25

8 1 0
                                    

"Anak," Rinig kong tawag niya saakin. Mahina akong bumuga ng hangin upang pigilin ang luhang nagbabadya nang magsilabasan.

"Patawad."

Tuluyan nang rumagasa ang mga luha ko nang marinig ang nanginginig na boses ng aking nanay at ang kanyang pag-iyak. Lumapit siya saakin at lumuhod sa harap ko.

"I'm so sorry, Althea. For everything, for the pain that I've caused you. For making you feel that you're not good enough, for doubting yourself. For destroying you, Althea. Patawad, anak." Sambit niya at napahawak na sa dalawa kong hita dahil sa kanyang pag-iyak.

Nawala ang boses ko para magsalita. Patuloy lang rin ang pagbagsak ng aking mga luha sabay sa patuloy na pagsikip ng dibdib ko. Pilit kong pinapahid ang mga luha ko pero patuloy na mayroong pumapalit.

Nang mayroon na akong sapat na lakas ay pinatayo ko ang aking nanay mula sa pagkakaluhod at niyakap siya.

"Sorry din po, Ma." Sambit ko at niyakap siya ng mahigpit. Naramdaman ko ang pagbalot saakin ng nanay ko sa isang mahigpit at mainit na yakap. Mas lalong bumuhos ang aking luha.

Sobrang naninikip ang aking dibdib, ngunit hindi ito tulad ng dati na nakakasakal. Hindi ito iyong sakit na nakakabaliw, nakakamatay. Naninikip ang dibdib ko sa ibat-ibang emosyon na nararamdaman ko ngayon. Sumisikip ag aking dibdib dahil sa nag-uunahang sakit na gusto nang makawala, sa wakas. Nagsawa na rin sila.

Hindi ko naisip na hahantong rin kami sa ganitong punto. Inasahan ko na noon na hanggang sa huli kong sandali ay mananaig ang katahimikan sa pagitan naming dalawa ng aking nanay. Kaunting panahon na lang rin naman ang natitira kong palugit sa sarili. Noon.

Ngunit iba na ngayon. Nakahanap na ako ng rason, upang mabuhay. Nakahanap na ako ng rason upang ngumiting muli, upang maranasan ang iba pang bagay na maaaring gawin dito sa mundo. Nakahanap na ako ng valid reason para magpatuloy sa laban.

"I think you deserve to know why I changed my mind, on why I wanted to keep going." Sambit ko sa nanay ko nang magbitaw kami pareho ng yakap.

"Only if you want to anak, I'm not going to force you." Ang sagot niy saakin at nginitian ako. Umiling ako at ikinuwento na sakanya ang lahat.

"It's because of Celestine, at first. Ma, she's just like me. I have caught her many times, mayroong laslas sa magkabilang palapulsuhan." Pigil hininga kong pag-amin sakanya. Napahinto siya sa pagsuklay saaking buhok at natulala.

I tried so hard not to drop this information as hurtful as possible, or that's what I thought.

"We've been such bad parents to both of you." Bulong ng nanay ko habang tulala pa rin.

Hindi ko alam ang tamang sasabihin. Bukod sa hayaan siyang i-proseso ang mga sinabi ko at pagnilaynilayan iyon, wala na akong nais gawin o sabihin.

Or so I thought.

"It's not too late para bumawi, Ma. Especially for Celestine." Ang sabi ko at hinawakan ang kanyang kamay tapos ay ngumiti. Napatingin na rin siya saakin, at sumilay na rin ang ngiti sa kanyang labi.

"Thank you, anak. For finding a reason to live, for finding a reason to live in and for your sister. I might have been a bad parent, but you turned out different. I'm so proud of you." Nangingilid muli ang kanyang luha sa mga mata habang sinasambit ang mga salitang panghabang-buhay kong dadalhin.

"I love you, Ma." I finally said. It wasn't as hard as I expected as it to be. Something in me felt alive after saying those words.

"I love you too, anak." She said. She tucked me in to bed and waited until I get comfortable.

Hang In There, Althea!Where stories live. Discover now