CHAPTER 25

2.4K 120 68
                                    

Nagbabasa ako ng comments guys, haha. Kaso ayoko mag talk kung para kanino ba talaga si Hera and Hazielle. Lakas kasi ni Luke, dalawa ang nabihag! Pero, pwede rin naman si Luke at Hero na lang sa dulo para kulelat parehas si Hera at Hazielle! Chour!

⬇️⬇️⬇️

Hazielle's POV

"Hi Red!!!" kumunot ang noo ko sa sumigaw na si Keiji.

First subject pa lang ngayon at wala pang prof kaya libre pang mag ingay ang iba. Si Keiji naman, umupo sa katabi kong upuan.

Nauna akong pumasok kanina at iniwan silang lahat sa bahay kaya nauna rin akong nakarating dito sa room. Though, may bodyguards na nakasunod pa rin sa akin, in case something happens...

"Nga pala, I have something for you..." saad niya.

Nagtataka akong napatingin sa kaniya at hinintay ang mga susunod niyang sasabihin at gagawin.

May nilabas siyang lollipop na color red at yung isa naman cola flavored kaya tinaasan ko siya ng kilay nang ibigay niya sakin yung red na lollipop.

"A red colored lollipop for you, Red. Start your day with sweets to end your day with a sweet smile!" nakangiting saad niya.

Nakatingin lang ako sa kaniya at hindi gumalaw. Bigla niyang kinuha ang kamay ko, binuksan ang palad ko at ipinatong doon ang lollipop.

"Keiji, I'm not a kid anymore for sweets."

Tinaasan niya ako ng kilay sa sinabi ko.

Gusto kong matawa dahil nagmukha siyang mataray sa pagtataas ng kilay pero pinigilan ko. He's looking cute...

"So what if you're not a kid? Wala namang batas na kapag matanda na bawal na sa sweets eh," katwiran niya.

"Eat that lollipop. The sweetness will make you smile, trust me!" huling saad niya at inilagay sa bibig niya ang sariling lollipop na binalatan niya bago bumalik sa sarili niyang upuan.

Ako naman, pinaikot ikot ang lollipop sa palad ko. Sinimulan ko na yung balatan at inilagay sa bibig ko.

Hindi sinasadyang napatingin ako sa gawi ni Keiji subo ang lollipop na nahuli kong nakatingin sa akin bago ako binigyan ng matamis na ngiti.

"Hey Elle! Wow, first time huh? You hate sweets right?" sulpot ni Alec at umupo sa tabi ko.

"It's not that bad..." kibit balikat kong sagot.

Napatingin ako kay Luke na nakatingin din pala sa akin pero agad na nag iwas ng tingin at umupo sa sarili niyang upuan.

"Pwede bang umamin ka sakin, Elle? I'd been your friend since we were young until now. Anong meron sa inyo ni Vidales at lagi kayong magkasama?" tanong ni Alec at lumingon pa sa direksyon ni Keiji bago bumalik ang tingin sa akin.

Sa aming tatlo, mas open ako kay Alec. As I've said, I fell for Luke and Alec knew about it. May mga nalalaman si Alec na sinasabi ko sa kaniya pero hindi ko masabi kay Luke.

Sandali kong tinapunan ng tingin si Luke na sa tingin ko ay natutulog. Ramdam ko ang bigat ng paghinga niya dahil na rin medyo napuruhan talaga siya ni Zachary noong one on one.

"Keiji's helping me."

"Helping you with what?"

"Helping me move on..."

Napabuntong hininga naman siya. Kinuha niya ang ulo ko at isinandal sa balikat niya saka mahinang hinaplos ang buhok ko.

"Elle naman kasi. I told you before already to confess to Luke, para hindi ka na nahihirapan ng ganito... I don't want seeing my bestfriend sad, Elle..." bulong niya.

Trídyma: The Triplets Heir and Heiresses [COMPLETED]Where stories live. Discover now