Chapter 27

712 35 5
                                    

HINDI mapigilan ni Dawn ang kanyang mga luha, ilang taon na niyang gustong makilala ang kanyang ama at ngayon na nakilala na niya ito ay hindi niya alam ang mararamdaman. She should be happy now that her and Winter's long time wish finally came true, but why does she feel otherwise?

She continued to walk without knowing where to go, a continuous honk of a car made her stop. She looks at her back and was shocked that she's walking on the middle of the road.

"Oh! I'm sorry!" Dawn immediately said as she walks to the sidewalk. The owner of the car steps out and she was shocked to see that it was Calix.

"Are you okay?" He asked frowning.

"Ehm, yeah." She softly answered loud enough for him to hear.

"Then why are you crying?" Calix asked making her off guard.

"Ahh... Why am I crying?" Garagal ang boses na tanong niya habang pinupunasan ang mga luha. Calix sighed and opened the passenger seat.

"Get in." He said making her puzzled. "I just cannot leave you alone here looking like that." He added but she just stood there staring at him. "I will not do anything to you."

"Are you not busy?" She asked instead.

"I am on my way home, tapos naman na ang trabaho sa SSC." Sagot nito na ikinagulat niya. She wandered her eyes at hindi pa naman siya nakakalabas ng subdivision. Ibig sabihin ay sa mismong subdivision din nakatira ang binata "Sakay na."

"No, pauwi ka na. Ayaw kong makadisturbo." Sagot niya.

"At ayaw ko namang iwan kang mag-isa dahil baka kung hindi mo na naman tinitingnan ang dinaraanan mo at mapano ka pa." Sambit ng binata. "You've been literally walking in the middle of the road. Paano na lang kung napano ka?" Sumabt nito na ikinabuntong hininga niya. "Come with me, I will not do anything to you, I promise." Seryosong sambit nito. "May park malapit sa bahay, you can take your time to clear your thoughts there." Suhestiyon nito. At dahil hindi siya sumagot ay hinila siya ng binata at itinulak papasok sa sasakyan. Isinuot din nito ang seat belt sa kanya.

"Are you usually like this?" Hindi niya mapigilang itanong nang makasakay na ito.

"What?" Sagot ni Calix.

"Being pushy?" Tanong niya na ikinakunot ng noo ng binata.

"No. But I can't just leave you alone." Seryosong sagot nito at inumpisahang magdrive. Nakalipas ang ilang minuto lang ay nasa harap sila ng isang gate ng malaki at magarbong bahay. Bumusina nang ilang ulit ang binata bago nabuksan ang gate.

"Hey, I thought ipupunta mo ako sa park." Sambit niya sa binata nang makababa sila ng sasakyan.

"We will go. Magpapalit lang ako." Sagot nito. At hinawakan ang kamay niya na labis niyang ikinabigla. Hinila siya ng binata papasok sa malaking bahay. "Upo ka muna." Sambit nito at binitiwan ang kamay niya bago nagtungo sa kung saan panig ng bahay. Maya-maya lang ay bumalik ito na may hawak-hawak na isang baso ng juice. "Drink this first as you wait for me." Sambit nito at inilapag sa center table ang baso ng juice. "Magpapalit lang ako." Paalam nito at umakyat ng hagdan. Wala siyang nagawa kundi hintayin lang ito.

Inilibot niya ang kanyang mga mata sa malawak na salas at hindi mapigilang hindi mamangha, the decorations are simple pero halatang mamahalin. Napadako ang tingin niya sa malaking family portrait na nakasabit sa gitna ng salas. Sa litrato pa lang ay makikita nang masaya ang pamilya, Calix' parents are beaming with happiness.

"Oh, we have a visitor?" Agad na napatayo si Dawn nang marinig ang boses ng babae.

"Ah, good afternoon po." Magalang na bati niya sa bagong dating—ang ina ni Calix.

A LOVE FOR ETERNITYWhere stories live. Discover now