CHAPTER 43

2.7K 136 84
                                    

Matagal kong pinag isipan ang mangyayaring 'to. Ewan kung magugustuhan niyo pero ito yung gusto ko mangyari noon pa mang pinaplano ko pa lang ang book na 'to.

2.1k words woooh! Hindi madali magsulat guys lalo na at cp ang gamit ko kaya no to rush update demand po sana. Yun lang! Salamat sa pagbabasa at suporta!

Happy reading!

"No!!!" sigaw ng isang babae.

Napatingin ang lahat sa kaniya. Nanlaki ang mata ni Yoshiko nang makita si Krylly. Hinihingal ito habang nakatingin kay Yoshiko.

"You can't kill her!" sigaw muli ni Krylly.

Kumunot ang noo ni Yoshiko. "Stay out of this, Kry! Umalis ka na rito!"

In just a blink of an eye, Luke grabbed Krylly. Tinutukan niya ng kutsilyo si Krylly habang nakatingin kay Yoshiko na nakatutok din ang baril kay Hazielle.

"Drop the gun and let Haze and Jasper go or I'll also kill her?" malamig na saad ni Luke.

Tinaliman ni Yoshiko ng tingin si Luke. "Bitawan mo siya."

"Pakawalan niyo sila."

The moment Luke grabbed Krylly, naalarma ang mga tauhan ng mga Vidales.

Tinutukan ng pinuno ng mga Vidales ng baril si Jasper at tumingin sa grupo nila Ziana.

"Walang gagalaw ni isa sa inyo o mamamatay ng tuluyan ang batang 'to!" sigaw ng pinuno ng mga Vidales. Sumenyas ito sa mga tauhan. "Itali silang lahat! Siguraduhing walang makakatakas! At huwag kayong papalag kung 'di, mamamatay ang batang ito!"

Napatingin ang lahat kay Ziana. Naghihintay ng senyas mula rito. Tumango si Ziana sa kanila. Nagpaubaya silang lahat na magpatali kaya't napangisi ang pinuno.

"Ano pang hinihintay mo Yoshiko? Hayaan mo na ang babaeng yan at gawin mo ang pinapagawa ko!" sigaw ng pinuno ng mga Vidales.

Napatingin si Yoshiko kay Krylly na umiiling habang nakatingin sa kaniya. Naitali rin si Krylly ngayon na naihiwalay kay Luke.

"Yoshiko, pull the trigger!" utos ng ama niya.

Nararamdaman niya ang kagustuhan na maging proud sa kaniya ang ama kaya hindi niya alam kung ano ba ang dapat niyang piliin. Nahihirapan siya.

Tahimik lang na nakaabang ang iba sa mga nasa third floor para sa susunod na pangyayari. Yoshiko looked at Hazielle's parents. Hazielle's mother was just blank. Ang ama naman ni Hazielle, umiiling na nakatingin kay Yoshiko.

"Pull, Yoshiko. Pull the trigger," utos muli ng ama niya. "Make your father proud."

Napapikit siya. He looked at Krylly with apologizing eyes and Krylly got the message. Susundin nito ang ama nito.

Hindi alam ni Krylly kung paano siya mapipigilan kaya wala siyang pagpipilian kung 'di ang sabihin ang nalalaman niya. Ang huling magiging dahilan para pigilan si Yoshiko na sundin ang ama niya.

"Why would Yoshiko make you proud? Yosh, he's not your father!" Muntik nang mabitawan ni Yoshiko ang baril na hawak.

Nagtatanong ang mga matang tumingin siya sa ama na ngayon ay nakatingin ng matalim kay Krylly. Tahimik lang ang lahat.

"What are you saying, Krylly?" tanong ni Yoshiko.

"Your Mom sent me here to stop you from following what your father wants you to do and tell you the whole truth," sagot ni Krylly. "Hindi ka isang Saavedra, Yosh."

Trídyma: The Triplets Heir and Heiresses [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon