Chapter 30

561 29 3
                                    

Patuloy sa pag-iyak si Dawn habang papalayo sa gate ng eskwelahan, walang kasiguraduhan kung saan siya tutungo pero patuloy pa din siya paglakad. May mga nakakasalubong siyang estyudante na nagtatakang tumitingin sa kanya pero binalewala lang niya ang mga ito.

Ang bigat ng dibdib niya, she hoped that her father would stop her but was disappointed when he didn't even try to. But what should she expect?

Patuloy lang siya sa paglalakad nang may nabungo siya.

"Hey, look where—Dawn?" Sambit ng nabangga niya, she look up and it was Kyle, isa sa mga kaibigan ni Calix. Doon niya lang napansin na nasa tapat na pala siya ng main building. "Oh, damn! What happened to you?" Nagtatakang sambit nito nang makita kung ano ang ayos niya.

"I'm sorry." Sambit niya at akmang aalis nang pinigilan siya nito.

"You are a mess, let's fix you up." Sambit nito at hinila siya papasok sa building. Alam na niya kung saan siya nito dadalhin. "Damn! Calix will be mad for sure." He softly whispered kaya hindi narinig ni Dawn.

"Make yourself comfortable. Kukuha lang ako ng ice." Sambit ni Kyle sa kanya pagkapasok na pagkapasok nila sa SSC office. Walang ibang tao doon bukod sa kanilang dalawa kaya naman nakaramdam siya ng hiya lalo na't hindi naman sila close ng binata.

Lumapit si Kyle sa kanya at may dala-dalang dalawang ice pack. "Here." Sambit nito at iniabot sa kanya ang isang ice pack. "Damn, sobra ang galit ng may gawa nito sayo." Dagdag nito at maingat na itinapal sa pisngi niya ang hawak-hawak nitong ice pack dahilan para mapangiwi siya. Kunot noong napadako ang tingin nito sa bandang sentido niya. "You have a cut here." Napabuntong hininga ito. "Wait here." Muling sambit nito at muling nagtungo sa kung saan.

Dawn just sighed as she looks herself in the mirror. Ibang-iba na ang ayos niya compared kaninang umaga. Nakawala na nga sila sa kamay ng tiyahin pero may dumating na namang bagong delubyo sa buhay nila. Sa ngayon ay iniisip niya ang mararamdaman ng ina at kapatid sa oras na malaman nila na may ibang pamilya na si Sebastian. Muli siyang napabuntogn hininga at maingat na idinampi ang dalawang ice pack sa magkabilang pisngi niya.

"You're really a mess, Dawn." Tumatawang sambit ni Kyle nang makita ang itsura niya. Lumapit ito at may dala-dalang betadine at cotton.

"sige, pagtawanan mo pa ako." Nakangusong sambit niya. Hindi naman sila close ng binata pero malapit ang loob niya dito.

"Nakakatawa naman kasi ang itsura mo." Sambit nito habang nilalagyan ng betadine ang cotton. "Pag nakita ka ni Calix siguradong mapapamura ýun." Dagdag nito.

"and why would he be?" Nagtatakang tanong niya pero makahulugang ngumiti si Kyle.

"You're quite dense, eh." Umiiling na sambit nito. "This might sting a little bit. Excuse me." Sambit nito at idinampi ang cotton na may betadine sa sugat niya sa bandang sentido.

"Aww." Nabiglang bulalas niya.

"I tol—what the hell?"

Nagulat na lang si Dawn ng biglang bumulagta sa sahig si Kyle at si Calix ang may kagagawan noon. Madilim ang mukha nito.

"The hell, Lix!" Kunot noong sambit ni Kyle at bumangon. "What is your damn problem?" Seryosong tanong nito.

"What is happening here?" Kunot noong tanong ni Blaine na kadarating lang kasama nito ang iba pa nilang mga kaibigan.

"I warned you not to lay a finger on her!" Seryoso at madiin na sambit ni Calix. Ang seryosong mukha ni Kyle ay napalitan ng pagkamangha at bigla itong tumawa.

"I'm just helping her, man. There is no reason to get angry." Tumatawang sambit ni Kyle.

"Tinutulungan lang naman pala, Lix, eh." Sambit ni Vlad nilapitan si Dawn, akmang aakbayan sana nito ang dalaga pero itinulak ito ni Calix dahilan para mapaupo ito sa sofa.

A LOVE FOR ETERNITYजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें