13

14 2 0
                                    


"I still want to die."

Nakita ko ang mariin na pagpikit ni Albie, narinig ang malalim na pagbuntong hininga.

"Why, Althea?" Mahina niyang sambit.

Wala akong nahanap na sagot.

Tila ba walang tamang rason.

Sumakit bigla ang lalamunan ko.

"I don't know either, I feel so empty." Nanginginig ngunit natatawa kong bulong sakanya at nagpatuloy na sa pagsusulat.

Tumigil ako saglit sa pagsusulat at kinuha ang water bottle sa loob ng bag at binigay kay Albie. Alam kong nagpupuyos siya sa inis. Marahil saakin, o sa sarili. Alinman doon kailangan niyang kumalma. I do know that he won't cause a commotion because he's a good student. He can't risk creating a fuss. I'm just concerned na baka sumabog siya dahil sa pagtitimpi.

"Don't leave me, Althea." Mahina niyang sambit. Napangiti naman ako doon habang nagsusulat. Hindi ko namalayan na ang naisulat ko palang salita ay hindi tugma sa lesson.

Death.

"Huwag mo naman akong iwan." Dugtong pa niya. Mahina akong bumuntong hininga at nagsalita rin nang hindi tumitingin sakanya.

"Why?"

"I don't want you to leave, you're my best friend." Para bang nanghihina niyang bulong saakin. I tapped his shoulder.

"Shouldn't you support or cheer for me because you're my best friend?" Tanong ko sakanya. He clicked his tongue, probably out of frustration.

"I'm not gonna tolerate things that isn't good for you, that's why I'm your best friend." Aniya. Napangisi naman ako at naalala ang sinabi niya saakin noong araw na 'yon.

"Why do people mourn, Albie?" Tanong ko sakanya.

"Because we won't be able to see our loved ones if they die." Tumango-tango ako sakanya.

"Right. That's because we are all selfish, don't you think?" Humarap ako sakanya pagkatapos sabihin iyon. Tapos ay ngumiti.

Bumuntong hininga siya at inilayo ang tingin saakin. I can feel his frustration right now.

"I feel so damn horrible. I'm your best friend and yet wala ako noong mga panahong kailangang kailangan mo ako. I'm so sorry, Althea." Nakita ko ang pagngilid ng kanyang mga luha.

Hindi ko iyon pinansin.

"Don't worry, no one was." Nakangiti kong sagot sakanya at natawa ng kaunti.

"It's not something to laugh about." Medyo tumaas ang tono ng boses niya kung kaya't napatingin ang ilan sa mga kaklase namin. Pati na si Jen, na mukhang nag-aalala. Napangisi ako. Tinamaan nga talaga.

Hindi pinansin ni Albie ang mga kaklase namin, bagkus mataman ang kanyang mga titig saakin.

"I laugh because it's the truth, and it fucking sucks. Right?" Matigas ang pagkakabigkas ko sa bawat salita. Natikman ko rin ang pait.

Hindi na siya sumagot pa at ibinalik na ang tingin sa board habang nakaigting ang kanyang panga. Napangiti na lang akong muli.

Natapos na ang unang dalawang klase namin at nag ring na rin ang bell. Hudyat na breaktime na namin. Nagsitayuan na ang lahat pati na rin si Albie.

"Let's go, Althea." Anyaya saakin ni Albie. Tumingin ako sakanya at umiling. Tumaas naman ang kilay niya.

"Go eat with your girlfriend, you fool. If I eat with you baka masira na ang friendship namin ni Jen." Sambit ko at sumenyas na umalis na siya.

Hang In There, Althea!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon