Chapter 3

981 36 1
                                    

"Sigurado kayong hindi tayo napansin?" Paninigurado ni Sebastian sa mga kaibigan. Tatlong araw na ang napalipas mula nang magkabanggaan sila ni Alexandra, at ngayon lang siya nakahanap ng tiyempo para ipaalam naman ang existence niya sa dalaga sa pamamagitan ng pag-iiwan ng bulaklak at tula sa lamesa nito.

"Oo nga!" May bahid ng pagkainis sa boses ni Philip. "Para kang sirang plaka." Dagdag nito na ikinatawa ng dalawa pang kaibigan.

"So, this is your plan, eh?" Pang-aasar ni Patrick.

"Oh, shut it up!" Inis na sambit niya. It was not on his plan na patagong magbibigay ng mga bagay-bagay kay Alexandra. Sa tuwing nagtatangka siyang harap-harapang ibigay sa dalaga ang bulaklak ay nawawalan siya ng lakas ng loob kung nasa malapitan na ito, and now, it's his last resort. He's aware enough sa mga manliligaw ng dalaga dahil sa loob ng tatlong araw na pagmamanman niya sa dalaga ay saksi siya sa mga lalaking binasted nito. But will he still wait na maunahan siya? Hindi lang paghanga ang nararamdaman niya sa dalaga, he want her and that's for sure.

"This is new, Seb." Nakangising pang-aasar ni Gino. "Isa kang dakilang torpe." Sinamaan niya lang ito ng tingin.

"Anyways, kailan mo balak magpakilala?" Tanong ni Patrick.

"Soon." Maikling sagot niya. Nagkibit balikat na lamang ang mga kaibigan. Palihim siyang napabuntong hininga dahil maging siya man ay hindi niya alam kung kailan niya lalapitan si Alexandra.

"Brad, may binusted na naman siya." Isang araw ay sambit ni Patrick. What's new? Araw-araw naman ay may mga lumalapit sa dalaga, some were just for a dare, 'yung iba? Hindi niya alam. "And bali-balita din sa buong campus ang secret admirer niya."

"At may nabalitaan kaming may balak magpanggap na siya ang nag-iiwan ng bulaklak at tula sa lamesa ni Alexandra." Imporma ni Philip na ikinakunot ng noo niya.

"You heard it right, pal." Seryosong sambit ni Gino. "May balak magpanggap na ikaw. I think its time para pormal ka ng magpakilala sa kanya. Its already been a month." Dagdag nito kaya napaisip siya.

"Baka magsisi ka lang sa huli kung hindi ka pa magpapakilala." Makahulugang sambit ni Patrick.

"Pero kung hindi ka naman seryoso sa kanya and you're just doing those things because you find her interesting.." Umiling si Philip. "Then it is best to stop this non-sense."

"She deserve someone who can love her wholeheartedly. She's not someone to be taken for granted." Dagdag naman ni Gino.

"You already knew what we are talking about here, man." Sambit naman ni Patrick. And yes, he knew it too well, but what he didn't expect is those words coming from his friends mouth. Mukhang ang mga kasintahan ng mga ito ang nagpabago sa kanila. They used to fool around until they met their woman.

KAGABI pa kinakabahan si Sebastian, nakapag-isip-isip siya mula nang kausapin siya ng mga kaibigan. He is serious with his motive to Alexandra at tama nga naman ang mga kaibigan niya, he needs to act now dahil baka pagsisihan niya lang ito sa huli.

"Hoy, namumutla ka diyan!" Nakangising sita ni Philip.

"Shut it up, man." Sambit niya at sinisilip mula sa bintana ang reaksyon ni Alexandra sa mga iniwan niyang bulaklak at tula, muli ay pinagkakaguluhan na naman ng mga kaklase ang dalaga. Naririnig niya ang mga usap-usapan ng mga ito, ang mga birit at tili ng binabaeng kaklase nito, ang mga hiyawan at kung anu-ano pa pero ang tumatak talaga sa pandinig niya ang ang sinabi ng kaibigan ng dalaga na may napupusuan na pala ito.

"Looks like I'm too late." Mahinang sambit niya sa mga kaibigan. Pero binatukan siya ni Philip.

"Tama na ang drama, magpakilala ka na lang." Sambit nito.

"Pero 'day, ang sabi ko nga noon, may iba nang laman ang puso ni Alexandra. Walang pag-asa ang admirer niyang ito." Narinig nilang sambit ni Ana. Nanghihinayang na tiningnan niya ang mga kaibigan ngunit hindi niya inasahan ang ginawa ng mga ito. Tinulak siya papasok sa classroom.

"Its now or never, Seb. Kung iisipin mong nahuli ka talaga, then so be it. But the Sebastian we know is not someone who easily gives up."Bulong ni Gino. Sasagot pa sana siya ngunit napadako sa kanila ang tingin ng mga tao. He let out a heavy breath and gather up his courage.

"Then does that mean, I don't stand a chance?" Tanong niya, trying to be confident to hide his nervousness.

"Oh my gosh!" Kinikilig na tili ni Ana at pinaghahampas si Alexandta. "Bes! Sagutin mo na ang manliligaw mo." Kinikilig na sambit nito.

"Oh, bakit biglang nag-iba ang ihip ng hangin bakla?" Pagtataray na tanong ng binabaeng kaklase.

"Naku! Walang problema kung si Kuya pogi naman pala ang admirer ni Alexandra!" Sagot ni Ana. "Kasi si Kuya pogi naman ang.... Aray!" Hindi na nito natapos ang sasabihin dahil bigla itong kinurot ni Alexandra.

"Manahimik ka nga, Ana. Nakakahiya!" Saway ng dalaga sa kaibigan at bumaling sa kanya. "Ehm, sorry sa kanila." Nahihiyang sambit nito na pulang-pula ang mukha.

"It's okay. Maganda ang vibes ng block niyo, very lively." Nakangiting sambit niya. He's still in awe in her beauty, maganda din ang boses nito, it sounds like an angel is talking to him.

"ahm, sayo galing ang mga 'to?" Nahihiya pa ding tanong nito at itinuro ang isang box ng imported na tsokolate at ang scented envelope na ang hula niya ay isang tula na naman.

"Yes. Did you like it?" Nakangiting tanong niya. "Sorry, it took me a month para maglakas loob na magpakita sayo. I'm Sebastian Andrada, an engineering student." Nahihiyang pakilala niya.

"Sa wakas graduate ka na sa pagiging torpe, Seb!" Tukso ng mga kaibigan niya na ikinailing na lang niya.

"Ehm, I'm Alexandra Abalos." Pakilala naman nito. "Nice to meet you." Namumulang sambit ng dalaga. Maya-maya ay biglang nagring ang bell, indicating that its time para sa first subject.

"I'll see you at lunch, Xandra." Nakangiting sambit niya. Bahagyang kumunot ang noo ng dalaga.

"Xandra?" Tanong nito.

"Yes, from now on Xandra ang itatawag ko sayo." Sagot niya na ikinasinghap ng dalaga. "Later, Xandra." Paalam niya at tuluyan na silang lumabas ng mga kaibigan.

"Ang lakas talaga ng tama mo kay Alexandra." Umiiling na pahayag ni Gino sa kanya habang naglalakad sila papuntang engineering department, may kalayuan ang dalawang department ngunit hindi nila alintana dahil maaga pa para sa klase nila. At lubos naman ang pasasalamat niya sa mga kaibigan dahil sinasamahan siya ng mga ito kahit na sobrang aga.

"Pero mukhang may pag-asa ka naman. Iba ang kinang ng mga mata niya nang makita ka." Komento ni Patrick. "Pulang-pula din ang mukha niya. I never saw her like that before."

"At isa pa, hindi ka niya binusted nang malaman niyang sayo galing ang mga 'yun." Dagdag naman ni Philip.

"Nah! Save by the bell lang." Sambit niya. "Kung hindi lang nagring ang bell, siguradong sasabihin niyang itigil ko na ang pagbibigay ng kung anu-ano." Dagdag niya. "By the way, sino pala 'yung sinasabi niyong magpapanggap na siya ang nagbibigay ng mga bulaklak kay Xandra?" Pag-iiba niya. Nagkatinginan ang tatlo at sabay na ngumisi.

"May sinabi ba kaming ganyan?" Balewalang tanong ni Philip, at tinapik ang braso niya.

"You guys!" Realization hit him. "You deceived me!" Bulalas niya na ikinatawa ng tatlo.

"Whatever you say, man. Whatever you say." Nakangising sambit ni Patrick. Hindi siya makapaniwalang nilinlang siya ng mga kaibigan. Bakit nga ba hindi niya agad napansin ang plano ng mga ito? maybe because he's really too focused on Xandra that he didn't care about anything else. But nevertheless, malaki din ang utang na loob niya sa mga ito. Kung hindi sa pangmamanipula ng mga ito sa kanya ay baka hindi siya makakahanap ng lakas ng loob para kausapin si Alexandra.

A LOVE FOR ETERNITYKde žijí příběhy. Začni objevovat