1

29 3 0
                                    

"Ano bang mali ang nagawa natin?" Narinig kong tanong ng aking nanay sa tatay ko.

Kakauwi lang namin galing ospital. Mahigit dalawang linggo na ang lumipas matapos kong gawin ang hindi raw nararapat.

Naupo ako sa vanity table ko at dinampot ang suklay.

"Hindi ko alam kung anong gagawin kay Althea, Hon. Paano natin itatanong kung anong mali?"

Ngumiti ako sa sarili nang marinig ang sambit ng aking nanay. Patuloy kong sinusuklayan ang sariling buhok, hindi nawawala ang ngiti saaking labi.

Nang napikon ako ay ibinato ko iyon sa salamin. Nabasag ito at natalsikan ako ng bubog nito. Agad na lumabas ang dugo sa bahagi kung saan ako natalsikan.

Sinulyapan kong muli ang sarili sa salamin at nakangiti pa rin ako.

Biglang mayroong pumasok saaking kwarto at napalingon ako kung sino iyon.

Ah, ang mga magulang ko.

"Anong nangyari?" Tanong ng nanay ko.

Agad naman silang lumapit at nakita ang basag ko nang salamin.

"You're bleeding!" Sigaw ng nanay ko at hinablot niya ako patungong banyo upang hugasan ang dugong dumadaloy sa aking pisngi.

Nang idadampi na ng nanay ko ang kanyang palad saaking mukha ay umiwas ako.

Ngumiti ako sakanya. Isang pilit na ngiti.

"Althea," Sambit niya. Kita ko sa kanyang mga mata ang mga katanungan na gustong gusto niyang malaman ang sagot.

"Why?"

Pinatay ko ang faucet na naiwan niyang bukas at umalis ng banyo.

Hindi pa ako nakakalayo ng banyo ay narinig ko na ang hagulgol ng aking nanay. Tinignan ko lamang ang gawi ng kinaroroonan niya at nagtungo ako ng garden namin.

Umupo ako sa isa sa mga upuan roon at ipinatong ang mga braso sa lamesa atsaka idinantay ang ulo. Nakatingin lang ako sa mga halaman habang inaalala ang araw na iyon.

Bakit?

Bakit naririto pa rin ako?

"Ate," Narinig kong tawag saakin ng aking kapatid. Hindi ko siya binigyang pansin.

Humarang siya sa linya ng aking paningin.

Inabot niya saakin ang isang panyo.

Nabatid kong ang panyong ibinigay niya ay 'yong bigay ko sakanya na madalas niyang gamitin.

Ngunit hindi ko iyon tinanggap kung kaya't siya na ang lumapit saakin para punasan ang dugong patuloy pa rin na tumutulo.

"Go away." Sambit ko at itinabig ang kamay niya. Narinig ko ang pagbuntong hininga niya.

Ngumiti siya saakin at umupo sa tabi ko.

Nanatili kaming ganoon. Lumipas ang mga oras at nanatiling tahimik ang bahay.

Walang nag-ayang kumain.

Walang nagtatawanan.

Walang ingay na nanggagaling sa T.V.

Nang dumating ang hapon ay mayroong nag doorbell. Tumayo ang kapatid ko upang tignan kung sino iyon.

Nakarinig ako ng mga yapak at ingay. Lumingon ako upang makita kung sino ang mga iyon.

Tumakbo ang mga kaibigan ko palapit saakin at niyakap ako ng mahigpit.

"Althea!" Sigaw nila.

Ngumiti ako sakanila, tulad ng ngiting ibinigay ko saaking nanay.

Nakarinig ako ng mga hikbi at hiyaw at halo-halong mga paghingi ng tawad dahil hindi nila napansin.

Gusto kong tumawa. Paano nila mapapansin kung mismong mga taong kasama ko sa bahay hindi rin napansin?

"Okay lang." Sagot ko sakanila at kumawala mula sa mga yakap.

"Hindi okay 'yon, kaibigan mo kami Althea. Responsibilidad ng isang kaibigan tignan ang isa't isa. Kaya patawad Althea." Umiiyak nilang sambit.

"Thank you." Sagot ko at ngumiti sakanila. Nakita ko sa gilid ng aking mga mata na nakasilip ang mga magulang ko sa scenario na nangyayari.

"Oh my god, what happened to your face?" Napahawak ako saaking pisngi at lihim na napa-aray.

Agad na inilayo ni Albie ang kamay ko saaking pisngi at humingi sa kapatid ko ng first aid kit.

"I'm sorry." Aniya. Umiling naman ako sakanya at muli ngumiti.

"Don't smile like that, it's not genuine." I silently giggled with what he said and looked at him as he cleanse my wound in my cheeks.

"Gusto niyo ba ng makakain?" Rinig kong tanong ng nanay ko sa aking mga kaibigan.

"Okay lang po kami tita." Sambit naman nila.

A guest shouldn't be asked if they want to have some snacks, you know. Ask them what would they like between atleast two different things.

Nakita kong lumingon saakin ang nanay ko at tinignan ko rin siya. Mabilis na nangilid ang mga luha sakanyang mga mata.

"There you go."

Napalingon naman ako kay Albie nang magsalita siya. Nginitian ko siya at nagpasalamat.

"Anything for you, Althea." Nakangiti niyang sambit at niyakap ako.

"Don't cry." Bulong ko sakanya at siya na mismo ang kumalas sa yakap.

"I won't." Tumango naman ako dahil doon.

"It's getting a little dark now, you guys should head home." Sambit ko.

Nakatingin lamang sila saamin ni Albie kanina. They knew we are the closest among others, I'm pretty sure they're not judgemental.

"Oh okay, you're probably still tired. Kakauwi mo lang galing hospital 'diba?" Tumango naman ako doon at ngumiting muli.

"Thank you for coming all the way here. Sorry for the trouble." I politely said despite the thought that we are all friends.

"Ano ka ba! Call us if you want something ha! We love you!" Sambit nila bago tuluyang lumabas ng gate. Tumango naman ako at kumaway sakanila bilang paalam.

"Hang in there, Althea!"

Hang In There, Althea!حيث تعيش القصص. اكتشف الآن