CHAPTER 23

2.3K 102 13
                                    

Hera's POV

One week since we've been living together. Sa one week na yon, pasimple akong lumalapit kay Luke and try my best to find something we could talk about.

Hindi ko alam kung nanandya ba ang kutong lupa na si Zach pero tuwing nag uusap kami ni Luke, bigla biglang nagmumukhang singit si Zach. Ang epal! Ang sarap sipain papuntang Pluto!

"Hey, Hera! I forgot to copy notes yesterday, can I borrow yours?" napatingin ako kay Luke.

"I can even write it for you, Luke..." bulong ko kaya kumunot ang noo niya. "Yes, you can!"

"Hoy Queen! Sinabihan na kita kahapon na hihiramin ko yung notes mo kaya hindi ako kumopya! Um-oo ka ha!" here we go with the epal of my love life.

"Ah sige Hera, I'll just borrow Haze's notes..." bawi ni Luke.

I gave him an apologetic smile, sakto naman na dumaan si Hazielle na nanggaling sa kusina.

"Haze! Can I borrow your notes?" tanong ni Luke.

Napatigil si Hazielle sa paglalakad at kumunot ang noong tumingin sa akin at kay Luke at bumalik ang tingin sa akin.

"I don't copy notes," sagot ni Hazielle at dumiretso sa paglalakad pataas na gumamit ng hadgan.

"Ba't ba kayo nagtatalo pa? Why don't you two copy notes together?" tanong ng dumating na si Shawn habang nakasandal sa hamba ng kusina.

Napatingin ako sa dalawa na nagkatinginan. Nakita ko ang pandidilim ng mukha ni Zach at hindi nagsalita. No choice naman si Luke kung 'di ang tumabi at kumopya habang parehas silang nagtatake down ng notes.

"Hala ka naman, Zaina! Look what your notes have done! Parang may fire sa gitna nilang dalawa!" bulong ni Kyla sa gilid ko.

"By the way everyone, get ready for our training later! For the first time, we get to see our training room!" Stephie announced.

Saka ko naalala, Saturday pala ngayon kaya lahat kami nandito sa bahay. First training with everyone later. At ang mangyayari, we will train all of them first until they know the basics. Pag kaya na naming iwanan silang magtraining nang sila lang, saka kami magpapatuloy sa training naming tatlo.

.

Sabay sabay kaming pumasok ng elavator para bumaba sa training room. Bakas ang excitement sa mata nila lalo na kina Stephie.

Gangster na sila Stephie but all they know is physical battle. Hindi sila marunong gumamit ng weapon and something a mafia member should know.

Nang tumigil ang elevator, lumabas na kami. Sumalubong sa amin ang napakalawak na training area. May isang door sa may kanan na nakasara, we still don't know what's in the inside.

May mga target for gun shooting, bow and arrow targets. May part din na parang mini laboratory na may kung anu-anong gamit. For inventions and stuffs siguro and I'm not interested with that.

May mga punching bags din at marami pang ibang may kinalaman sa training. Sa gitna, may malaking space for sparring or one on one battle.

Naiwan sila sa bungad kung saan lahat ay tila ba namangha sa nakita. Si Hero, dumiretso sa mini lab din at chineck yung mga nandoon. Napatingin ako sa katabi kong si Hazielle na pupunta rin sa direksyon na pupuntahan ko.

"You have any idea what's inside?" tanong ko.

She answered me with a shrug. As always.

Sabay kaming pumasok at napanganga kami sa nakita.

Iba't ibang klase ng baril. From pistol, rifle, sniper, shotgun. May grenades rin, kumpleto. From normal grenade, smoke grenade and flash grenade. Kumpleto rin ng iba't ibang klase ng patalim from daggers, shurikens, swords and katanas.

Trídyma: The Triplets Heir and Heiresses [COMPLETED]Where stories live. Discover now