Chapter 25

794 44 26
                                    

KUNOT ang noo ni Alexandra habang pinagmamasdan ang bahay nila. Hindi na niya maramdaman ang pagiging at home sa bahay nila. Lalo na ngayon na alam niyang sa bahay nila mismo naging miserable ang buhay ng pinakamamahal niyang mga anak.

"Ma, ayos lang po ba kayo?" Nag-aalalang tanong ni Dawn sa kanya. Napailing siya at tiningnan ang dalawang anak.

"Kaya niyo pa bang pumasok sa bahay natin, mga anak? Sa mismong bahay natin kung saan naging miserable kayo." Emosyonal na tanong niya sa mga anak.

"Mama, ang bahay na 'yan ay pinatayo mo para sa amin ni Winter, para sa atin." Matapang na sambit ni Dawn. "Huwag tayong magpaapekto sa mga nagawa nila Tita sa amin. Kailangan nating ipamukha sa kanila kung kanino ba ang bahay na 'yan. I'm not being selfish, ma. Alam ko namang wala silang mapupuntahan kung umalis sila diyan, pero..."

"Pero hindi tama ang ginawa nila sa inyo. Ayaw ko sanang gawin 'to pero walang kapatawaran ang ginawa nila sa inyo ni Winter." Napabuntong hininga siya. Nasa labas pa lang sila ng pinto ay rinig na rinig na nila ang malakas na sigaw ng Aye Emerald niya.

"Mga kasambahay lang kayo dito! Wala kayong karapatang palayasin kami!" Sigaw ni Emerald. "At sino ang nag-utos? Si Dawn?" Sigaw nito. "Punyeta talaga ang babaeng 'yun, pagkauwing-pagka-uwi niya ay makakatikim siya sa akin!" Galit na singaw nito. "Hindi kami aalis ng anak ko dito! May karapatan kami dito bilang taga-alaga nila!"

"Taga-alaga?" Rinig nilang malakas na sigaw ni Manang Cillia. "Ni minsan ba ay inalagaan niyo silang magkapatid? Hindi ba't ikinukulong niyo lang sila kung may nagawa silang hindi niyo nagustuhan? Kaya huwag na huwag mong sabihing taga-alaga ka dahil isa kang demonyo! Sakim sap era!"

"Aba't sumasagot ka—" Hindi na napigilan ni Alexandra ang sarili at malakas na binuksan ang pintuan dahilan para magulat ang mga tao sa loob. Lalong naningkit ang mga mata niya nang makitang akmang sasampalin ng Ate niya si Manang Cilla. Si Manang Cilla na matagal nang naninilbihan sa pamilya nila, sa tulong ng Ninong at Ninang niya ay nahanap niya ito.

"A-alexandra..." Hindi makapaniwalang sambit ni Emerald. "Anong... Bakit hindi ka nagsabi na darating ka para sunduin ka namin?"

"At para ano? Para bilugin ang ulo ko?" Tanong niya at nilapitan si Manang Cillia. "Ayos lang po ba kayo, Manang?" Tanong niya sa matanda.

"Ayos lang ako, hija." Sagot naman nito, napansin din niyang hawak hawak ng matanda ang hindi kalakihang jewelry box niya.

"Naku, Alexandra! Pagsabihan mo si Manang, may balak yata siyang nakawin ang mga alahas mo." Sambit ni Emerald na ikinainit ng ulo niya.

"Si Manang Cilla ba o ikaw, Ate?" Seyosong tiningnan niya ang nakakatandang kapatid. "Hindi ka na ba nakontento sa mga perang pinapadala ko at sa kita ng grocery para pag-enteresan mo ang mga alahas ko?"

"H-hindi ko alam ang pinagsasabi mo, Alexandra." Nau-utal na sambit ni emerald.

"Kung pera lang ang gusto mo, sana lang ay nagsabi ka, ibibigay ko naman 'yun, eh, pero bakit kailangan niyo pang saktan ang mga anak ko?" Sambit niya habang tinitimpi ang galit. "All this years, mas naniwala ako sa inyo! Pinapagalitan ko ang mga anak ko sa kasalanang hindi naman pala nila ginawa!"

"At sino ang nagsumbong sayo niyan? Si Manang Cilla? Si Esme? Oh, I see, ang dalawang anak mo na walang utang na loob!" Matigas na sambit ni Emerald. "Mga walang utang na loob! Matapos ko silang bantayan habang wala ka ay basta-basta na lang kaming palalayasin!"

"Wala silang utang na loob sayo, Ate!" Madiin na sambit niya. Magsasalita pa sana siya nang nagmaamdaling bumaba si Yaya Esme at may dala-dalang maleta at nagulat ito nang makita siya.

A LOVE FOR ETERNITYWhere stories live. Discover now