11

25 2 0
                                    

Successful na naisalin ang dugong kinuha ng nurse saakin sa katawan ni lola ngunit critical pa rin siya. The main reason is that she's old.

Sampung araw na ang lumipas ngunit hindi pa rin nagigising si lola. Sampung araw na rin akong nandidito lamang sa tabi niya, hinihintay siyang magising. Hindi ako nagtungo ng bakanteng lote, hindi rin ako pumapasok.

Kean never failed to stop by, though. I appreciate it, for looking after me and not telling my friends what happened. I don't know, ayoko lang na malaman na naman ng lahat ang nangyayari sa buhay ko. Hindi ako pala-gamit ng cellphone kaya hindi ko alam kung puno ba ito ng mga messages mula sa kanila, o wala lang sa kanila na hindi na naman ako pumapasok.

Bumukas ang pinto ng kwarto ni Lola at iniluwa noon si Kean na nakangiti saakin.

"Kumain ka na ba?" Tanong niya saakin nang ilapag niya ang kanyang bag sa upuan. Umiling naman ako at hinawakan ang kamay ni Lola.

"Hindi ako nagugutom, Kean. Ikaw ba kumain ka na?" Bumuntong hininga naman siya dahil doon at tumabi saakin.

"Althea, if you really want to be strong for your lola, you need to eat. Huwag ka namang pasaway." Tila naiistress niyang sambit saakin. Natawa naman ako at nilingon siya.

Hinabol ko ang mga mata niya atsaka ngumiti. Ngumiti rin siya pabalik. I never really thought that I'll find a good friend in him.

But I was wondering kung kumusta na kaya si 'sir'. Nagpupunta pa kaya siya sa lote niya right before sundown? O inumpisahan na niya ang construction ng bahay niya dahil ilang araw na ako hindi nagtutungo doon at tingin niya'y hindi na ako babalik? Ewan ko. Aasa ba ako sa positibo at gustong sagot ng aking utak? O ang katotohanan?

"A-Althea si lola!"

Sa kakaisip sa sarili, hindi ko namalayan. Bigla na lamang bumagal ang lahat. Tila isang pelikula. Naguguluhan sa mga nangyayari. Andaming nagtatakbuhan, tila mga nakakita ng patay at aligaga. Napalingon ako sa gilid. Sa wakas, nakarinig na ako. Bumungad saakin ang tila monotonong tunog. Isang mahabang beep. Imbis na tumayo at kumilos, mas lalo akong nabato sa kinauupuan. Walang magawa. Wala nang magagawa. Kundi umiyak.

Mayroong humigit saakin at nakabalik ako sa dating lokomosyon ng katawan. Ngunit hindi pa rin maisip ang nangyari. Nabitawan ko na rin ang kamay ni Lola.

"Althea." Tawag saakin ni Kean. Tumingin lang ako sakanya. Naguguluhan. Nanghihingi ng kasagutan.

Bigla niya akong niyakap at hinagod ang aking likod. Doon, tumulo ang aking mga luha. Walang tigil, nag-uunahan pa.

"Lola."

"I'm sorry, Althea." Rinig kong bulong ni Kean saakin at mas lalong hinigpitan ang pagyakap saakin.

"G-gisingin natin si lola." Nanghihina kong sambit sakanya. Kumapit upang manghingi ng suporta upang manatiling nakatayo. Hindi ko sila malingon. Hindi ko kayang makita na sumuko si Lola.

"Ayaw na niyang magpagising pa, Althea. Respetuhin natin ang desisyon niya." Mahinahong sagot saakin ni Kean habang hinihimas parin ang aking likuran. Rinig ko ang mga hikbi. Ramdam ko ang lamig sa silid. Nanginginig ang aking mga labi.

"Pero magku-kwentuhan pa kami, Kean." Angal ko sa sinabi niya. Unti-unti narinig ko na rin ang aking sariling hikbi. Nanlambot ng tuluyan ang tuhod.

"Time of death 5:45 P.M. I'm very sorry, ma'am, sir."

-

"Oh Althea, handa ka na ba? Halika na at gagayak na tayo." Sambit ng aking nanay pagpasok niya ng aking kwarto. Hindi ako lumingon ngunit nagsalita.

Hang In There, Althea!Where stories live. Discover now