Letter 42

142 8 2
                                    

Papasok na ko ng room nang may mapansin na may nagkukumpulan sa bulletin board.

'Ang bilis naman lumabas ng election result' sa isip isip ko pero gayun na lang ang pagtataka ko nang bigla na lang silang nagbulungan nang makita ako at lahat sila ay sa akin nakatitig.

"I heard she's a mistress of a senator."

"Last year, I heard that she's an illegitimate daughter turns outs that she's a mistress,"

narinig kong pabulong pero halatang gustong iparinig sa akin ng dalawang babaeng nasa kanan ko.

Lumapit ako sa bulletin board para tignan yung pinag-uusapan nila.

Halos manlumo ako ng makita ang mga nakadikit. Mga picture ko kung saan dinadalaw ko si Nanay sa rehabilitation center.

"How can a daughter of a squatter addict got in," napayuko ako at naikuyom ang palad ko sa narinig.

"So all this time she's pretending to be rich?"

"Her mother got arrested because of drugs."

Doon na kumulo ang loob ko.

'Paano nila nalaman ang tungkol kay Nanay?" Wala akong pake sa iba nilang sinasabi kasi hindi naman totoo yun pero yung naririnig kong komento tungkol kay Nanay ang hindi ko kayang naririnig.

Ayokong makita nilang umiiyak ako sa harapan nila kaya tumalikod ako paalis pero gayun na lang ang panlulumo ko nang makitang nasa likod ko si Krishna.

She's smiling,  a mocking smile.

Nakagat ko ang ilalim ng labi ko nang ma-realize na s'ya ang nagkalat nito.

Nang maramdamang malapit ng tumulo ang luha ko ay nilgapasan at binangga ko lang ito.

"What happened?" pinunasan ko ang luha ko ng makasalubong ko si Zeus. Hindi ko sya pinansin at tumakbo lang paalis.

"Who made this?" narinig ko pang naggagalaiting tanong nito bago tuluyang makalayo sa kanilang lahat.

Dali dali akong nagtungo sa loob ng butterfly garden ng S7 para doon ibuhos ang sama ng loob ko. Walang tao dito kaya walang makakarinig sa akin. Wala naman talaga akong pake kung anong iisipin nila tungkol sa 'kin pero ang marinig ang mga sinasabi nila laban kay Nanay ang masakit idagdag mo pang si Krishna ang alam kong nagkalat nun, s'ya lang naman ang may alam ng tungkol sa kondisyon ni Nanay.

Wala namang tao dito kaya malaya akong makaka-iyak.

"You cry like a banshee."

"Si- sino yan?" humihikbing tanong ko at nilibot ng tingin ang paligid. Dali daling pinahiran ko ang pisngi ko gamit ang palad.

Mula sa likuran ng puno ay lumabas si Eos. Humihikab pa ito ng makalapit sa akin.

"Ordinary student is not allowed here." Napasimangot naman ako sinabi nito. Walang duda magpinsan nga sila ni Zeus masyadong territorial.

Hindi ko 'to pinansin at yumuko lang. Naramdaman kong umupo s'ya sa tabi ko.

"Did Zeus break up with you?"

Dahil sa sinabi nya ay napangat ako ng ulo. Lumingon ito sa akin. A lopsided grin appeared.

"Hindi," sagot ko dito. Wala pa ngang isang linggo ng maging kami ni Zeus ay pinag-break na kami nito.

"So, why you're crying?"

"Naranasan mo na bang matraydor ng kaibigan?" tanong ko imbes na sagutin ito.

"What kind of question is that? How can you consider a friend who betrays you? Whatever happens between you a Friend won't betray you, remember that," payo nito habang medyo umiiling iling. Hindi ko alam kung mannerism nya yung pag-iling iling o kung ano. Sa lagi ko kasing pagmamasid kay Zeus noon mula sa malayo ay napapansin kong medyo may kakaiba sa kinikilos si Eos.

Napaiwas ako ng mapansin nitong pinagmamasdan ko sya, basta na lang itong tumayo at umalis.

Napaisip tuloy ako sa sinabi nito

A friend won't betray.

Lalo akong napaiyak nang ma-realize ang sinabi ni Eos. Nakaramdam ako ng guilt. Sa aming dalawa ni Krishna ako yung unang nag-traydor. All along, I know her feelings about Zeus. Ang daming kong chances na sabihin yung totoo pero hindi ko ginawa.

Pakiramdam ko kasalanan ko rin kung bakit na uwi sa ganito ang pagkakaibigan namin.

--

Matiyaga akong naghihintay kay Krishna dito sa kubo kung saan madalas kaming kumain.

Mapait na napangiti ako ng matanaw ito na paparating

"Gusto kitang makausap," wika ko.

Sinadya ko talaga itong salubungin ngayong lunch break, ni hindi nga ako pumasok ng buong umaga sa room kahit na todo tawag at text si Zeus sa akin.

"Wala tayong dapat pag-usapan," mariin nitong sagot at nilagpasan ako.

"Alam kong ikaw ang may gawa nung sa bulletin board da-" naputol ang sasabihin ko ng magsalita ayan

"Ano Hera masaya ba?  Na pinaglalaruan mo ang feelings ko? Masaya ba na habang
Kinukwento ko sayo yung feelings ko kay Zeus. You are already dating him. Did I satisfy your ego? " Umiiyak na tanong nito pero kaagad din nitong pinahid at tinulak ako.

Muli akong lumapit dito.

"H- hindi ko i-intens-yon yun Krishna. Hin-di ko lang a-alam kung pa-ano ako magsisimula balak ko namang sabihin e," naiiyak na paliwanag ko pero muli nya akong tinulak.

"Kaya pala ang dami mong dahilan. Yung pala kayo na kung hindi ko pa kayo  sa Butterfly garden hindi ko pa malalaman,"

Nilagpasan ako nito at pumasok sa kubo kaya pumasok na rin ako.

"Sorry," hingi ko ng paumanhin dahilan para humarap itong muli sa akin. Muli ay isa isang naglalagan ang mga luha ko. Kung naging honest lang ako sa umpisa hindi kami mauuwi sa ganito.

Nakita kong umiiyak din si Krishna kaya hinawakan ko ang kamay nya.

"Sorry kung ako ang unang sumira ng Friendship natin. I know hindi na maibabalik pa ang friendship natin." Huminga ako ng malalim bago magpatuloy

"pero... "

"Gusto ko pa ring magpasalamat sa'yo. Alam mong wala akong kapatid di ba? It's hard for me to find a friend However, I found it with you. Masaya ako na nakatagpo ako ng 2 in 1 sister and friend with you. I will always remember our great memories." pasasalamat ko bago tuluyang talikuran s'ya, bago talikuran ang ka-isa isang tao na tinuring kong kapatid.

--

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 21 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Dear ZeusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon