"That's cool with me." April said making her jaw drop. "I already like Dawn the moment I saw her."

"I...I don't know what to say." Sambit niya.

"You don't have to say anything but to say yes." Nakangising sambit ni April.

"Na kay Dawn na ang desisyon niyan. If they are serious and sure then I won't hold her back." Sambit niya na ikinangiti ni April.

"Ilan ang gusto mong apo?" Biglang tanong nito na ikinahalakhak nila.

"My gosh! I don't know when was the last time I laugh like this." Nakangiting sambit niya. "I can't believe that you're already asking me that. Hindi pa nga nakakapagtapos ang mga anak natin, apo na agad ang naisip mo." Natatawang sambit niya.

"Haha you're right. Hintayin na lang natin na biglain nila tayo sa balitang magkakaapo na tayo." Sambit ni April at muli na naman silang natawa.

Patuloy sila sa pagkwentuhan nang makarinig sila ng kantiyaw mula sa loob ng bahay.

"It seems that the kids are having fun." Komento ni Danielle.

"They are really handful when they were young and now..." Napabuntong hininga si Isabella.

"Nothing changed, they are still handful." Dagdag ni Amber.

"Oh!" Bulalas ni Claire habang nakatingin sa pintuan. Napadako ang tingin nila doon at mukhang pati na din ang mga asawa nila dahil biglang tumahimik ang mga ito.

Approaching them is Dawn and a handsome man, ang hula niya ay ito si Calix dahil magkahawak sila ng kamay. Hindi niya mapigilang pagmasdan ang binata, he is handsome for sure and it seems that matagal na itong kilala ni Dawn basing to their body language. And the way he looks at Dawn is something similar to the way Sebastian looks at her.

Pero kung may ikakagulat man siya ay ang biglang pagtawag ni Dawn ng 'Papa' kay Sebastian. She didn't expect that coming, hindi niya alam kung ginawa lang ito ni Dawn dahil may mga taong nakapaligid sa kanila o talagang bukal sa loob nito.

Her doubts were soon vanished nang makita niyang pinisil ni Calix ang kamay ni Dawn. Tulad niya ay pinagmamasdan din ng mga bago niyang kakilala ang dalawa.

Dawn and Calix are both taking good care of each other. Habang nag-iihaw si Calix ay sinusubuan ito ng pagkain ni Dawn and she cannot help not to notice the happiness on her daughter's face, it is so genuine and bright.

"Balae, mukhang kailangan na nating mag-ipon ng pangkasal ng dalawa." Biglang sambit ni April sa kanya. "Aba, hindi ako papayag na hindi engrande ang kasal ng panganay ko." Dagdag nito na ikinatawa nila.

"Ano ka ba naman, April, matagal-tagal pa 'yan, alam mo namang ngayon pa lang susulitin nina Sebastian at Alexandra na makasama ang mga anak nila." Sambit ni Claire.

"Ah, basta, I would love Dawn to be my daughter-in-law, she's changing Calix in a good way. This days napapansin kong mas naging tao ang anak ko." Sambit ni April na ikinatawa niya.

"Tao ang anak mo sa umpisa pa lang." Sumbat ni Isabella.

"What I mean is that he's slowly showing various emotions, unlike before na para siyang bato." April sigh.

"Then I guess, I can also say that Calix is also changing my daughter." Nakangiting sambit ni Alexandra. "I've never seen my daughter so happy before."

"Hindi pa ba 'yan luto, Lix?" Rinig niyang tanong ni Dawn habang hawak-hawak ang platong naglalaman ng buttered shrimp.

"Not yet." Sagot naman ni Calix. "Should we slice it into thin pieces?" suhestiyon nito na ikinatawa ni Dawn.

Yayımlanan bölümlerin sonuna geldiniz.

⏰ Son güncelleme: Nov 25, 2020 ⏰

Yeni bölümlerden haberdar olmak için bu hikayeyi Kütüphanenize ekleyin!

A LOVE FOR ETERNITYHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin