Letter 41

111 10 4
                                    

Nakatayo ako sa labas ako ng Girls restroom at matiyagang naghihintay kay Krishna. Kakatapos lang namin na magtanghalian nang magpaalam itong iihi kaya naman dumaan muna kami sa restroom ng gymnasium.

Hindi naman ako naiihi kaya naghintay na lang ako sa labas ng restroom, na sana'y hindi ko na lang pala ginawa dahil namatan ko ang kalalabas lang na si Zeus kaya naman halos magtago ako sa likod ng basurahan para lang hindi nya makita.

"Hera!" tawag nito hindi ko alam kung lilingon ba ko o kakaripas ng takbo.

'Zeus ko po!'

Pinili ko ang pangalawa, hindi ko 'to nilingon at dali dali akong tumakbo. Narinig ko muli ang tawag nya kaya mas binilisan ko pa ang pagtakbo.

Lumiko ako at nang may makitang mga halamanan sa gilid ay dali daling nagtago ako dito. Sa haba ng biyas ni Zeus at sa bilis nitong tumakbo noon sa paglalaro ng basketball court ay tiyak na mahahabol ako nito.

Kagabi ko pa 'to iniiwasan, hindi ko alam kung paano 'to haharapin matapos ang nangyari sa study table.

Kinikilabutan pa din ako sa sarili ko pag-naalala yun at ayoko ding harapin si Zeus dahil natatakot ako sa sasabihin nya.

Baka mag-sorry sya tapos sa sabihin nya

'Nadala lang s'ya ng mga oras na yun'

Maya maya pa ay nakita ko ang sapatos ni Zeus. Tumingala ako at nakita s'yang nakahinto at nag-iisip kung sa kanan o kaliwang daan ako nagpunta pero kalaunan ay humakbang ito pabalik

"Zeus ko po!" usal ko Nakahinga ako ng maluwag dahil doon. Bumilang ako ng thirty bago lumabas.

Nang matapos sa pagbibilang ay saka ako tumayo.

"Done hiding."

"Zeus-maryosep!" halos mapatalon ako nang makitang nasa likod ng halamanang pinagtataguan ko si Zeus.

"Anong nagtatago may hinahanap ako," palusot ko at nagkunwaring may hinahanap sa damuhan.

"Over there." May itinuro ito sa lupa kaya naman na usisa ako kung anong tinuturo nya kaya naman napatungo ako at naghanap.

"Saan?" tanong ko ng wala naman akong nakitang kung ano sa tinuturo nya.

Saktong pag-angat ko ay sumalubong ang mga labi nya sa akin.

Muli ay parang tumigil ang lahat sa akin. Unti -unti ay pinikit ko ang aking mata at dinama ang halik nya.

Nang maramdamang wala na ang labi nya ay unti unti kong binuksan ang mata ko.

'Yun na yun? Ang bilis naman.'

Wala sa sariling napailing na lang ako sa naisip ko.

"You can find something that is not missing," ngising sabi nito.

"Bao bao," parang batang wika nya pa at marahan nyang ginulo ang buhok ko.

"I kissed you last night because you're my bao bao."

Muli itong dumukhang kaya automatic na napapikit ako at halos kapusin ng hininga.

Hahalikan nya ba ko ulit?

"Wǒ zhēnde hěn ài nǐ," bulong nito kaya napamulat ako. Umalis ito sa pagkakadukhang at umayos ng tindig. Ngumiti pa ito habang inaayos ang ilang hibla ng buhok ko at may paghaplos pa sa pisngi ko bago ako tinalikuran.

'Zeus ko po! Ano yung sinabi nya?'

Nakahinga lang ako ng maluwag nang makalayo na ito.

Malakas na tunog ng cellphone ko ang nagpagising sa'kin.

Dear ZeusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon