Letter 25

118 9 1
                                    

Miyerkules

Hindi magkamayaw ang mga kapwa ko studyante parang may concert ng isang foreign band ang dumalo sa Consunji High kung magkagulo sila. Dumating kasi ang players ng MA Academy. Lalo silang nagkagulo nang isa isang nagsilabasan ang mga basketball players mula sa dalawang itim na van.

"I love you Zeus" nakaagaw ng lahat nang pansin ang studyante mula sa Ma academy nandito din sila. Taon taon ay nagpupunta ang lahat ng estudyante ng Ma academy sa Consunji High para saksihan ang competition na ito.

Kasalukuyang binabati ni Zeus ang mga coach at teacher mula sa Ma academy. Muli ay naalala ko ang nangyari kahapon bigla na lang itong nawala pagkagising ko. Hindi ko alam kung makakatambay pa ako sa secret place ko baka kasi kung ano na namang school punishment ang ipataw ni Zeus sa akin pagnakita nya akong muli doon. Bakit kasi bawal ang ordinary student sa building nila?


Ang damot.

"Excited na ko." Napabaling ang atensyon ko sa katabi kong si Krishna. Wagas kasi ito kung makayugyog sa braso ko. Kilig na kilig ang loka. Tinutukoy nito ang gaganaping basketball mamayang hapon.

"Ano ka ba Alien ka ba? Ikaw lang di excited sa paglalaro ng Special 7. Wala ka bang crush sa kanila?" Curious na tanong nito.

Kaagad akong napailing. Noon meron pero ayoko ng balikan pa 'yon.

"Si Helios di mo ba sya gusto? Sa lahat ng Special 7 s'ya ang pinakamatalino. He have 200 IQ. He is a genius. " Pagbibida nito kay Helios sa ngayon ito ang pinaka favorite ng lahat ng students hindi daw kasi sila makapaniwala na bumalik na ito. Grade 8 daw kasi ng bigla itong lumipat ng school which is very strange kasi tinayo ang special 7 para sa kanilang pitong apo pero umalis naman ito at piniling mag-aral sa isang private school sa probinsya.

"Hades!" Muli ay napabaling ang atensyon ng lahat nang dumating ang isang sport car at isa pang van. Nagsigawan ang mga estudyante mula sa Ma academy at Consunj High.

Bago pa man ito bumaba ay nagsilabasan na sa kasunod nitong van. Ang mga bodyguards nito. Sikat na Hollywood actor kasi ito kaya malamang may bodyguards.

Tuloy tuloy lang itong pumasok papunta sa Special S building. Hindi man lang kumaway sa mga fans nya. Napasimagot ako parang napasok lang kasi ito pagmay-event o kaya pagmag-pro-promote ng movie nya. Unfair para sa mga studyante na nag-aaral talaga ng maigi para makapagtapos. So, Ga-graduate sya na parang walang natutunan?

Sunod sunod pang dumating ang ibang miyembro ng Special Seven na sina Eros,Helios, Eos,Ares at Hermes. Lalong nagkagulo ang mga estudyante.

Kagaya ni Hades ay tuloy tuloy lang na pumasok sina Eros, Helios, Eos at Ares samantalang si Hermes ay feel na feel ang pagpasok. S'ya lang ang ngumingiti sa lahat at kumakaway  na parang politiko pagmalapit na ang eleksyon.

Napangiwi ako feeling celebrity sira. Hindi ko namalayang nasa harapan ko na ito. Ngumiti sa akin. Amoy na amoy ang pabango nitong baby cologne. Ang laki laki na pero baby cologne pa rin ang gamit.

"Uy Hello," Bati nito. Otomatikong na napasimangot ako dito. Ramdam ko rin na lahat ng atensyon ay nasa aming dalawa.

Ngumisi ito sa akin akala ko ay aalis na ito pero nagulat ako nang bigla na lang tong ngumisi.

"NAP-KIN GIRL" He mouthed.

BU-SETH!

Naikoyum ko ang kamao ko. Tumingin ako sa paligid. Sana walang nakabasa sa sinabi nito.

Muli akong napatingin sa harap. Nasa harapan ko na si Zeus nakatagilid. Wala akong mabasa sa mukha nito. Naka-poker face lang 'to saglit lang na nagtama ang paningin namin nang saglit itong lumingon.

Dear ZeusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon