Chapter 16

521 26 6
                                    

"Napakabuti talaga ni sir Sebastian." Sambit ni Yaya Esme nang makalabas si Sebastian. "Tinulungan na nga niya tayong dalhin si Winter dito sa ospital, ito at bumalik pa siya dahil kaarawan mo. Napakaswerte ng pamilya niya." Dagdag nito.

"Ate, talaga bang hindi siya ang tatay natin?" Tanong ni Winter.

"Hindi, Winter." Masuyong sambit niya sa kapatid. "Isa lang siya sa mga taong mabubuti ang loob."

"Sayang, ate at hindi siya ang tatay natin. Sa tingin mo ate, may asawa na kaya si Tito Seb?" Tanong nito.

"Winter!" Babala niya sa kapatid.

"Bakit ate? Wala namang masama sa sinabi ko, ah?" Nakangusong sambit nito. "At tsaka kung wala pa naman siyang asawa, pwede naman nating ipakilala kay mama para may tatay na tayo." Dagdag nito na ikinabigla niya.

"Kilabutan ka nga, Winter sa mga piangsasabi mo." Saway niya sa kapatid. "Pawang wala kang sakit sa pananalita mo." Sambit niya. "Ito at kumain ka na para makapagpahinga ka ulit." Dagdag niya at sinubuan ang kapatid.

"Eh, Ate naman, ayaw mo ýun, may tatay na tayo." Nakangusong sambit ng kapatid matapos nitong lunukin ang sopas.

"Winter," Napabuntong hininga siya. "Alam kong sabik ka sa aruga ng isang ama, ganoon din naman ako, pero tsaka na natin muli itong pag-usapan, kasi kailangan mo pang magpagaling." Sambit niya sa kapatid. "Sige ka, mamaya talagang hindi natin makikilala ang tatay kung hindi ka magpapagaling."

"Oo na, ate." Nakangusong sambit nito na ikinangiti niya. "Pero ate—"

"Winter!" Pinandilatan niya ang kapatid.

"Sabi ko nga, kakain na ako." Sambit nito na ikinatawa ni Yaya Esme habang pinapanood ang dalawa. Sa ilang taong paninilbihan ni Yaya Esme sa pamilya Santiago ay alam niya kung anong hirap ang diranas ng magkapatid sa kamay ng sariling kadugo. Kaya kahit na gustong-gusto nila ni Manang Cilla na umalis na lang ay hindi nila magawa-gawa dahil sa dalawang magkapatid, hindi nila kayang iwan ang dalawa.

"Ate, may nabanggit ba pala ang mama kung kalian siya uuwi?" Biglang tanong ni Winter.

"Wala pa, pero ang sabi niya tatapusin niya ang kontrata niya tsaka siya uuwi." Sagot ni Dawn.

"Sana nga makauwi na ang mama para makasama na natin siya at sana malaman na niya ang mga ginagawa ng Tita sa atin." Malungkot na sambit nito.

"Don't worry, Winter, habang wala pa ang mama, ako muna ang pro-protekta sayo. At ipinapangako ko sayo na simula ngayon wala nang aapi sa atin."

"Salamat, Ate, ah? Alam ko ang mga hirap na pinagdaanan mo. You've always covered for me, lahat ginawa mo para sa akin. I'm very blessed na ikaw ang Ate ko." Sambit nito na ikinaantig ng puso niya.

"Nagkasakit ka lang ang drama mo na." Nakangiting sambit niya sa kapatid. "I'm also happy na ikaw ang kapatid ko kahit na napakakulit mo." Sambit niya at bahagyang kinurot ang pisngi nito.

"Busog na ako, Ate." Kalaunan ay sambit nito.

"Ubusin mo lang ito, Dawn." Sambit niya dahil paubos na ang sopas. Tumango naman ang kapatid at inubos ang pagkain. "Good girl." Nakangiting sambit niya at pinunasan ng tissue ang bunganga nito. Iyon ang naabutan ni Sebastian nang pumasok ito.

"Tapos ka ng kumain, hija?" Nakangiting tanong nito.

"Opo, Tito. Salamat po." Nakangiting tugon ni Winter at humikap. "Pero inaantok na ako." Dagdag nito at ipinikit ang mga mata. Hinayaan na lang nila itong matulog.

"Kilala mo ba si Calix Espiritu, hija?" Tanong ni Sebastian kay Dawn.

"Opo, same department po kami pero hindi kami magkaklase." Sagot niya. Calix is one of the most popular guys in the university because of his looks and him being the president of the department's organization and the treasurer of the student supreme council. Aside from his position he is also intelligent he's always at the top on the whole 3rd year level, ang binata din ang lagging isinasabak tuwing quiz bee. She remembered the time na sila ang magkatunggali sa department quiz bee nila when she's still active participating those events, after the question was asked, Calix immediately said his answer making him the 1st placer and she's won the 2nd place.

A LOVE FOR ETERNITYOù les histoires vivent. Découvrez maintenant