PROLOGUE

5.8K 87 9
                                    

ABALA si Sebastian sa pagchi-check ng mga produkto nila sa bagong branch nila sa Baguio. Sinisiguro niyang maayos ang pagkakabiyahe ng mga furnitures nila. Naisipan niyang magpatayo ng branch nila sa Baguio dahil may mga nagrerequest para hindi na sila mahirapan pang umorder pa sa Maynila.

Nang matapos siya sa ginagawa ay napagdesisyonan niyang maglibot-libot muna sa burnham park, ngunit kung saan siya bumaling ay ang masasayang alaala nila ni Alexandra ang nakikita niya. They used to stroll the park on their dates. Sumasakay sila sa bike at sa mga boat. Napabuntong hininga siya at nagpatuloy sa paglalakad hanggang napadpad siya sa view deck.

"Sebastian..." Narinig niyang sambit ng katabing babae. Agad niya itong nilingon at nagulat siya sa nakita. Si Alexandra, ang asawa niyang nang-iwan sa kanya. Nakatulala lang ito sa kawalan, napadako ang tingin niya sa kamay nito at nakaramdam siya ng kasiyahan na makitang suot-suot pa nito ang singsing na binigay niya noong kasal nila. Hindi na siya nagdalawang isip at agad na niyakap ang asawa. Damn! He missed her so much, at nag-uumapaw ang kaligayahan niya ngayon na muli niya itong nakita.

"A-ano ba! Let me--" Napatigil si Alexandra nang makitang ang asawa ang yumakap sa kanya. Bumilis ang tibok ng puso nito at sunod-sunod ang pag-agos ng luha niya. "S-sebastian..." Mahinang sambit nito. Alexandra's eyes were filled with love and longing habang nakatingin sa kanya. "Oh, Sebastian!" Gumanti ito ng yakap sa kanya. Nanatili lang silang magkayakap, hindi nila alintana ang mga taong nakatingin sa kanila.

"Love, masaya akong nakita kang muli." Punong-puno ng lambing na sambit niya asawa at hinalikan ang noo nito. "Bumalik ka na sa akin, love." Lumuluhang sambit niya habang sapo-sapo ng niya ang magkabilang pisngi ng asawa.

"I miss you, Seb..." Nakangiting sambit ng asawa at hinalikan siya sa labi. "I'm sorry kung umalis ako noon. I'm sorry. Naging sarado ang isip ko noon, kahit na alam kong nahihirapan ka sa paghahanap sa akin."

"Bakit ka ba kasi umalis noon, love?" Hindi niya mapigilang itanong. "Sobra-sobra akong nag-alala sayo-- sa inyo ng anak natin. Nasaan na pala ang anak natin? Gusto ko siyang makita."

"Ipapakilala kita sa anak natin. Nasa La Union siya ngayon, kasama sina... Mama. Nasisiguro kong magiging masaya si Serene pag nagkita kayo." Nakangiting sambit ng asawa.

"It's a girl..." Hindi makapaniwalang sambit niya. Noong buntis kasi ang asawa ay nagkasundo silang huwag na munang alamin ang gender ng anak nila para maging sorpresa 'yun sa kanila.

"Yes, she's a very sweet girl, Seb." Nakangiting sambit ng asawa.

"I can't wait to meet her." Excited na sambit niya. Napangiti naman ang asawa at inihilig ang ulo sa dibdib niya. Pinalibot niya ang kamay sa bewang ng asawa. "Love... Alexandra..."

"Hmm?"

"Bakit ka umalis noon?" Tanong niya.

"Hindi ba sinabi ng mama mo dahilan?" Balik-tanong nito.

"Ang sinabi niya sa akin ay may sumundo daw sayong lalaki at sinabing handa ka na niyang panagutan." Sambit niya at hinalikan ang ulo ng asawa. "Pero hindi ako naniwala. Panatag akong ako lang ang mahal mo." Tiningala siya ng asawa at nakataas ang isang kilay nito.

"Conceited aren't we?" Nginisian lang niya ang asawa. "Kahit kailan talaga ang mama mo, ayaw magsabi ng totoo." Napabuntong hininga ito.

"Ano ba talaga ang nangyari nang araw na 'yun, love? Nawala lang ako ng ilang oras ay hindi na kita mahanap pag-uwi ko." Tinitigan siya ng asawa at may nabasa siyang lungkot sa mga mata nito pero agad din itong nawala. Nginitian na lang siya ng asawa at pinagkislop ang kamay nila.

"Mamasyal na lang tayo, tulad ng dati." Yaya nito at hinila siya. "Or kung gusto mo puntahan natin ang anak natin?"

"I would love to, love, pero may business meeting ako mamaya, at hindi ko na maaaring ipare-schedule pa 'yun." Malungkot na sambit niya. Lumukot naman ang mukha ng asawa. "Kung matapos agad ang meeting ko, deretso na tayo ng La Union. Kung hindi naman ay maaga na lang tayong magbiyahe. Is that okay with you?"

A LOVE FOR ETERNITYWo Geschichten leben. Entdecke jetzt