Letter 5

1.3K 79 18
                                    

"Sorry hindi ko naman sinasadyang suntukin ka kanina nabigla lang talaga ako," Pagpa-practice ko sa sabihin ko kay Zeus.

'Ay, bakit ka ba kailangang mag-sorry? eh s'ya naman ang may kasalanan.'

"Napaka-antipatiko n'ya porket s'ya ang president at isa sa apo ng may ari ng school eh, akala mo kung sinong hari ang naghaharian dito," Saad naman ng kabilang utak ko.

"Mag-sorry ka pa rin," Sagot naman ng kabilang utak ko.

"Wag kang mag-sorry dapat lang sa kanya yun," Muling pagtutol ng kabilang utak ko.

"Zeus ko po! bakit ko kinakausap ang sarili ko? Nababaliw na yata ako!" sigaw ko at nagpatuloy sa paglalakad. 

Patungo na ako sa detention office  para mag-sorry kay Zeus. Nang biglang tumunog ang cellphone ko kaya kaagad ko itong sinagot.

"Hello, Hera, nasaan ka na? Umuwi ka na yung nanay mo nagwawala na naman dito,"  bungad ni Aling Martha kaya kaagad na sinabi ko dito na pauwi na ako.

Pagkapatay ko ng tawag ay kaagad akong lumihis ng landas papunta sa gate pero kaagad ding  napaatras nang makita si Zeus mukhang may inaantay sya.

Zeus ko po! Hindi kaya ako ang hinintay nya?

Dahil doon ay kaagad akong tumakbo papunta sa likuran ng school, mag-aakyat bakod na lang ako, wala akong time para makipag-usap kay Zeus, kailangan ako ni Nanay ngayon.

"Ms Bulalakaw, where are you going? Huh." namutla ako nang marinig ang boses ni Zeus, unti unti akong lumingon  dito.

'Zeus ko po!' nasa likuran ko na pala ito kaya agad akong sumakay sa bike ko at pinaharurot ito ng takbo.

"Retard girl come back here!" sigaw pa nito kaya mas binilisan ko ang pagpapatakbo nang nasa may dulo na ako ay dali dali kong kinadena ang bike ko sa puno.

Lumingon ako sa likod. 

Zeus ko po! malapit na sya!

Nakababa na si Zeus sa kotse nya at naglalakad  papunta sa direksyon ko kaya  kumaripas ako ng  takbo. May nakita akong jeep na parating, napatingin ulit ako sa likod ko at sobrang lapit na ito sa akin.

Pumikit at nagdasal ako. This is it, gagawin ko ang pinakadelikadong bagay sa buhay ko. Nang tuluyang makalapit na ang jeep sa akin ay kaagad akong sumabit dito at kumapit ng mahigpit.

Muli kong tinignan si Zeus mukhang hindi sya makapaniwala sa ginawa ko kaya nag-blep ako dito at kumaway pa. Bahala s'ya hindi naman n'ya naman siguro ako hahabulin pa.

Bahala na bukas basta ang importante mapuntahan ko si Nanay.

"Hoy bata delikado yang ginawa mo!" Sita sa akin ng matandang babae, pilit na  nginitian ko na lang ito at kumapit ng mahigpit sa jeep.

Pagkauwi ko ay nakita kong lango na naman si Nanay sa alak at ngayon nga'y nagwawala na naman sa tindahan ni Aling Martha . Nangungutang pala ito ng pang-alak nya pero hindi pinautang. Kabilin bilinan ko kasi kay Aling Martha na wag pautangin si Nanay.

Nang makauwi kami ay nagwawala pa rin si Nanay naitulak nya pa nga ako sa may lamesa kaya tumama ang pisngi ko sa gilid nito. Mukhang natigilan naman ito sa nakita kaya agad na pumasok sa kwarto nya. 

Nagtungo ako sa salamin nakita kong may namumuong  pasa ang pisngi ko.

Napabungtong-hininga na lang ako at kaagad na nagbihis may trabaho pa ako sa kalindeya ng mga Baliwag.

Kinabukasan ay inagahan ko na ang pasok pero nang pumunta na ako sa pinagkadenahan ng bike ko ay nawawala na ito.

 Zeus ko po! hindi kaya kinuha ni Zeus yun.

Dear ZeusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon