CHAPTER 2

4.8K 183 8
                                    


Sisikapin ko pong araw araw mag ud rito. Pero baka minsan hindi ako maka ud. Nirerevise ko rin po kasi ang book 1. Yon lang, hihi. Enjoy reading!

⬇️⬇️⬇️

Hazielle's POV

"Ms. Mendoza, kung patuloy mong gagawin ang mga ganoong bagay sa mga teacher mo, mapipilitan kaming bigyan ka ng suspension kahit anak ka pa ng may ari," saad ng guidance counselor sa harap namin.

Why am I even here? All I did was just to sleep because I'm really sleepy. Puyat na nga ako kagabi, dinagdagan pa ng nakakaantok na boses ng teacher namin.

Isa pa 'tong si Hera na sumbungera nandamay pa papuntang guidance. At talagang mananagot kaming tatlo pag nalaman 'to ni Mom! Hindi nag iisip ang bratinellang 'to!

"Ahm, Hera was the one who threw the pencil. Why are we here?" Hero asked pointing at the two of us.

Napabuntong hininga ang guidance counselor at isa isa kaming tinignan.

"Zaina Hera Mendoza, binato mo ng lapis ang ulo ng teacher mo. You even said her lessons are boring," panimula nito habang nakatingin kay Hera. Hera just gave her a peace sign.

"Totoo naman 'yon! Boring 'yong mga tinuturo niya!" sabat ni Hera.

"Shut it, Ms. Mendoza the first!" pagpapatahimik ng guidance counselor kay Hera na napairap lang.

Lumipat naman ang tingin niya sa aming dalawa ni Hero.

"Zarvin Hero Mendoza and Hazielle Zayne Mendoza. Tinatanong pa ba kung bakit kasama kayong narito? Your teacher just caught you two sleeping in her class! First day na first day, ganiyan ang inaakto niyo!" kalmado ngunit may diing aniya habang hinihilot ang sentido.

I boredly looked at her in return but did not mutter anything. Pasok sa kanang tainga, labas sa kaliwa ang sermon sa akin kaya bahala siyang dumada dahil hindi ako magtatanda at gagawin ko ang gustong gawin.

Parang ang laki naman ng kasalanan ko? Natulog lang naman ako.

"Go straight to the point Mrs. Villanueva. What do you want us to do?" tanong ni Hera.

"Community service for 6 hours. It's either you'll do it or Mrs. Mendoza will be informed of what you all did, in the first hour on your first day," sagot nito.

I mentally rolled my eyes. Either way, malalaman pa rin naman ni Mom ang nangyari. Sipsip kaya ang mga staff dito, tsk.

"I'm not doing it. Go ahead and tell Mom about what we did. She'll know about it, anyway," kibit balikat na sagot ni Hero.

We're all thinking the same way.

"I doubt you will be keeping your words, not telling Mom about what happened today if we do what you want. Knowing all of you here, you like being a straw to my Mom," walang prenong saad ni Hera.

Napasinghap naman ang guidance counselor sa sinabi ni Hera. Grabe ang tabas ng dila ng bratinellang 'to!

But what she said was true.

"Sumasakit ang ulo ko sa inyong mga bata kayo! Lumabas na kayo! At asahan niyong makakarating ang nangyaring 'to sa magulang niyo!"

Bago niya pa matapos ang sasabihin niya ay nauna na akong tumayo at lumabas ng guidance office. Pero tumigil ako sa labas sandali at hinintay lumabas si Hera.

Pagkalabas na pagkalabas niya ay binatukan ko siya ng pagkalakas lakas.

"Aray! Leche! Bakit ka namamatok?!" reklamo niya sa akin.

Trídyma: The Triplets Heir and Heiresses [COMPLETED]Where stories live. Discover now