Letter 40

125 7 2
                                    

Naging abala ang lahat sa pagdating ni Zeus biglaan lang kasi ang pag-anunsyon nito na babalik ito at dahil nga may skin allergies ay todo linis ang mga kapwa ko kasambahay. Kanina nga ay bumahing ito kaya biglang nag-panic ang lahat buti na lang  umakyat na ito sa kwarto. 

Tumulong na din ako paglilinis. Abala ako sa paglilinis ng bintana nang biglang dumating si Madaam Rhea abala kasi ito kanina sa kusina para sa paghahanda ng makakain ni Zeus.

"Sweetie, what are you doing? Bumababa ka dyan. That's not your job."

"Okay lang po tatapusin ko lang po 'to wala naman po akong ibang gagawin," paliwanag ko dito at pinagpatuloy ang paglilinis. Narinig ko pa ang pagbugtong hininga nito. 

"If that's what you want but make sure you change your clothes before dinner," bilin nito bago umalis at muling nagtungo sa kusina. Sobrang busy nito parang may pa-party 'ata sa pagbalik ng bahay ni Zeus.

"Bakit kaya bumalik si Señrito? Wala man lang pasabi yan tuloy halos di tayo magkaugaga sa paglilinis."

"Kaya nga, Bakit pa yan bumalik e, di maya't maya na naman tayo maglilinis, napaka-sensitive naman kasi." Narinig kong bulungan nila Kara at Carla mga kasambahay din dito sa Mansion habang abala sila sa pagma-map ng sahig. Tumingala sa akin si Kara kaya naman nagkunwari akong abala sa pagpupunas ng bintana at hindi sila naririnig.

"Pero aminin mo Kara bawing bawi naman yung pagod mo pagnakikita mo yung abs ni Señrito." naghagikgikan ang dalawa na akala mo'y bulating binudbudan ng asin. Napailing na lang ako sa takbo ng usapan nila.

Hindi na ako magtataka sa asta ng dalawang 'to ang alam ko ay halos magkakasing edad lang kami.

Ang gwapo at ang sexy naman kasi ni Zeus.

"Sayang nga lang at model type din ang gusto," narinig ko pang huli nilang sabi bago tuluyang lumipat ng pwesto.

Hindi ko alam kung bakit ako nainis? napagdiskitihan ko tuloy yung bintana. Kinuskos ko 'to ng maigi.

"Hindi naman gwapo si Zeus at di sya sexy," pabulong kong maktol habang nilinis ang bintana.

"Why you're talking to a window." Pagbaba ko ng tinggin ay nakatingala sa harapan ko si Zeus napasigaw tuloy ako sa gulat.

'Zeus ko po! Bakit kasi s'ya biglang sumusulpot? narinig nya ba yung sinabi ko?' Sa taranta ko sa pagbaba ay nawalan ako ng balance.

Pikit matang napasigaw na lang ako sa bilis ng pangyayari. Tanggap ko na kung hindi mababagok ang ulo ko e, pila yang abot ko.

Karma siguro?

Unti unti akong nagmulat ng mata nang maramdamang sa iba ako nahulog.

"Careful," halos pabulong na wika ni Zeus. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko at parang hinahalukay ng kung ano ang tyan nang mapansin na halos gahibla na lang ang layo ng mukha namin sa isa't isa.

'Ibalik mo-'

'Nabawi ko na'

Naitulak ko si Zeus nang bigla'y may mga parang movie  player na nag-play sa utak ko.

"Okay ka lang Hera?" napatingin ako kay Kara at Carla na ngayon ay nasa harapan ko na siguro narinig nito ang sigaw ko kanina.

"Aaaaaa...ccchoooooo." Kaagad napaatras sa paglapit sa akin si Kara at Carla dahil sa pagbahing ni Zeus may dala dala kasi ang dalawa na map at basahan.

"Sorry po," paghingi ng mga ito bago tuluyang umalis.

"Are you okay?" tanong nito. Wala sa sariling napatango na lang ako dito at tinalikuran ito.

Dear ZeusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon