Chapter 12

542 25 10
                                    

SAGAD na sagad na si Dawn sa pag-uugali ng kanyang tiyahin at pinsan. Porke't wala ang kanyang ina ay ganoon na lang sila tratuhin ng mga ito.

"Ano ba Dawn! Kung sinabi kong lilipas din ang lagnat ng kapatid mo, lilipas din 'yun!" Singhal sa kanya ng Tita Emerald niya.

"Oo nga naman, Dawn. Lilipas din ang lagnat ng kapatid mo." Nakangising sambit ng pinsan niyang si Gina habang prenteng nakaupo sa sofa.

"Lilipas din?" Sarkastikong tanong niya. "You've been telling me that for the damn whole week. Pero ano? Pabalik-balik lang ang lagnat ni Winter. Hindi ba kayo naaawa sa kapatid ko?" Hindi niya mapigilang pagtaasan ng boses ang mga ito.

"And what do you want me to do?" Singhal ng Tita at tumayo mula sa pagkakaupo. Halata sa mukha nito ang irritasyon.

"Baka nakakalimutan niyong nasa pamamahay namin kayo, Tita. Pera ni mama ang ginagamit niyo sa araw-araw. Pati nga mga allowance namin ni Winter kayo ang gumagamit." Natigilan ang Tita Emerald niya, halatang nagulat sa sinabi niya. "Akala niyo ba hindi ko malalaman? Heck! Sa tuwing tumatawag si mama at tinatanong kung natanggap na namin ang allowance namin, lagi ko kayong pinagtatakpan. Iniisip ko pa din na kapatid kayo ni mama. Kaya huwag na huwag kayong umasta na sa inyo ang bahay na ito!"

"Ang kapal naman ng mukha mo!" Bigla siyang sinampal ng Tiyahin niya, napangisi naman ang pinsan niya. "Sino sa tingin niyo ang nag-aruga sayo habang nasa abroad ang ina mo? At sino ang nag-aruga sa kapatid mo nang maipanganak siya ng malandi mong ina na nagpabuntis sa ibang bansa?" Singhal nito sa kanya.

"Huwag na huwag mong matawag-tawag na malandi ang mama ko dahil alam naman nating hindi 'yun totoo!" Dinuro niya ang tiyahin. "At huwag na huwag mong isisingil sa amin ang pag-aalaga mo kuno sa amin dahil alam naman ng lahat ng tao dito sa bahay ang katotohanan! Noon hanggang ngayon ay pinagmamalupitan niyo kami ng kapatid ko!" Walang paalam na umakyat siya sa ikalawang palapag ng bahay at nagtungo sa silid nila ng kapatid niya.

"Naku, Dawn. Hindi bumaba-baba ang lagnat ng kapatid mo. Nag-aalala na ako sa kanya." Nag-aalalang sambit ng Yaya ng kapatid niya.

"Yaya Esme, paki-ayos po ang mga gamit ni Winter." Utos niya dito. "Dadalhin na natin sa ospital ang kapatid ko."

"Mabuti at napapayag mo din ang Tiyahin mo. Noong isang araw ko pa sinasabing dalhin sa ospital ang kapatid mo ngunit ayaw niya." Sambit nito.

"Hindi na natin kailangan ng pahintulot niya. Magmula ngayon ay huwag na huwag kayong tumanggap ng utos mula sa kanila ni Emerald." Seryosong sambit niya habang inaayusan ang sampong-taong gulang na kapatid. "Panahon para akuin ko ang nararapat na sa amin ni Winter. Kung noon ay kinakaya-kaya nila kami ngayon ay hindi na ako makakapayag." Napangiti si Yaya Esme at agad na inayos ang gamit ni Winter. Lumabas siya ng silid at hinanap ang mayordomang si Cilia. Nakita niya itong pinapagalitan na naman ng Tiyahin niya sa salas.

"Manang Cilia, tulungan mo kami ni Yaya Esme, dadalhin natin sa ospital si Winter." Utos niya dito.

"Hindi mo ba nakikitang inuutusan ko si Cilia?" Singhal sa kanya ng Tiyahin. Ngunit hindi niya ito pinansin.

"Halika na Manang Cilia, mas importateng mapunta natin sa ospital si Winter." Pinal na sambit niya. Halatang nag-aalinlangan ang mayordoma kung sino ang susundin.

"Ako ang anak ng may-ari ng bahay, Manang Cilia. Ako din ang anak ng nagpapasweldo sa inyo." Seryosong sambit niya. "Kaya hindi ba't sa akin kayo dapat makinig? Hindi guustuhin ni mama na may mangyaring masama kay Winter. Kaya kung gusto mong hindi matanggal sa trabaho ay sundin mo ako." Dagdag niya. Agad namang tumalima ang mayordoma. "At kayo naman Tita Emerald at Gina, binibigyan ko kayo ng limang araw para makahanap ng malilipatan kung ayaw niyong kaladkarin ko kayo palabas, tulad ng ginagawa niyo sa amin ni Winter!" Sambit niya sa Tiyahin at pinsan. Hindi na niya hinintay kung ano man ang sasabihin ng mga ito. Tapos na siya-- sila ng kapatid niyang magpaalila sa mga ito. Kung noon ay tinitiis niya ang pinaggagawa ng mga ito ngayon ay punong-puno na siya.

A LOVE FOR ETERNITYWhere stories live. Discover now