CHAPTER 42

2.4K 116 29
                                    

Third Person's POV

Matapos ang ikalawang pagsabog, naghanda na ang mga susugod ng mga kabilang sa Sone Empire. May kaniya kaniya silang mga pwesto at hinihintay lang ang ikatlo para tuluyang pasukin ang Vidales Mafia.

Kahit ang Royalties ng Sone Empire, sumama sa pagsugod.

Dahil malapit sa dagat ang hideout ng mga Vidales, naghanda na rin ng mga back up ang mga nasa Sone Empire para siguraduhing hindi gagamiting pantakas ng mga Vidales ang dagat. May mga helicopter din na naka standy by, in case of emergency.

Sa kabilang dako, ang mga Vidales naman ay naghanda. Nakangisi mula sa ikatlong palapag ng hideout ang pinakapinuno ng mga Vidales habang pinapanood ang mga pangyayari sa ibaba.

"Tignan natin kung hindi ka maluhod sa harap ko mamaya sa mga pasabog ko, Ziana Haziene Mendoza," nakanging anito at uminom sa hawak na glass wine.

"Boss. Nandito na po ang anak niyo na sinubukang itakas ang mga bihag natin kanina." Humarap ang tinawag na boss sa tauhan niya.

Pagharap niya, nakita niya ang anak na walang malay habang hawak ng mga tauhan niya. Nagtiim ang bagang niya habang nakatingin dito.

"Bakit walang malay yan?" tanong niya.

"Kinailangan namin turukan ng pampatulog boss. Palaban eh," sagot ng tauhan nito.

Sunod na ipinasok sa silid ang walang malay na si Hazielle at Jasper habang nakatali ng mahigpit sa likod ang mga kamay. May dagdag na metal din na pinangtali sa magkabilang kamay ni Hazielle para siguraduhing hindi talaga ito makakatakas.

Kilala si Hazielle bilang isang delikadong mafia heiress sa ngayong henerasyon. Kaya't laking pasasalamat ng pinuno ng Vidales Mafia na napasakamay nila ang isa sa alas panlaban ng kabilang organisasyon laban sa kanila.

Ilang minuto ang nakalipas, nagising na si Keiji. Agad na tumalim ang tingin niya sa ama nang makita ito sa harapan niya, ganoon din ang tingin na isinagot ng ama niya sa kaniya. Binigyan siya nito ng isang malakas na suntok.

"How dare you do something against me?!" singhal ng ama niya.

Napadura ng dugo si Keiji dahil sa lakas ng suntok nito.

"Napakasama mo, Dad. Ayokong sundin ka dahil tapos na ko maging sunud-sunuran sa'yo!" sagot ni Keiji.

His father laughed sarcastically. "Pagkatapos kitang palamunin, buhayin at bihisan, ito ang igaganti mo sa'kin?"

"Pinalamon, binuhay at binihisan mo na matagal ko nang nabayaran sa pamamagitan ng pagsunod sa'yo!"

Dahil sa sagot ni Keiji na yon, may lumipad muli na kamao sa pisngi niya. Halos umikot ang paningin niya sa lakas ng suntok ng ama pero hindi siya gumawa ng kahit na anong tunog na nasasaktan siya.

Nagising si Hazielle sa pangalawang suntok na narinig niya. Nakita niya kung papaano sinuntok ng isang lalaki na sa tingin niya'y pinuno ng mga Vidales si Keiji.

She remained in her blank expression but deep inside she's worrying. Napatingin sa kaniya si Keiji at gano'n din siya.

"Gising na pala ang alas ko laban kay Ziana Haziene..." nakangising saad nung lalaking sumuntok kay Keiji na sa tingin niya ay ama nito.

Hindi siya sumagot at nakipagsagutan sa taliman ng titig sa tatay ni Keiji.

Hindi niya alam kung bakit parang napakalaki ng galit nito sa ina niya. Sa boses nito, parang may pinanggagalingan na malalim ang galit nito sa ina niya.

She have no idea why.

"Red, I'm sorry. I wasn't able to save you," hinging paumanhin ni Keiji sa kaniya kaya napatingin siya rito.

Trídyma: The Triplets Heir and Heiresses [COMPLETED]Where stories live. Discover now