CHAPTER 28

2.4K 120 19
                                    

Good morning!!! 4am update, here you gooo! Don't forget to eat your breakfast, mga bhiEee!

⬇️⬇️⬇️

Hero's POV

Magkatabi kaming naglalakad hanggang ngayon ni Xandra sa mall. Paminsan-minsan ay sinusulyapan ko siya habang siya naman ay may malaking ngiti sa labi na makikita talagang nag e-enjoy siya. Seeing her smiling and enjoying makes me also smile.

Napahinto ako nang huminto siya at dumako ang tingin sa isang pa-tattoo-an. Then she looked at me.

"I wanted to have a tatto since before," aniya pa at muling tumingin sa shop.

"Are you sure? Come," yaya ko at hinila siya paloob.

I have a tattoo already. The tattoo I have for being Trídyma's member and a tattoo as a symbol that I am part of Sone Empire.

"Wait! Hindi ako sure kung anong ipapa-tattoo ko!"

"Your initials? Favorite quote? Or whatever favorite?" tanong ko.

Napaisip siya. "Alam ko na! Pero, that's my secret na!" excited na sagot niya.

Napailing iling na lang ako at sinundan siya. Balak ko rin kasi magpa-tattoo.

"Magpapa-tattoo rin ako."

Napatingin siya sa akin. "Really? Ano ipapa-tattoo mo?" tanong niya.

"Dagger sa may chest. Astig ng dagger eh," sagot ko.

Napatango-tango naman siya.

"Kita-kits na lang later!" saad niya.

Nginitian ko siya at tinanguan.

.

Nang matapos ako lagyan ng tattoo, napangiti ako habang nakatingin sa dibdib ko. Nasa left chest ko siya ipinilagay, where my heart is located.

Napangiti ako nang may naalala ako kung bakit dagger ang ipinalagay ko.

Hindi naman sa thankful ako noon na may naglabas ng dagger noong time na may nakalaban si Xandra pero kung hindi dahil sa pangyayaring yon baka hindi ako nakahanap ng tiyempo para kausapin siya. Kung hindi dahil sa lalaking naglabas ng dagger na yon, baka torpe pa rin ako hanggang ngayon.

"Hey!" rinig kong tawag ni Xandra.

Napangiti ako at humarap sa kaniya. "Hey!"

"Tara na?" yaya niya.

"Tapos ka na? Anong ipina-tattoo mo?" tanong ko.

Ngumiti siya ng misteryoso at inilingan ako.

"Secret nga!"

Napasimangot ako. "Yung sa'kin alam mo. Tapos yung sa'yo, secret? Daya."

"Not my fault na sinabi mo nung in-ask kita."

"Whatever, sweetie." Hindi ko na siya pinilit pa dahil nirerespeto ko ang desisyon niyang wag sabihin. "Where do you want to eat?"

"Jollibee!" masiglang sigaw niya kaya napatawa ako ng bahagya.

She's just so cute and I can't help it. I pinched her cheeks.

"Ouch! Hero naman eh!" nakasimangot na reklamo niya.

"Sisihin mo ang sarili mo. If you're not cute, I won't pinch your cheeks," sagot ko.

Kumunot ang noo niya. "Kasalanan kong na-cutan ka sa akin?"

"Yes!"

"Weirdo!" sagot niya sabay irap at nauna nang maglakad habang nagpapadyak pa.

Hinayaan ko siyang mauna maglakad at kinuha ko naman ang phone ko mula sa bulsa. I opened the camera app then took a picture of her back facing me. Buti na lang at wala masyadong tao kaya hindi ako nahirapang kuhanan siya ng picture.

Trídyma: The Triplets Heir and Heiresses [COMPLETED]Where stories live. Discover now