Chapter 26

759 38 12
                                    

"S-sebastian..." Hindi makapaniwalang sambit ni Alexandra habang nakatingin sa seryosong mukha nito. Sampong taon ang napalipas mula nang huli silang magkita at hindi pa din ito nagbabago.

"Tito Seb!" Gulat na sambit ni Winter pero bakas pa din sa boses nito ang kasiyahan na muling makita ang lalaki. Si Dawn naman ay parang naestatwa sa kinatatayuan, hindi siya maaaring magkamali sa narinig. Asawa ang itinawag ni Sebastian kay Alexandra.

"Lumayas na kayong mag-ina dito kung ayaw niyong magpatawag ako ng security at kaladkarin kayo palabas!" Seryosong sambit ni Sebastian at binitiwan ang kamay ni Emerald.

"Ma, siya yung sinasabi kong sugar daddy ni Dawn." Sambit ni Gina.

"Mukhang ikaw ang nagpapalaki ng issue kay Dawn kahit na ilang beses ko na itong nilinaw." Seryosong sambit niya kay Gina. "I suggest you should stop making stories if you don't want to be put behind bars!" Dagdag niya.

"Are you threating my daughter?" Sigaw ni Emerald. "I can sue you for that!"

"Then sue me!" Malakas na sambit ni Seb. "Magkasohan tayo, mas may pera ako at sisiguraduhin kong mabubulok kayo sa kulungan sa pang-aabuso niyo sa mga anak ko!"

"Ano—"

"Kung noon kayang-kaya niyo silang alipustahin, pwes ngayon na andito na ako at hanggang nabubuhay ako, hinding-hindi ko kayo hahayaang makalapit sa kanila!" Sambit niya. "Lumayas na kayo!"

"Wala kang karapatang palayasin kami dito! Bakit sino ka ba, ha? Dating asawa ka lang ng kapatid ko! Hindi ba't iniwan ka niya para sa ibang lalaki? Bakit ka pa ba nagpakitang muli?" Pang-uuyam ni Emerald.

"Tatawag na ako ng security kung hindi pa kayo aalis dito." Sambit ni Sebastian at inilabas ang cellphone pero bago pa siya makatawag ay may mga pumasok na kalalakihan sa bahay.

"Did someone call security?" Nakangising tanong ni Gabriel kasama ang iba pa nilang mga kaibigan at apat na security ng village.

"What the hell are you all doing here?" Kunot-noong tanong ni Seb.

"Rinig sa labas ang mga sigawan, and as the owner of the village, may karapatan naman siguro akong tiyakin na maayos ang lahat sa loob ng village ko, right?" Kibit balikat na sambit ni Rafael.

"Damn you, Alexandra!" Galit na sambit ni Emerald. "Aalis kami dito basta ibigay mo sa akin ang dapat ay akin!"

"Matagal mo ng nakuha ang mana mo, Ate kaya wala kang makukuha sa akin!" Sambit ni Alexandra.

"Hindi! Hindi mo binigay lahat!" Giit nito.

"Parehas lang ang ibinigay sa atin ni Attorney kaya huwag mo akong pag-isipan ng masama!" Sambit ni Alexandra. "Hindi mo lang ginamit ng maayos ang perang natanggap mo kaya bigla itong naubos!"

"No!" Mariing sambit ni Gina. "Sa ating dalawa, nang matanggap mo ang pera, ikaw ang bigla na lang may pinanggamitan nito. Basta mo na lang itinapon ang pamana sayo! Kaya nagtataka ako kung bakit sa kabila noon ay maayos pa din ang pamumuhay mo." Dagdag nit Gina. "Ah, oo nga pala! Ibinebenta mo ang sarili mo sa malaking halaga!" Nakangising sambit nito dahilan para sampalin siya ni Alexandra.

"Ni minsan ay hindi ko ibenenta ang sarili ko, ate!" Madiing sambit ni Alexandra at muli itong sinampal. "You've been accusing me of things I didn't do. Baka naman ikaw ang gumagawa noon?" Tanong niya na ikinangitngit ng kapatid. "At sa sinabi mong basta ko na lang itinapon ang perang ipinamana sa akin. That's not true. It's true that I used some of it to help someone pero itinago ko ang iba para sa anak ko!"

"Lies!" Galit na sambit ni Gina.

"It's up to you kung ayaw mong maniwala. Now, get out of my house! At hintayin niyo ang demanda ko for selling my daughter!" Galit na sigaw niya na ikinagulat ni Sebastian. Sebastian looked nervously at Dawn who is quietly drying her tears. He doesn't know what to think. Sobra-sobra na ang naranasan ng magkapatid sa kamay ng mag-ina.

A LOVE FOR ETERNITYOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz