Chapter 10

481 26 10
                                    

Chapter 10

ISANG LINGGO... isang linggo ng walang paramdam si Sebastian kay Alexandra magmula ng gabing nagtanong siya tungkol sa dating kasintahan nito na lalong ipinagdaramdam ng dalaga. Ayon kay Gino na nakasalubong niya noong nakaraang araw ay masyado daw abala si Sebastian sa mga plates nito kaya hindi siya nito mapuntahan. But he could call or text her pero ni minsan ay hindi nito ginawa. Nilunok na din niya ang pride niya at sinubukang tawagang ito but to her dismay, he didn't pick her calls. She even sent him a message saying how much she miss him but he ignored everything.

Gabi-gabi na lang ay umiiyak siya, lubos ang pasasalamat niya sa kaibigan na gabi-gabi ding dinadamayan siya.

"Sigurado ka bang kaya mong mag-isa?" Nag-aalalang tanong ni Ana sa kanya. Linggo iyon at nagkasundo silang sasamahan siya ni Ana sa pagsimba ngunit biglang dumating ang mga magulang ng kaibigan. "Sumama ka na kaya sa amin?"

"Ngayon lang kayo ulit magkikita ng mga magulang mo kaya  sila ang asikasuhin  mo." Sagot niya. "Kaya ko na 'to, Ana." Dagdag niya.

"Eh, kasi naman.." Napabuntong hininga ito. "Basta tawagan mo agad ako kung may kailangan ka." Bakas pa din sa boses nito ang pag-aalala, na ikinangiti niya.

Maaga pa nang makadating siya sa simbahan. Pagkapasok na pagkapasok pa lang niya ay ramdam niyang unti-unting pumapayapa ang nararamdaman niya. She's home.. Umupo siya at nag-usal ng taimtim na panalangin. Isinasa-diyos niya ang mga problemang meron siya and she's asking for guidance, protection and a good judgement.

Habang nagdarasal ay naramdaman niyang may tumabi sa kanya. Naamoy niya ang pamilyar na pabango, but who is she kidding? It would be impossible na si Sebastian 'yun. She continued to pray to her heart's content hanggang sa unti-unting nawawala ang bigat sa dibdib niya.

Matapos magdasal ay marahan niyang iminulat ang mga mata, akmang pupunasan niya ang mga kumawalang luha nang biglang may pumunas dito. Gulat na tumingin siya sa katabi at muli siyang napaluha. It was Sebastian. Halata sa mukha nito ang pagod at puyat, but still, hindi iyon nakababawas sa taglay nitong kagwapuhan.

"Hush.. stop crying, babe." Mahinang sambit nito habang tinutuyo ang mga luha niya gamit ang panyo nito. "We will talk later. But for now, stop crying. The service will start in a while at kanina pa nakakunot ang noo ni Pastor Manuel habang nakatingin sa atin." Sambit nito. "Talagang mananagot ako sa kanya." Ngumiti ito dahilan para mapangiti siya. Kinuha niya ang panyo mula dito at siya na ang nagtuloy na punasan ang mga luha niya.

The whole service ay hawak-hawak ni Sebastian ang kamay niya. And the message hit her hard. really hard! The message was about relationship with God and the people around you. And that includes respect, trust, faithfulness and love.

There's this example na ginamit ni Pastor Manuel, "...That's why sa panahon ngayon, madaming relasyon na nasisira because they lack trust sa partner nila. Yes, there's love but is that enough? Kaya nga sa isang relasyon, it is important to have trust and love at the same time, of course kasama na diyan ang respect and being faithful.. May mag-asawang lumapit sa akin minsan for counseling. Ang problema ng husband ay lagi siyang binubungangaan ng wife niya at lagi daw itong nagseselos. So, I asked the husband, kung may mga ginagawa ba siyang mali para ganoon na lang ang reaksyon ng wife niya. I also asked hin if he is giving his wife the assurance na wala namang dahilan para magselos ito..."

TAHIMIK lang si Alexandra habang nagda-drive si Seb, hindi niya alam kung saan sila pupunta ng binata, ngunit pamilyar ang daan na tinatahak nila.

Madaming bagay ang naglalaro sa isip niya, will he break up with me now? or there's still a chance para maayos ang relasyon nila? Nagulat na lang siya nang bumukas ang pinto sa gawi niya. Doon na lang niya namalayan na nakahinto na pala ang sasakyan at pinagbuksan siya ng pinto ni Seb.

A LOVE FOR ETERNITYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon