Chapter 13

671 28 8
                                    

KANINA pa nagpapasalamat ang dalaga nang madala ni Sebastian ang mga ito sa ospital. Sobra-sobra daw ang utang na loob nila sa kanya. Dahil kung hindi niya tinulungan ang mga ito ay baka hindi pa sila nakarating sa ospital. Sinamahan niya ang mga ito hanggang lumabas ang resulta ng mga test na isinagawa sa kapatid nitong si Winter. May dengue nga ang batang babae. Mabuti na lang at naisipan ng dalaga na ipunta ang kapatid sa ospital.

"Thank you po talaga, Sir." Muling pasasalamat ng dalaga. "Pasensiya na din po pala sa abala." Nahihiyang sambit nito.

"It's okay, Miss. I'm happy that I helped. Tsaka wala naman akong ibang gagawin." Nakangiting sambit niya. "What's your name, by the way? Kanina pa kita kausap pero hindi ko man lang alam ang pangalan mo."

"Dawn Santiago po, Sir." Nakangiting sagot nito.

"It's a pleasure to meet you, Dawn. I'm Sebastian Andrada." Pakilala niya.

"Ah! I remember now!" Biglang bulalas nito. "Kaya pala you look familiar! Ikaw nga si Mr. Sebastian Andrada ang nagmamay-ari ng Andrada Furnitures. Kayo ang nagmamay-ari ng isa sa pinakamalaking kompanyang nag-iimport at nag-eexport ng mga furnitures sa bansa." Sambit nito, hindi niya alam pero parang pamilyar ang mukha ng dalaga sa kanya. "And to think na we live in the same village.."

"Ah, no. Hindi ako doon nakatira. I was just visiting my friends." Sambit niya. "Anyways, saan ang mga magulang niyo?" Hindi niya maiwasang itanong.

"Nasa abroad pa po si mama. Tatapusin niya lang ang kontrata niya doon tsaka na siya mananatili dito sa bansa for good." Sagot nito, ngunit halatang may bahid ng kalungkutan ang mukha nito. "Ang papa naman..." Saglit itong napahinto at malungkot na napangiti. "Hindi ko kilala ang papa. Ang kwento ni mama ay iniwan niya si papa, hindi naman sinabi ni mama ang dahilan."

"Hindi mo ba tinanong ang mama mo kung bakit o kung sino man ang ama niyo?" hindi niya napigilang itanong.

"Sinubukan ko naman pong itanong si mama pero ayaw niyang magsalita. Sa totoo lang po ay gusto kong hanapin ang papa pero ayaw kung masaktan. Baka kasi may iba na siyang pamilya ngayon at baka ýun ang dahilan kung bakit siay iniwan ni mama at ayaw niyang ipaalam sa amin dahil ayaw niyang masaktan kami ni Winter." Malungkot na sagot ng dalaga. Magsasalita pa sana siya nang pumasok sa silid si Yaya Esme, napag-alaman niya kanina na ito ang yaya ni Winter.

"Naku, hija, kausap ko si Manang Cilia kanina lang, grabe talaga ang Tita at pinsan mo. Mabuti at naunahan ni Manang ang mga ito at itinago ang mga alahas ng mama mo. Ayon, nagwawala ang Tita mo dahil hindi niya mahagilap ang mga alahas." Imporma ng bagong dating, mukhang hindi siya napansin nito.

"Sumusobra na talaga sila. Hayaan niyo at matatapos na din ang masasayang araw nila sa bahay. Hindi na ako papayag na pati ang maliit na shop ni mama ay papakialaman nila." Seryosong sambit ni Dawn. Tumikhim siya at tiningnan ang dalaga.

"May problema ba sa bahay niyo?" Hindi niya mapigilang itanong. Nagtinginan ang dalawa. Nagbabanta ang mga mata ni Dawn kay Yaya Esme na huwag magsalita. Ngunit mukhang hindi ito pinakinggang ng huli.

"Ah, kasi po Sir..." Hindi nito natuloy ang sasabihin ng biglang magring ang cellphone ng dalaga.

"Si mama.." Sambit ni Dawn, medyo lumayo ito sa kanila bago sinagot ang tawag, ngunit rinig niya pa din ang boses ng dalaga. "Hello po mama... Hindi po... Iyon po ba ang sinabi nila sayo? Nagpapatawa ba sila? Ma, makinig ka sa akin, hindi lang ako nagsasalita o nagsusumbong noon dahil alam kong kailangan nila ang tulong mo, lalo na si Gina dahil nag-aaral pa lang ito... No, ma, listen to me, please. Sila ang may ayaw na dalhin si Winter dito sa ospital..." Lalong kumunot ang noo ni Dawn at napabuntong hininga. Alam niyang mali na makinig sa one-sided na usapan pero hindi niya maatim na umalis na lang. Parang may powersang naghihila sa kanya para makasama pa ang dalaga at ang kapatid nito. Nilapitan niya si Yaya Esme.

A LOVE FOR ETERNITYWhere stories live. Discover now