Letter 28

114 6 4
                                    


Kasalukuyan akong gumagawa ng assignment sa sala nang mapansing bihis na bihis si Zeus.

"Saan ka pupunta?" tanong ko kay Zeus wala kasi akong naalalang may lakad ito ngayong linggong.

"Meow," Napabaling ang atensyon ko kay Nemo nasa ibabaw kasi ito ng laptop ni Zeus kaya kaagad ko itong kinuha kanina pa kasi ito nangungulit sa akin hindi na nga ako matapos tapos dito sa essay ko na ginagawa. Napakaligalig parang yung amo nyang si Zeus.

"Launching of Red commercial." Napatango naman ako sa sinabi nito. Ito yung Napkin brand kung saan nag-viral si Zeus.

Umupo ito sa sofa na nasa likod ko kaya napalingon ako dito. Binabasa nya ba yung essay ko?

"What do you want bao bao?" biglang tanong nito at dumukhang para kunin si Nemo. Biglang bumilis ang pintig ng puso ko ng maramdaman ang braso n'ya na tumama sa braso ko. Amoy ko din ang mamahaling brand ng pabango nito. Napatigtig na lang ako sa side profile nito nang biglang lumingon ito halos gahibla na lang ang pagitan ng labi namin kaya dali dali kong binaling ang paningin ko sa harap ng laptop at naramdaman ko pa nga kung paano sumagi ang labi n'ya sa pisngi ko.

Nang makuha ni Zeus si Nemo ay saka lang ako nakahinga ng maluwag.

"What's my bao bao want?" muling tanong ni Zeus kay Nemo. Zeus treats Nemo like his own son. Muli ay bumalik ako sa paggawa ng assignment ko nang bigla akong tinapik ni Zeus kaya napalingon ako dito.

"What do you want bao bei?" biglang bumilis ang tibok ng puso ko sa sinabi nito hindi ko alam kung bakit eh, di ko naman alam yung meaning ng bao bei. "I mean Hera sorry." Napairap na lang ako at binalik ang atensyon ko laptop. Ano kayang ibig sabihin ng bao bei? Minumura nya kaya ako?

"Aalis pala ako," paalam ko dito.

"Why?" Tanong nito habang inaayos ang necktie nito.

"Magpapagupit ako ng buhok."

"Wait, can you get my phone please," Suyo nito kaya kaagad kong iniabot ang cellphone nito na nakapatong sa mini table. Dali dali nitong binuksan at phone nya at nag-type mukhang may ka text ito.

"It's bad luck to cut your hair today. Move it to Wednesday or Thursday." Kaagad na pakunot ang noo ko sa sinabi nito.

"Feng Chui," Maikling sagot nito at pinakita sa akin yung cellphone nya kung saan may calendar na kada date ay may nakasulat. Natawa naman ako sa sinabi nito half-Chinese sila kaya marami silang paniniwala tungkol sa swerte or malas.

"Anong mangyayari pagnagpagupit ako ngayong sabado?" Curious kong tanong hindi ko kasi nabasa yung nakalagay doon sa calendar. Muli itong tumingin sa phone nya para basahin ang mangyayari sa akin.

"Saturday you may create a misunderstanding with someone or you may get heartbroken.

"Eh pagnagpagupit ako sa Wednesday of Thursday?" Muli ay tanong ko kaya muli nitong tinuon ang atensyon sa cellphone nito.

"Wednesday you may begin a new romantic relationship and Thursday you get a surprise like gifts or promotion." Pinagwalang bahala ko na lang di naman ako chinese. 

Matapos nun ay umalis na si Zeus nagpaalam pa ito na gagabihin daw s'ya dahil pagkatapos ng promotional event ay may exclusive dinner party pa na magaganap.

-

Nang matapos ay kaagad na sinuri ko ang buhok ko na bagong gupit. Pinabawasan ko lang ng unti yung buhok ko masyado na kasing mahaba at mabanas na. Nagpa-bangs na rin ako uso kasi. Hindi ko naman ito pinagsisihan bumagay naman ito kasi sa akin. Muli ay naalala ko ang sinabi ni Zeus about sa paniniwala nilang mga Chinoy na may swerte at malas na araw na pagpapagupit. Hindi naman ako Chinese kaya okay lang siguro na hindi ko gawin yun. Sobrang banas na banas na ko sa buhok kong ito kaya hindi na ko makapaghintay pa na magpagupit at purong Pilipino ako kaya wa-epek sa akin yun for sure.

Matapos makapagbayad ay pumunta ako sa Sy Mall balak ko kasing bumili ng Bond paper ubos na kasi yung stock ni Zeus at marami akong ipi-print na handout. Naalala ko noon bago pa lang ako sa Consunji High ang daming project halos doon na lang sa pagpa-print ko naubos yung allowance na binibigay ni Ma'am Rhea kaya nga namasukan akong taga-hugas sa Kalenderya ng mga baluwag kaya kahit paano ay may maipangbabaon ako at nakakapagbigay kay Nanay.

Papunta na ako sa office store supply nang madaanan activity center ng mall kung saan may ginaganap na event. Maraming tao kaya nakisisik ako sa daan makaalis lang.

Napatigil ako nang biglang may in-announce ang host.

"Let's welcome Mr. Napkin Man. Zeus Dimitri Tan. The new ambassador of Red, doon ay lumabas silang si Zeus sunod namang pinakilala si Dione. Mukha itong Barbie Doll. Bagay na bagay dito ang pink na dress na suot nya.

Naghiyawan ang mga tao. Napapansin ko puro teenager ang mga dumalo. Kung alam lang nila kung gaano kaarte yang lalaking kinahuhumalingan nila.

"Bagay na bagay talaga sila," Komento nung katabi ko. Kilig na kilig ang mga tao. Napairap ako dahil dito.

Bitter na kong bitter.

"Ate anong problema mo?" bigla'y sabi nung babaeng nagkomento na bagay si Zeus at Dione. Sa itsura pa lang ay war freak na.

"Wala ganito lang mata ko," Sarkastiko kong sagot. Aba wag nya kong mataray tarayan ganyung bitter ako.

"Mukha s'yang member ng Ferris wheel love team kaya ganyan." Komento ng kasama nya na nagbigay ng curiosity sa akin. Ano kaya yun?

Muli ay binaling ko ang atensyon kay Zeus at Dione. They look good to each other. Bagay na bagay sila pareho pa ng estado sa buhay. Aalis na sana ako ng tuluyan ng muling marinig ang announcement ng host.

May kanta daw na ipe-perform sila Zeus at Dione. Zeus ko po! Seryoso e, ang panget kaya ng boses ni Zeus.

Makalipas ng ilang Segundo ay pumailanlan ang sikat na kanta. Nag-umpisang kumanta si Zeus halatang lip sync sing. Zeus ko po!buti naman at nag-lip sync ito.  Baka mawala ito ng fans pagnarinig ang panget ng boses nito.

Matapos ang kanta ay nagsitilian ang mga tao. Kilig na kilig lalo na yung mga katabi ko. May sumigaw pa nga ng "Napkin man I love you!" In-interview pa ng host sila Zeus kaya umalis na ako para bumili ng Bond paper.

Matapos makabili ay muli akong dumaan sa activity center.

"So Zeus. Is Ms. Dione is your ideal girl?" Doon ay napatigil ako sa paglalakad nang marinig ang tanong ng host kay Zeus.

"Yes, of course -" Sagot nito dahil doon ay dali dali akong umalis sa mall.

Dear ZeusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon