Chapter 21

396 26 0
                                    

AFTER exam week ay ipinatawag ni Dean Palanan ang magpinsang Dawn at Gina Santiago. Dalawa silang nakaupo kaharap ng dean.

"Please tell me kung anong problema sa inyong dalawa. Nakatanggap na ako ng warning mula sa itaas." Dean Palanan sternly said. "Miss Dawn, hindi pa mamatay-matay ang cheating issue mo, at meron na namang bago. Ano pa ang susunod?" Tanong nito sa kanya. "And as for you, Miss Gina, hanggang kalian mo ipapahiya ang pinsan mo? Dahil sayo kaya lalong lumalala ang sitwasyon ng pinsan mo!"

"Ma'am, wala akong ginagawang masama." Sambit ni Gina.

"Wala?" Dean Palanan raised her voice. "Kung wala kang ginagawa then bakit mo kinaladkad ang pinsan mo hanggang sa labas ng building natin para ipahiya sa mga tao? Why do you bully her? Ano ba ang nagawang kasalanan ng pinsan mo sayo, ha?" Sunod-sunod na tanong nito pero hindi umimik si Gina. "If you ask me, ikaw ang may problema, Gina."

"Kumakampi ka din sa higad na ito, Ma'am?" Biglang sigaw nito.

"Watch your words, Miss Gina!" Dean Palanan said in horror. "Baka nakakalimutan mong pinsan mo ang tinutukoy mo!"

"Pinsan? Yeah right!" Gina rolled her eyes.

"Ano ba kasi ang problema mo sa pinsan mo, Gina?" Dean Palanan asked, trying to calm her nerves.

"Inagaw niya lang naman ang lahat ng dapat ay sa akin!" Sambit nit Gina.

"Wala akong inaagaw sayo, Gina!" Dawn said.

"Wala?" Gina mocked. "Inagaw niyo ang lahat na sana ay amin!" Dagdag nito. "Kayo ng malandi mong ina!"

"Gina!" Dean Palanan warned. "That's below the belt already!"

"Ma'am, I'm sorry but I don't think this will be settle." Dawn said trying to calm herself.

"If you cannot settle your differences today, then I have no choice but to call your parents." Dean Palanan said.

"I'm sorry, ma'am, but my mother is working abroad." Dawn said. "Gina and her mother is living with us, so..." Tumango na lang ang dean nila, alam na nito ang ibig niyang sabihin.

"Is there any other way para magkaayos kayong dalawa?" Dean Palanan asked.

"Matatapos lang ito kung mawawala si Dawn sa landas ko!" Gina glared at her.

"Gina! That's it!" Dean Palanan raised her voice. "Ikaw talaga ang may problema ditto, call your mother tomorrow at mag-uusap kami. Kung hindi ka padin titigil sa mga pinaggagawa mo, I'm sorry but ipupunta na kita sa mas nakakataas and there's a big chance that you will be suspended or worse, maki-kick-out ka sa paaralang ito!" Dagdag nito dahilan para tumayo si Gina at dinuro-duro si Dawn.

"Ikaw ang may kasalanan nito, eh!" Naghe-hestirikal na sigaw nito. "Pasikat ka, paawa at nagsa-santa-santahan!" Sasampalin pa sana niya si Dawn pero pinigilan ito ng dean.

"Sumusobra ka na talaga, Gina!" Galit na sambit ng dean. "You will be suspended for a week, but I want to talk to you and your mother first thing in the morning!"

"Ano bang meron sa punyetang Dawn na 'yan at siya ang mas kinakampihan niyo?" Sigaw ni Gina.

"Because you're the one wrong here, Gina. Why can't you see that?" Dean Palanan said.

"Ha! What should I expect from you?" Gina mocked the dean. "Hindi ka pa dean noon, pero sobra-sobra kung ipagtanggol mo si Dawn kahit na nahulian siya ng kodigo. Iba talaga ang nagagawa pag favorite mo ang isang estyudante, kahit siya na ang nasa mali, ipinagtatanggol niyo pa din." Sambit ni Gina bago lumabas ng opisina.

"I'm sorry about that Dean." Paghingi ng paumanhin ni Dawn.

"Ano ba ang nangyayari sa pinsan mo?" Napabuntong hiningang tanong ni Dean Palanan.

A LOVE FOR ETERNITYKde žijí příběhy. Začni objevovat