3, Dad."

"Just pull the fvcking trigger or stab them right in the chest! Anong mahirap do'n?!" sigaw niya.

Hindi ako nakasagot. He raised me to be like him. Pareho kaming pumapatay pero ang kaibahan lang, wala siyang puso kung pumatay at walang pag aalinlangan.

Though, I know, we're still the same. We kill people and that can't change the fact that I am just like him.

"Is something stopping you from doing your mission?" Naniningkit ang mga matang tanong niya.

Hindi ako nakasagot. "Kung ano man yan, kalimutan mo na yan at gawin mo ang ipinapagawa ko sa'yo. Don't fail this time, Keiji Raiko, or I'll be the one to put an end to that someone or something while I pull a trigger on you," malamig na saad niya.

Wala akong sinagot at lumabas na lang.

I also don't want him calling me by my whole name. Only my Mom can call me Raiko. Ayokong nanggagaling sa bibig niya ang pangalang yon pero wala akong magawa para pigilan siya.

"Looks like, nag away na naman kayo ng butihin nating ama, Kuya." Salubong sa akin ng kapatid kong babae.

She's actually my half sister from father's side. 6 months just after Mom's death, Dad re-married and soon had a daughter with his second wife.

I don't have anything against my sister and her Mom. Walang sama ng loob, tanging sa tatay ko lang.

"Hey Rizze. How's school?"

Trídyma: The Triplets Heir and Heiresses [COMPLETED]जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें