CHAPTER 15

2.8K 144 21
                                    

Hero sa MM!

Happy reading!

⬇️⬇️⬇️

Hero's POV

Nang matapos ang activity, nagsimula nang magligpit ng gamit si Xandra. I was thankful she agreed to be my partner for this activity. I think, hindi na crush ang nararamdaman ko para sa kaniya. I'm still not sure but as I get a chance to be with her, the feeling I have for her is slowly getting deeper.

She was talking to her remaining friends, Christine, Kia and Stephie, when I decided to go to her. Sumenyas naman sa kaniya si Stephie na papalapit ako dahil nakatalikod siya kaya hinarap niya ako.

"Bye girl! Una na kami nila Kia, usap muna kayo!" saad ni Stephie na may nakakalokong ngiti sa mga labi.

Agad namang nagsi-alisan yung tatlo kaya kaming dalawa na lang ang natira habang nakaharap sa isa't isa. Para akong kinain ng hiya sa harapan niya at na-conscious ako bigla sa itsura ko ngayong pawis pa ako.

"Yes, Hero? May kailangan ka?" tanong niya.

Why does her voice sounds like a music to my ears?

"Uhm, would you like to have lunch with me?" tanong ko.

Humugot ako ng sobrang daming lakas ng loob para itanong ang bagay na yun. Sh!t, never in my life I felt so nervous waiting a response from someone.

Nginitian niya naman ako. D*mn! Those smiles! She really looks like an angel and the way she smiles, makes my heart go crazy.

"Sure. Wala rin naman na akong kasama since Stephie and others left me here. And Zaina's with Luke having lunch," sagot niya.

Kumunot naman ang noo ko. Hera's with Luke? They're not close but they're having lunch? I can feel it. Hera likes Luke! She likes Luke! But what about Hazielle? I can see the way Hazielle look at Luke, she has a feeling for him.

Bahala sila at malalaki na sila. Pero wag lang sanang maging si Luke ang magiging dahilan para mag away sila. Ako mismo ang maglalayo sa kanilang dalawa kay Luke.

"Tara? Saan mo gusto kumain? Sa loob ng cafeteria or sa garden? My treat," tanong ko.

Napaisip naman siya sa sinabi ko at biglang lumiwanag ang mukha.

"Sa field tayo! Masarap ang simoy ng air doon," sagot niya.

I chuckled because of how she speaks. She looks cute speaking conyo and I find myself being weird. How did I find her cute speaking conyo? Cute din kaya yun sa para iba o para sa akin lang?

"Girl! I want to eat na! My stomach is sumasakit na talaga!"

Nalukot ang mukha ko sa narinig na babaeng magsalita. Nakakairita at masakit sa tainga! Pero bakit nung si Xandra, hindi naman? Pwede rin palang mamili ng gugustuhin ang pakikinggan ng tainga ko.

Good job, ears. Loyal tayo kay crush.

"Ahm, how's Tita Alex, by the way?" tanong ko.

Binasag ko lang ang katahimikan dahil mukhang wala siyang balak magsalita hangga't hindi ako nagtatanong.

"She's fine naman. Kagagaling lang nilang Switzerland nung nakaraan because they want to solo each other! Ang harot right kahit they're matatanda na!" sagot niya.

Mahina akong natawa. I can also feel she's starting to feel comfortable around me. She's starting to talk too much unlike the first time we talked.

Trídyma: The Triplets Heir and Heiresses [COMPLETED]Where stories live. Discover now