Letter 39

113 7 1
                                    

Gustong gusto ko ng lumipat ng upuan hindi ako komportable na katabi si Zeus mayat maya kasi ang lingon ng mga classmate namin.

Hindi din ako maka-concentrate sa sinasabi ni Ma'am. Halos wala akong maintindihan sa sinasabi nito hanggang sa narinig ko na lang ang sabay sabay na singhap ng mga classmate ko.

'Anong nangyari?' dahil doon ay pinakinggan ko na ang sinabi ni Ma'am.

Magkakaroon daw ng panibagong school election.

Bumaling ako sa katabi kong si Zeus.

'Zeus ko po!'

Bumilis ang tibok ng puso ko nang magtama ang mga mata namin.

"What?" tanong nito na parang wala lang dito na nagkahulihan kami ng tinggin.

Ako na ang unang umiwas ng tinggin. Nagsitinginan kasi yung nasa harapan namin dahil sa tanong nito sa'kin.

Muli kong tinuon ang  pansin kay Ma'am. Hindi ko alam ang nangyayari sa akin halos isang linggo lang naman kaming hindi nagkita ay ganito na ang inaasta ng puso ko.

Matapos ang anunsyon ni Ma'am ay bumaling na ito sa cover ng topic ng syllabus namin.

Community Engagement, Solidarity and Citizenship ang subject namin. Pinaliwanag din nito na magkakaroon kami next month ng engagement sa isang remote city.

Tumunog ang alarm hugyat na recess time na dali daling nagsitayuan ang mga classmate ko para pumunta sa canteen kaya kaagad kong nilabas ang baunan ko na nakalagay sa isang bento box pinabaon ito ni Madam Rhea sa akin - s'ya mismo ang naghanda nito para sa akin. Noong una ay tumanggi ako pero sabi nya pangarap daw nya 'tong gawin sa anak nyang babae pero hindi nya magawa dahil hindi na nga sya pwedeng manganak ulit samantalang ayaw daw ni Zeus ng ganito dahil may sariling chief ang mga member ng S7.

Nang binuksan ko ang bento box ay tumambad sa akin dalawang parang shawarma ba ito o burrito? Hindi ko alam kung anong tawag sa tortilla na ito na may chicken salad sa loob at mayroon din biscuit na may cheese na sawsawan.

Hindi ko maiwasang hindi kiligin first time ko lang makabaon ng snack box at lunch box na iba ang naghanda

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Hindi ko maiwasang hindi kiligin first time ko lang makabaon ng snack box at lunch box na iba ang naghanda.

Kukuha na sana ako ng isang  sandwich nang bigla na lang may kumuha dito kaya kaagad akong napalingon dito.

'Zeus-maryosep!'

Inirapan ko 'to akala ko umalis na 'to, hindi ba't may sarili silang chief na S7 so anong ginagawa nya dito?

"What?" maang tanong nito. Napatingin ako sa buong paligid, Nang makasiguradong walang ibang tao ay bumaling ako dito.

"Bakit nandito ka pa? Di ba may chief kayo?" tanong ko samantala ay abala pa din ito sa pagkain nung sandwich ko.

Napatitig na lang ako dito. Ang takaw nya. Hindi ba may diet plan sya?

"We don't have now," sagot nito bago isubo ang pagkain. Wala na akong masabi sa kanya hanggang ngayon kasi ay nahihiya pa rin ako sa ginawa kong pagwawala sa party nya buti nga'y mukhang hindi 'to nakaabot sa Consunji High.

Dear ZeusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon