14

15 2 0
                                    

Nagmadali akong umuwi kanina. Pinaghintay sa wala si Kean, maging si Albie.

Tinakasan ko silang lahat.

Ulit.

"Lola," Sambit ko habang nakatitig sa picture ni Lola sa kwarto. Bumuntong hininga ako at ibinagsak ang sarili sa higaan.

"You're so unfair. Ang sabi ko sa'yo 'diba mauuna akong umalis. Ayokong makita kang umalis. Pero bakit?" Bulong ko sa hangin. Nagbabakasakali na marinig ni Lola ang hinaing.

"Will you be able to wait for me, Lola? I'll be there soon too."

I wish.

"I'll just fix my sister first, make sure she won't be like me. Then I'll come to you." Pumikit ako at naramdaman ang mainit na pagdaloy ng aking mga luha saaking pisngi.

Tumunog ang aking cellphone ngunit hindi ko iyon pinansin. Ngunit patuloy ang ingay nito kung kaya't sa huli ay nilabas ko na ito mula sa bulsa ng unipormeng palda.

Hindi ko na binasa kung sino ang tumatawag, basta ko na lamang itong sinagot.

"Hello?" Walang kabuhay-buhay kong bati sa tumawag.

"Bakit ka umalis kaagad kanina? I thought that we have something to talk about?" Sagot saakin ni Albie.

"I wasn't feeling well, sorry." Narinig ko ang kanyang pagbuntong hininga.

"I'm outside your house, will you please let me in." Awtomatikong bumangon ang katawan ko at nagmadaling bumaba upang pagbuksan siya. Bumungad saakin si Albie na nasa tabi ng kanyang motor, hawak sa kamay ang kanyang helmet.

Pumasok kami at kinuha ko ang helmet niya at ipinatong sa mesa ng receiving area namin.

Dumiretso kami sa garden. Dito kami madalas na nagkwekwentuhan noon.

"Would you like something to drink?" Tanong ko sakanya ngunit umiling naman siya. Seryoso siyang nakatingin saakin kung kaya't napabuntong hininga ako.

I laid my back on the chair's back and gave him a wry smile.

"So," He began. But I interrupted him.

"Would you cry if I die?" Nalaglag ang kanyang panga sa tanong ko.

Was it too sudden? Yes. I know. But I guess this will be the easiest way to explain what I am going through right now.

I hope.

"Of course I would! Anong klaseng tanong 'yan Althea?" Napatango naman ako sa sagot niya. I already know that he'll say that. He's my best friend, bakit hindi siya iiyak.

"Don't. Don't shed tears for me, Albie."

Huminga siya ng malalim nang sambitin ko ang linyang iyon. He's probably pissed at me right now.  Who wouldn't, though?

"And why?"

"Because I'll be happy if I successfully die. So smile for me and don't cry." Hinilot niya ang kanyang sentido atsaka tumingin saakin.

"Aren't you being a little selfish?" Tanong niya saakin. Napangiti ako sa sinabi niya. He's finally getting the point. We're near the eureka moment.

"Yes, but I don't care. And that's the point, Albie," I paused for a moment to held his hand. To look intently in his eyes.

"I don't care anymore because I'm too numb to even feel anything. Look, I'm not worth crying for, that's why I'm asking you not to cry. Don't waste such precious tears. Get me?" Mahaba kong lintanya. Nang matapos ako ay binigyan ko ulit si Albie ng isang ngiti.

Hang In There, Althea!Kde žijí příběhy. Začni objevovat