Chapter 28

750 33 10
                                    

"Dawn, saan ka ba nagpupunta?" Nag-aalalang tanong ni Alexandra pagkapasok na pagkapasok ni Dawn. "Iniwan mo pa ang cellphone mo."

"I'm with a friend." Tanging sagot ng anak at napadako ang tingin nito kay Sebastian na nasa tabi niya. Sebastian didn't leave her, both of them are worried sick sa panganay nila. They waited but night time comes and still no sign of Dawn, kaya nagpatulong si Sebastian sa kaibigan nito. Mabuti na lang at nakita ng kaibigan nito si Dawn at sianbing nasa mabuting lagay naman ito kaya kahit papaano ay kumalma siya.

"Dawn..." Tawag ni Sebastian sa anak.

"I'm tired, magpapahinga na muna ako." Sambit nito at nilagpasan sila.

"How about dinner? Are you going to skip it?" Nag-aalalang tanong ni Sebastian.

"Kumain na po ako sa bahay ng kaibigan ko." Sambit nito at umakyat ng hagdan.

"I think she is still in shock." Sambit ni Sebastian at inakbayan siya. "And I can't blame her for it. She once told me that what if her father looked for them before then she might not experience the hardships they faced with Winter. Baka iba ang takbo ng buhay niya." Dagdag nito at ramdam ni Alexandra ang panginginig ng katawan nito, "When I was just a mere stranger to them, I really pitied them. Ang sabi ko sa sarili ko napakawalang kwenta ng ama nila for not even sparing time to find them. I even thought that their father is so fortunate to have daughters that would protect each other. Ironic, isn't it?" Sebastian let out a bitter laugh.

"Turns out that ako pala ang sinasabihan ko ng ganoon. Napakawalang kwenta kong ama, I never felt so useless until now. Tama nga siguro si Dawn, kung nag-effort akong hanapin kayo, they would not have that kind of miserable life. They would even enjoy their childhood. And.... And she would not even be sold to some bastards out there!" Umiiyak na sambit nito. Maging si Alexandra ay hindi na din niya mapigilang hindi umiyak. "Ang daming what ifs na tumatakbo sa isip ko... if only I could turn back the time..."

"No, it was also my fault, kung sana lang ay hindi ako umalis, kung hinintay ko man lang sana ang paliwanag mo, hindi na sana tayo hahangtong pa sa ganito." Umiiyak na sambit niya at niyakap ang asawa. Tama nga ang sabi ng iba, sa bawat desisyon ng mga magulang, ang anak nila ang mahihirapan. "Let's just take it slowly, ako man ay madami di nang pagkukulang sa mga anak natin. Especially kay Dawn, I robbed her childhood from her. I wanted to see her bright smile again, a smile that is sincere and true."

"Unti-unti tayong babawi sa kanila. And I promise na hinding-hindi ako mawawala sa tabi niyo. Just like my vow to you when we got married." Seryosong sambit ni Sebastian.

Lingid sa kaalaman nila ay narinig ni Dawn ang pag-uusap nilang mag-asawa.

"Too late..." Umiiyak na sambit ni Dawn at nagtungo sa silid nito.

"Let's call Winter para makapaghapunan na tayo." Sambit ni Alexandra. "At para hindi ka gabihin sa daan."

"No, I will stay here with you and our daughters." Sambit ni Sebastian. "Baka magising ako at wala na naman kayo." Seryosong sambit nito na nagbigay ng sakit sa puso niya. Hinawakan ni Alexandra ang kamay ng asawa.

"Hinding-hindi kami aalis, Seb." Sambit niya. "I will not make the same mistakes again." Dagdag niya at pinisil ang kamay ng asawa.

"Basta, hindi ako aalis sa tabi mo." Sambit nito at pilit na ngumiti.

"But you need to have a change of clothes." Nakangiting sambit niya. "Why don't you go home and get your things then come back here. I'll wait for you." Suhestiyon niya.

"I think that is a good idea." Nakangiting sambit ni Seb.

"Kaya halika ka na at kumain na tayo para hindi ka gabihin sa daan." Sambit ni Alexandra at hinila ang asawa. Pagpasok nila ng kusina ay andoon si Winter at tinutulungan sina Esme at Manang Cillia.

A LOVE FOR ETERNITYWhere stories live. Discover now